Chapter 6 (Another trouble)

5 1 0
                                    


Pagkatapos ng mga nangyari ay, 7:45 pm na at limang oras na lang ay aalis na ang mga magtatrabaho sa bar. Marami nang naayos at wala ang tatlo pero naiwan si Evans sa may tabi ng pinto na pasukan at labasan mg bar at may kausap sa telepono,

"(Okay son I'm proud of you. But please Evans Bùyào hé nǐ xiōngdì chǎojià)" A chinese language means huwag mong aawayin ang kapatid mo.

"Xièxiè bàba. Goodbye po"

At inalis na ni Evans ang ngiti niya malaman niyang kanina pa pala nakikinig at nakatingin si Brenda sa likod niya at di naman sinasadya ni Brenda na marinig dahil palabasa na siya at saktong nakatalikod at kausap ni Evans ang papa niya. Nagtaka si Brenda na napansin siya ni Evans ng sabihin ni Evans na,

"Chismosa ka talaga noh?"

Agad na lumingon at tumingin kay Brenda ng masama. At sinabi ni Brenda na,

"No sir. Hindi ah "

"Nagawa mo pang magpretend? What did you hear?"

"Ahm. Uhum. La-lahat po sir. Sorr*"

Agad siyang pinigilan ni Evana na magsalita at sinabing,

"Sa susunod, ikaw na kumausap. Tutal nakikinig ka rin naman"

Nasungitan si Brenda. BRENDA'S POINT OF VIEW.

Agad na lang siyang umalis sa harap ko ng nakasimangot at galit na galit. Kaya lumabas na lang ako. Eh wala nga akong naintindihan sa sinasabi nila eh parang may lahing Koryano o Chinoy eh. Ang arte arte talaga nun naiinia na ako sa kaniya pasalamat siya, anak siya ni Sir Watson kundi mapapatay ko na siya!... Pauwi na ako at kinakabahan pa rin ako kina mamay at kuya,di ko masasabi na magtatrabaho ako sa bar eh tas yung first day of school ko na silang apat pala ang mga boss ko. Pinaglalaruan na ba kami ng tadhana? Kaloka?! Ang malas naman! Ng nandito na ako sa gate namin walang sumalubong sakin saan nanaman kaya si kuya Makoy?! Tamad talaga!! Maya maya naisipan ko munang ibaba ang bag ko pagkapasok wala pa naman si mamay tinext kasi ako ni kuya na agahan ko umuwi pero wala rin ako nagawa, si mamay naman nagluluto kaya di ko na lang siya muna pinuntahan agad ako pumunta sa kuwarto ni kuya,umakyat agad ako para masabi niya yung sasabihin niya sakin kanina pa pagkapasok ko sa school. Binuksan ko pinto niya nakaupo siya sa kama niya at busy na busy sa paglalaptop tapos nagsalita siya sakin,

"Bunsoy tara na dito. Kanina pa kita pinapauwi ah? Hahanapin natin si pawie bili!"

Nagulat ako sa sinabi ni kuya,

"Kuya naman! Nagiisip ka ba? Alam mo namang galit na galit si mamay kay"

Itinigil ko at inalala ko ang tawag namin sa kaniya ah oo sinabi nga ni kuya

"Ni pawie"

"Ha? Bunsoy? Kilala mo ang tawag natin kay pawie? Eh diba? Mga bata pa tayo nung naglaho siya ng parang bula?"

"Anokaba! Kuya malamang 6 years old lang naman ako non tapos ikaw otso! Kuya talaga kahit kailan"

Nagisip pa siya wala talaga siyang alam.

"Ahh teka bunsoy sinabi ko na din pala ahihihihi"

Nainis na lang ako at tumabi na sa kaniya pagkatapos non alam na pala ni kuya,parang wala pang ibang pamilya si pawi nasa Dubai yung background ng profile niya eh, buong pangalan niya pala ay Roberto Santiago. Ngayon kolang nalaman na Roberto pangalan niya pero nakita ko yun sa mga sulat ni mamay na nakatago sa kuwarto niya tapos nakita ko magkaibigan na pala sila sa Facebook ni kuya?! Talagang kuya to oh. Maya maya nakita ko may chat narin sila na kapag nandito na ako magvivideo call daw kami nila pawie. Grabe 17 years siyang di nagpakita eh ngayong 18 na ako di ako makapaniwala. Maya maya biglang nagring na at may tumatawag na sa laptop ni kuya hininaan muna niya at baka mayari kami kay mamay tapos...

Four Boys And MeWhere stories live. Discover now