~ T W O ~

0 0 0
                                    

[Leigh]

"Welcome Miss Amaya. Looks like you've rested well enough." sabi nung Lexus

Hindi ko pa kilala silang lahat bukod sa tinatawag nilang Lexus. Hindi sa kilalang-kilala pero kilala ko sa pangalan. Nabanggit ito ng isang babae nang tawagin niya ito kanina.

"Ghavine." lumapit ang isang lalaki sa akin habang inaabot ang kamay niya.

Nakisabay din sa isang lalaki sa tabi niya.

"Theos. I'm Ghavine's boyfriend. Nice to meet you Miss Amaya." banggit ng lalaki na may kasamang ngiti.

Iniabot ko ang kamay nilang dalawa nang sabay. Ngumiti ako sa kanila at sabay banggit ng pangalan ko.

Sunod namang lumapit ang natatanging babae sa kanila. Lumapit siya sa akin, ngumiti at sabay bigay ng kamay.

"Aubrey Cabera." bati niya sa akin.

Ibinigay ko din ang kamay ko sa kaniya at nagpakilala.

"I suppose you already know you possess the Ruby Stone." paliwanag ni Aubrey sa akin.

"Ruby Stone?" tanong ko sa kaniya.

"Exactly. You are the Heir of the Ruby Stone." sagot ni Theos.

"What is this Ruby Stone at saan ko ito makikita? Walang nabanggit na kahit anong Ruby Stone si papa sa akin." sagot ko sa kanila.

Tinuro ni Lexus ang kwintas na nasa dibdib ko at doon ko lamang natanto na ang bato sa kwintas ko ay isang ruby base sa kulay at hugis nito.

Buong buhay kong nakasama at nakilala si papa ay wala siyang binanggit sa akin tungkol sa ruby stone na ito. Ibinigay sa akin ito ni papa noong 18th birthday ko kasama ang mga salitang "Handa ka na, Leigh." at nabalot ng gulo ang isip ko kung ano ang ibig sabihin niya dito.

Matagal nang nagt-trabaho si papa sa ministry, halos isang dekada na din. Hindi ko nakilala si papa bilang tipo ng taong mayroong kaalitan o makakaaway. Mula pagkabata ko pa lamang ay marami nang mga tao ang humahanga kay papa. Mula sa mga kapitbahay namin pati na rin ang mga katrabaho niya.

"Ang ruby stone ay isa sa apat na mitolohiyang bagay sa mundo natin. Kabilang narin sa apat na iyon ang Phoenix Robe, Dreadful Tower at Heaven's Whisper. Ang bawat nabanggit na bagay ay may sariling kakayahan na magbibigay benepisyo sa may hawak nito kaya't kailangan ay nasa mabuting kamay ang mga ito. Ang ruby stone ay nasa pangangalaga ng iyong ama, at nasa propesiya na ang babaeng anak ni Professor Amaya ang magiging tagapagmana nito." sabi ni Lexus sa akin.

"Ang ruby stone ay may kakayahang bigyan ng kakaibang lakas ang may ari nito sa oras na gamitin niya ito. Isang napakasensitibong bagay ito kaya't maling gamit mo lang ay maaaring hantungan mo na ang huling hininga mo." dugtong ni Theos.

"Subalit, may nakatakdang parusa sa may hawak nito sa oras na ito ay masira sa pangangalaga ng may ari nito." sabi naman ni Ghavine.

Hindi ako napakali sa sinabi ni Ghavine na mayroong nakaakibat na parusa sa oras na masira ito habang pinangangalagaan ko.

"I think she'd heard enough." sabi ni Aubrey.

"I agree. The last thing you need to know Aubrey, is that you're a gifted woman. May kakaibang kakayahan ka and we will be you acquaintances. Kami ang apprentices o students ng iyong ama." banggit naman ni Lexus sa akin.

Naglakad sa Lexus patungo sa likod ko at binuksan ang pinto.

"Mabuti pang pag-usapan natin ito sa loob." banggit nito.

The Heir Of Ruby [Absolute Power Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon