~ O N E ~

11 1 0
                                    

[Leigh]

Masakit ang bawat parte ng katawan ko kaya't hindi ko magawang magalaw ito. Ang iba naman ay pasmado at walang maramdaman. Mabigat din ang takipmata ko at hindi ko mabuksan ito ng maayos kaya't sinusubukan ko itong buksan at buhatin. Medyo maingay ang paligid ko, minimal lang ang ingay pero may mga hindi kilalang boses akong naririnig. Hindi ko pa buong nabubuksan ang mga mata ko at nakakita ako ang apat na mukha sa harap ko. Medyo malabo kaya't hindi ko matanto ang mga itsura nila.

"Hindi niya ata nakayanan ang abilidad mo, Lexus." banggit ng isang babae sa harapan ko.

Inabot ako nang halos isang minuto bago ako nakakita ng maayos. Hindi pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan man ako at hindi ko rin kilala kung sino ang mga taong nasa harapan ko.

Nakita ko ang isang malaking simbolo ng agila sa harap ko na hindi pangkaraniwan ang kulay nito. Kulay itim at sa gitna nito ay may isang parang hugis bato na kulay pula. Napapalibutan naman ang agila ng maliliit pang mga hugis dahon.

"Nasaan ako?" tanong ko sa kanila.

"It's good that you're already awake." sabi naman ng isang lalaki sa harapan ko.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" sabi ng lalaking malapit sa akin.

May katangkaran ang lalaki, matipuno at medyo maputi. May kahabaan ng kaunti ang mga buhok nito ngunit manipis ang lapad ng mukha niya. Kitang-kita naman ang jawline nito at halos kita na din ang bigote niya. May pagka kayumanggi ang kulay ng buhok nito at sa leeg nito ay may kwintas siyang hugis ibon.

"Nasaan ako?" tanong ko sa kanila.

"You should take more rest Leigh, hindi pa kaya ng katawan mo ang lahat ng nangyari." sabi ng babae at lumapit siya sa akin.

Iniunat niya ang kamay niya at may kaunting usok na lumabas mula dito na kulay bughaw at lila. At nang madapuan ako ng mga usok na iyon ay naramdaman ko ulit ang bigat ng mga mata ko.

[Lexus Ignacio]

"Hindi mo naman na kailangang gawin pa iyon Aubrey." sabi ko kay Aubrey habang palabas kami ng headquarters.

"Lexus hindi pa siya handa hanggat hindi siya nakakapagpahinga nang maayos." sagot nito sa akin.

"Tama si Aubrey. Kung bibiglain natin siya sa mga pangyayari, lalo lamang siyang mahihirapan." dugtong naman ni Theos.

Huminto ako pagkalabas na pagkalabas namin ng headquarters at tumingin ako sa kanila.

"Kailan siya magiging handa?" tanong ko sa kanilang lahat.

"I think you misunderstood us Lexus. What we're trying to say is that she needs more rest. After that we can tell her everything." sabi ni Ghavine sa akin.

Napabuntong hininga ako at tumalikod muli.

"Look, I know you want everything to be fixed as soon as possible. Pero kung kikilos tayo nang bara-bara, mas marami pa ang mawawala sa atin." sagot ni Aubrey sa akin.

"Surely you don't want to happen again what happened with Minea." singit ni Theos.

Lalo akong napabuntong hininga sa mga sinabi nila. Tama sila, kung magpapadala ako sa emosyon at galit ko lalong maraming mawawala sa amin.

Minea was my girlfriend. Isang napakatapang na babae at malakas. Matagal ko na siyang kakilala, mula pagkabata pa lang namin ay magkakilala na ang mga magulang namin. At mula noon, siya na ang nakasama kong lumaki.

She died three months ago, between the so called Arcane War. Ang ama ko, Viktor Ignacio ang pumatay sa kaniya. It was an unacceptable twist. To think that my father had always been on the opposite side.

"Leigh is a gifted and strong person. She can handle these things once she heard about it. After all, siya ang natatanging tagapagmana ng Ruby Stone." sabi ni Ghavine.

Tumango ako sa sinabi ni Ghavine at umupo ako sa isang tabi. Sa wakas, matapos ang ilang taon, dumating na din siya. Ang tagapagmana ng Ruby Stone. Ang babaeng anak ni Professor Amaya.

Tumabi silang lahat sa akin at tumingin ako sa langit. Nababalot ng mga malalabong ulap ang buwan, at kitang-kita ang hugis nito kahit ba natatakpan ng ulap.

"Sa tingin mo, ano ang kapangyarihan niya?" tanong ni Aubrey sa akin.

"I definitely have no idea." sagot ko dito.

"Well I do, I think." sabi ni Theos.

Tumingin kaming lahat sa kaniya at hinintay ang paliwanag niya.

"You see, Lexus mentioned something about those Raven League nang makita niya si Leigh hindi ba? If I am not mistaken hindi sila makakita." sabi ni Theos.

May punto siya. Nang makita ko si Amaya sa kwarto ay nakakalakad siya nang hindi nakikita ng mga kalaban niya.

"So you're saying she can make her targets blind?" tanong ni Aubrey.

"You have a point." sagot ni Theos dito.

"Pero, bilang anak ni Professor Milacus, hindi ako naniniwalang 'yun lamang ang kakayahan niya." dugtong nito.

"So what are you saying exactly?" tanong ni Ghavine

"Leigh is a special and gifted girl. Kung ano man ang kapangyarihan niya, sinisigurado kong makakatulong ito sa atin para sa misyon natin, at ng kaniyang ama." sabi ni Theos.

Hindi sa desperado kami na gusto naming malaman
ang kakayahan ni Leigh. Pero bilang anak ni Professor Milacus ay hindi maaaring iyon lamang ang kakayahan niya.

Habang nag-uusap kami ay biglang bumukas ang pintuan.

[Leigh]

Hindi ko alam kung ano ang meron pero gusto kong malaman ang katotohanan. Nang makabangon ako ay agad akong tumayo sa kinahihigaan ko upang maghanap ng taong makakausap. Hindi ko kilala ang mga tao dito at medyo marami sila. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin kaya't umikot ako sa buong lugar na kinatatayuan ko ngayon. Paikot-ikot ako, paulit-ulit na hinahanap ang mga mukhang natanto ko kanina bago ako makatulog muli.

Mula sa pinakababa ng building hanggang sa pinakataas ay naghanap ako. Nakapasok ako sa iba't-ibang kwarto tulad ng library, medical room at iba pa. Sa pinakataas ay mayroong malaking bintana na bilog ang hugis. Sumilip ako at nakita ko ang mga taong hinahanap ko.

Ilang saglit bago ako tuluyang bumaba upang puntahan sila, bigla kong naalala sila mama at Jacob. Hindi ko alam kung saang lupalop sila napunta o kaya ano ang ginagawa nila kaya't sinubukan kong ilabas ang cellphone ko.

Kinapa ko ang mga bulsa ko, kaliwa at kanan, pati sa bulsa ng jacket ko pero hindi ko makita. Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nangyari bago ako mapunta dito pero mukhang hindi ko maalala.

Dumiretso ako pababa ng building at hinanap ko ang pintuan papalabas. Agad-agad akong lumabas nang makita ko ang pintuan at nakita ko ang apat na nakaupo sa may hagdan ng pintuan.

Hingal na hingal ako pagkalabas ko. Gusto kong magsalita agad pero sinubukan ko munang habulin ang hangin sa loob ko.

"Looks like you're awake." sabi ng isang lalaki sa akin.

Tinuro ko ang lalaking hinawakan ko ang kamay at tinitigan ko siya. Habang hingal na hingal ay sinusubukan ko paring magsalita.

"Nasaan.. ako at... sino.. kayo?" tanong ko sa kanilang apat.

"Looks like you're famous Lexus." sabi ng isang lalaki sa tinuturo ko.

"Shut up Ghavine." sagot nito.

Lumapit sa akin ang "Lexus" at iniabot niya ang kamay niya.

"Hi, I'm Lexus. Nice to meet you Leigh." bati nito sa akin nang maiabot niya ang kamay niya.

Ibinigay ko din ang kamay ko sa kaniya at nakipagkilala.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa kaniya.

Pumorma silang apat ng linya at nginitian nila akong apat. Litong-lito na ako sa mangyayari at hindi ko alam kung nasaan ako. Sumabay pa ang pagkakalimot ko sa mga nangyari bago pa man din ako napunta sa lugar na ito.

The Heir Of Ruby [Absolute Power Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon