" Ella! Huy!"
"Ha?" Napabaling agad ako sa kaibigan kong si zuzane.
Nakatambay kami ngayon sa cafeteria dahil saktong parehas ang break namin ngayong araw. Minsan lang kasi kami magkasama dahil magkaiba kami ng course. Tourism student sya habang ako naman ay medicine student.
"Oh lutang ka nanaman? Sabi ko sayo tigilan mo ang pag dodroga" tinignan niya ako ng masama ng mapagtantong hindi ako nakikinig sa mga sinasabi nya.
"Sorry na, natulala kasi ako sa ganda mo. Ano ba yun?" inirapan ko sya at nagpatuloy na sa pagkain.
"Tigilan mo ko wala akong barya. Ano?! Sasama ka ba mamaya sa Lair?" Tanong niya ulit kahit alam naman niyang hindi ako sumasama sa mga lakad ng barkada lalo na ngayong sa bar pa ang punta.
"Tumatanggap naman ako ng buo." Pagbibiro ko pa.
"Che! Ano nga sasama ka ba? Sumama ka na minsan lang naman tsaka birthday naman ni Zeus." hinawakan niya ang braso ko na parang walang siyang balak pakawalan ito.
"Ayoko, busy ako." pagtanggi ko kahit wala naman talaga akong gagawin dahil wala akong trabaho ngayon, dayoff ko kasi ng friday at saturday sa callcenter na pinagtatrabahuhan ko.
Panigurado namang maaout of place lang ako dun kung sasama ako. Mas gusto ko pang manatili nalang sa bahay para mabantayan ko yung mga kapatid ko.
"Wala ka namang trabaho ngayon diba? Sige na kasi ipapakilala kita sa mga kaibigan ni zeus para naman magka jowa ka at magkaroon naman ng buhay yung loveless life mo." sabi niya habang tumatawa pa na parang yun na ang pinakanakakatawang joke na narinig niya.
"Babantayan ko mga kapatid ko." Pagdadahilan ko.
Hindi naman kase talaga ako mahilig sa ganyan at saka hindi rin naman kami close ni zeus na boyfriend nitong si zuzane kaya nakakahiya lang talaga kung pupunta ako kahit nandoon pa yung barkada sure naman akong may sarili silang mundo doon lalo na at madaming dadalo na galing sa ibang unebersidad. ewan ko ba sa mga yon.
Hindi ko nga alam kung friendly lang talaga sila sa mga hindi taga AU (Aeson university) oh sadyang naghahanap lang sila ng gwapo. Alam ko namang mga hapit din yung mga yon pagdating sa mga pogi, hindi naman sa sinasabi kong walang gwapo dito sa AU pero parang ganon na nga. Endangered species na daw kase sa AU yung mga papables sabi ni zuzane.
"Nandun naman yung kupal mong pinsan diba? tsaka malaki nanaman sina lenlen kaya na nila yun. saglit lang naman tayo." BInitawan niya ang braso ko at nagsimula nang magligpit ng pinagkainan namin dahil malapit na rin ang susunod na kalase niya habang ako ay may 30 minuites pa bago yung next sub.
"Alam mo naman kase na mas gusto ko pang magstay sa bahay kesa pumunta sa mga ganyan diba? Babawi nalang ako sa susunod pag hindi na sa bar ang gala." Nagsimula narin akong ligpitin ang pinagkainan ko dahil balak ko rin namang magbasa saglit sa library.
"Sus lagi mo naman sinasabing babawi ka. palagi ka parin namang MIA kahit hindi tayo sa bar pupunta." Sabi niya habang binibigyan ako ng tinging may kasamang pangaakusa.
"Tampo ka na nyan?" pangaasar ko sakanya.
"Ewan ko talaga sayong babae ka. hindi mo man lang bigyan ng oras yung sarili mo para magsaya. hindi naman nakakamatay ang pagbabar no. share ko lang sayo baka kasi di mo knows" Sabi niya sabay tayo sa kanayang upuan habang daladala ang tray na pinaglagyan ng pagkain niya kanina para ibalik sa counter malapit sa may entrance ng cafeteria.
"Hindi nga nakakamatay, nakakasira naman ng atay." Tumayo narin ako para makaalis na kaming dalawa.
"He! Balakajan lamunin ka sana ng mga tropa mong libro sa library.Minsan na nga lang ako magpilit di ka pa pupunta."
"Gaano ba kadalas ang minsan mo?" Nang makalabas kami ng cafeteria tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
"Ah basta! sumama ka ha, susunduin kita sa bahay niyo! Keri?"
"Aya-"
"Keri! Babay" Pagputol niya sa sasabihin ko sabay kaway ng kamay at takbo palayo.
Napailing na lamang ako sa inasal ni zuzane, Bahala siya di ko naman siya bubuksan ng pinto kala niya ah.Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang library.
Pagkapasok ko sa loob nginitian agad ako ng librarian naming si ate chesca. Madalas kasi ako dito kaya kilala na niya ako .Bata pa si ate chesca kaya naman mas nagkakasundo kami kesa kay manang beth na librarian rin ngunit tuwing gabi lang siya dito may night classes pa kasi yung ibang studyante kaya pinanatiling bukas yung library kahit gabi.
Nilagay ko ang bag ko sa pinakadulong lamesa ng library at nagsimula nang maghanap ng bagong librong pwede kong basahin.
Habang naghahanap ng libro ay may naramdaman akong kumalabit saakin kaya nilingon ko ito ata bumungad sakin si josh.
"Haella, uy anong ginagawa mo dito?"
"kumakanta, obvious ba?" sarkastiko kong sagot.
"Ayy haha..."Napapahiyang napakamot naman sa ulo si josh.
"Pupunta ka ba mamaya sa birthday party ni zeus?" Seriously? What is it with people and their damn parties.
"Hindi." sagot ko nalang para makaalis na ko rito ayaw ko makita ang nakakairitang mukha niya.
hindi naman sa may galit ako sakanya naiinis lang talaga ako sa presensya niya halata kasing fuckboy.Ayaw ko talaga sa taong tulad niya. Nilulustay lang ang pera ng magulang at sinasayang yung pagpapaaral sa kanila imbis na magaral kase basketball ang inaatupag. Kung di nga lang siya ang mvp ng school lagi baka natanggal na siya sa team dahil sa baba ng grades niya.
"Bakit naman?Sasamahan kita kung nahihiya ka."
"Sasamahan mo moba talag ako or pinapasama mo lang ako sayo? Either way, I am not really interested and we are not that close,so if you'll excuse me." Aalis na sana pero bigla niya akong hinila sa kamay.
"Ang sungit mo naman. Inaaya ka lang naman.Wag ka na kasing pakipot. Gusto mo rin naman akong kasama diba? Ang usap usapan crush mo daw ako eh." Wtf? Kelan pa? Kapal ng mukha talaga neto sya nga yung laging napaghihinalaan na may gusto sakin.
"Bago mo sabihin sakin yan. Tingin tingin din muna sa salamin. Tsaka masakit ag bitaw bitaw rin pag may time." Pwersahan kong binawi ang kamay ko na agad din naman niyang binitawan.
"Tsk bahala ka nga kung ayaw mo di ka naman ganon kaganda." Sabi niya sabay lakad palayo.
"Nye nye! Mukha mo Mukhang paa." pahabol kong asar na tingin ko ay hindi niya narinig dahil tuloy tuloy lang siyang naglakad palayo.
Sa totoo lang matagal ko naman na alam na may gusto sakin si josh. Hindi naman sa nagaassume ako pero madalas ko kasi naririnig sila ng barkada niya tuwing naguusap sila sa tambayan nila malapit sa library.
Hindi nalang rin pinapansin yung mga tukso sakin lagi ng mga kaklase ko tuwing hinihintay niya ko sa labas ng class room namin para ayain akong sumabay sa kanya na lagi ko rin namang tinatangihan.
Madalas nga iniiwasan ko nalang siya dahil nakakapagod na makipagtalo sakanya tuwing uwian. Sinabihan ko na nga siya na wag niya nang gawin yun pero makulit ang koyah mo kahit tinataboy ko na sige parin ng sige. Tsk mga lalaki nga naman pag inaayawan lalong ginaganahan.
Napakibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paghahanap ng libro para makapasok na ako sa susunod na klase.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Too Good At Goodbyes
JugendliteraturBeing the oldest among her four siblings, Zeylin Haella Rouque was forced to learn how to be independent and responsible. Everything started when her father left them for another woman. She was so broken and devastated. It was hell for her. She witn...