[Preface]

11 0 0
                                    

[Leigh]

Nauso ang salamangka at mahika ng taong X061 kung saan makikita sa bawat dako ng mundo ang iba't-ibang taong may kakayahang magmanipula ng iba't-ibang bagay.

Hindi ko ikinanghihinayang ito, ngunit sino ang magaakalang magdudulot ang bagay na ito ng isang trahedyang magbibigay ng peklat sa aming mga puso?

~ F L A S H B A C K ~

"Sigurado ka ba ma maayos na itsura ko?" tanong ko kay mama.

"Oo naman anak. Ano pa bang pinanghihinayangan mo sa sarili mo?" sagot ni mama sa akin.

Hindi ko alam pero sobrang kabado ako para sa graduation ko. Hindi ko naman first time na grumaduate pero napakalaking tahak na sa buhay ko ang gagawin ko pagkatapos ko dito.

Matagal nang patay si papa. Parte si papa ng Arcane Ministry; isang ministeryo ng gobyerno kung saan obligasyon nilang protektahan ang bawat mamamayan ng bansa. Hati ang ministeryong ito sa iba't-ibang sektor at si papa ang namumuno sa sektor ng mahika. Namatay si papa sa isa sa kanilang misyon ukol sa isang nabanggit na taong balak magnakaw ng isang hindi mapapalitang bagay ng kahit anoman.

Ang tragic oo, na hindi man lang naabutan ni papa ang graduation ko, pero alam ko kung asan man si papa ngayon ay hindi niya ako iiwanan. Hawak-hawak ko ang natatanging alaalang ibinigay sa akin ni papa. Isang kwintas na may pulang bato sa gitna nito. Nakabalot ang bato sa dalawang manipis na ginto. Gawa naman ang tali nito sa purong pilak na tila medyo mabigat. Araw-araw ko itong sinusuot. Kahit matutulog na ako ay hindi ko ito tinatanggal.

"Ano handa ka na ba?" tanong sa akin ni mama

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Ngumiti din siya pabalik at niyakap ako nang mahigpit. Hinawakan ko ang mga kamay ni mama sa pagyakap niya sa akin at idinikit niya ang ulo niya sa tabi ko. Nakaramdam din ako ng pangalawang kamay na yumakap sa akin at narealize ko na si Jacob ito, ang nakababata kong kapatid na lalaki.

"May hindi ba ako naabutan?" tanong nito sa amin.

Tumawa kaming dalawa ni mama sa kaniya. Maya-maya pa habang nagkakatuwaan kami ay nagsimula na agad ang programa. Tumayo ako at binigyan ako ng halik sa noo ni mama. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at tumungo na ako sa likod ng stage.

Habang papalapit sa stage ay tila kinakabahan ako lalo. Siguro dahil ito sa hindi ako sanay tumayo sa harap ng maraming tao. Oo, kilala ako sa school namin dahil sa kakayahan ko, pero hindi ako sanay na magpakilala sa harap ng maraming tao.

Habang pansin kong kabadong-kabado ako, naramdaman kong biglang may humawak sa kamay ko. Medyo pawis, dahil pasmado din ako pero hindi natanggal ang daplis ng kamay na naramdaman ko sa kamay ko. Tiningnan ko agad kung sino ang taong humawak sa kamay ko at nakita ko si Chester.

Si Chester Lacson ang natatanging kaibigan ko sa school. Parehas kaming laging nangunguna sa school kaya't isa din siya sa mga kilalang tao sa school. Nginitian niya ako at nginitian ko din siya.

Madalas may ibang paniniwala kami ni Chester. Madalas kaming nag-aaway, madalas kaming hindi nagkakasundo, madalas kaming hindi nag-uusap kung may pagtatalo man kami pero hindi parin ako nagdadalawang isip kung bakit naging kaibigan ko siya.

"Kabadong-kabado ka ah?" pang-aasar niya sa akin.

Nginitian ko siya.

"Para kang timang!" sagot ko sa kaniya at agad kong inilayo ang kamay ko sa kaniya.

"Bakit kasi pawis na pawis ka?" tanong nito sa akin.

"First time ko lang kaya ito! Ikaw paanong hindi ka kinakabahan?" tanong ko dito.

The Heir Of Ruby [Absolute Power Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon