Chapter 4

1 0 0
                                    

"Will you just stand there all night?"

Napasimangot nalamang ako dahil sa kasungitan nito at agad na ring pumasok sa loob ng kotse dahil baka mas lalo pang magsungit tong kupal na to.

Tahimik lang ang naging byahe nagsasalita lang ako kapag itinuturo ko sa kanya ang daan paputa sa village namin na tahimik din naman niyang sinusundan. Nang makarating kami sa bahay ay nagmamadali akong bumaba.

"Thank you sa paghatid." Sabi habang hawak hawak ang nakabukas na pintuan.

"Your welcome." Tipid na sagot niya.

"Ah sige ingat sa daan." Sagot ko nalang sabay sara ng pintuan para makaalis na siya.

Hinintay ko pa muna siya umalis bago pumasok sa bahay namin.

"Sino yon?"Pagkapasok ko bumungad sakin si theus na nakaupo sa sofa na mukhang hinihintay ako.

"Sino?"

"Yung naghatid sayo sino? Hindi kotse ni Zuzane oh ni mira yon ah."

"Wala kaibigan ni mira pinakilala sakin sa bar." Pagod akong umupo sa tabi ni theus habang siya ay nakatutok sa pinapanood niya.

"Bat siya naghatid sayo?" Nakasimangot na sabi niya.

"Nalasing si zuzane kaya pinahatid ko kay zeus." Sabi ko nalang dahil alam kong nakasimangot lang siya dahil hindi ko kasama si zuzane , namiss niya lang ata kase.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at dumeretso nalang sa kwarto ko para makatulog.

Kinabukasan ay wala akong pasok sa school at trabaho kaya nagready nalang ako para magjogging paikot dito sa village. Inagahan ko talaga ang gising para wala pa masyadong tao.

Nang hiningal ako ay dumeretso muna ako sa park at umupo sa swing para magpahinga.

"Ang aga mo naman." Napalingon ako ng may umupo sa katabing swing at bumungad sakin si josh na mukhang kakagaling lang sa pagtakbo. Nasabi ko na bang parehas ang village na tinitirhan namin?

"Bawal ba?"

"Hindi naman. Mas gusto ko nga yun nakikita kita. Diba? Amininnn." Sabi niya na may bahid ng pangaasar.

"Tsk." Tumayo nalang ako at naglakad na paalis. Nakakasira kasi siya ng araw ang aga aga ang harot harot.

"Huy! Bat ba ang sungit mo lagi ha?" Napairap na lang ako nang makita ko siyang nasa tabi ko na. Hindi siya pinansin kahit nagdadaldal siya. Kalalaking tao daig pa babae kung bumuka ang bibig. Tumigil lang siya nang makarating na kami sa harap ng bahay namin. Magpapaalam pa sana siya pero tuloy tuloy na akong pumasok sa loobng bahay.

Umakyat ako sa kwarto ko para maligo dahil amoy pawis na ako. Pagkatapos ko maligo ay dumeretso na ako sa baba para maghanda ng almusal wala kasi si tita ngayon at wala naman akong aasahan kay theus dahil tanghali na yun gumigising pag weekends Puro mobile legends kasi inaatupag kada gabi kaya napupuyat lagi.

Nagluto ako ng Egg, Bacon at saka sinangag. Saktong pagkatapos kong magluto ay nagsibabaan na sina lenlen.

"Good morning ate." Pagbati ni annie na syang bunso namin habang si lenlen naman ay sumunod lang sakin at si Matthew ang nagiisa naming kapatid na lalake.

"Good morning."nakangiting bati ko sakanila.

"Magandang umagaa mga insan." Napalingon kaming lahat kay theus na pababa pa lang ng hagdan ngayon.

"Bilisan niyo ang pagkain at magbihis kayo punta tayong mall." Sabi ko kila lenlen na tumango lang at agad sinimulan ang pagkain.

"Sama ako insan?" Tanong ni theus habang nakapuppy eyes.

"Tigiilan mo nga kadiri ka. Sumama ka kung gusto mo." Nandidiring sabi ko.

"Ouch naman gurl papayag na nga lang may kasama pang paglait." Sabi niya habang hawak hawak ang dibdib at nagkukunwaring nasasaktan.

"Ewan ko sayo ang arte mo bakla ka ba?" Natatawang sabi ko sakanya.

"Ay barbie sabi ko na." Pagsabt ni Matthew habang natatawa rin sa itsura ni Theus.

"I'm a barbie girl, I'm living in my own world life is classic it's Fantastic." Pagkanta niya pa

"Siraulo." Sabi ko nalang at pinagpatuloy na ang pagkain.

Pagpasok namin ng mall nagpaalam sina matthew at theus na may titignan doon sa may bilihan ng bolang pangbasketball habang kami namang mga babae ay nagtingin tingin lang ng mga botique.

Binilhan ko narin ng bagong sapatos na pangeskwela sina annie dahil napansin ko nung isang araw na may sira na ang sapatos niya hindi man lang niya sinsabi sakin. Madalas siyang ganoon dahil alam niyang nagiipon pa ako para sa tuition ng ate lenlen niya dahil nakakahiya naman kung pati yun ay iaasa ko pa kay tita. kaya laging siyang nahihiyang magsabi kapag may kaylangan siya,madalas nga ay napapagsabihan ko siya dahil dito. Hindi naman kasi ako sobrang kapos at kaya ko pa namang tustusan yung mga pangangaylangan nila.

Naglibot libot pa kami at ng magkita kita kami nila theus ay napagdesisyonan nalang naming kumain sa jollibee.

Pinaghanap ko na sina lenlen ng uupuan habang kaming dalawa ni theus ang oorder. Nang nasa pilahan na kami hindi ko inaasang makikita ko si luke doon na kasama si dave.

"Uy Haella! What a coincidence." Sabi ni Dave nang mapansin niya akong nakapila sa likod.

"Oo nga."Pagsangayon ko at Nginitian na lang siya bago bumaling ulit kay Luke na ngayon ay madilim ang ukhang nakatitig kay theus habang si theus naman ay ganoon din ang ginagawa.

"Ay May kasama ka pala." Napabaling ulit ako kay dave nang itinuro nito si theus.

"Theus man!" Pagpapakilala ni theus sa kanyang sarili sabay lahad ng kamay niya upang mikapag shake hands.

"Dave." Tinanggap naman ni dave ang kamay niya kaya ng bumitaw siya ay bumaling naman si theus kay luke at akmang makikipagkamay pero tinalikuran lang siya nito.

Napapahiya namang ibinaba ni theus ang kamay niya at bumaling nalang sakin.

"Rude" Bulong ko at mukhang narinig niya kaya humarap siya saakin ng bahagya at tinitigan ako ng masama. I don't really know why I find it hot whenever he glares at me, I mean I normally get irritated whenever people do that,ma pa si zuzane man yan o si theus naiirita talaga ako agad pero pag sakanya nagiiba bigla ang epekto sakin.

Nang matapos silang umorder ni dave ay nagpaalam na si dave saamin habang siya ay dedma parin. Sinundan ko nalang sila ng tingin habang palabas sila ng jollibee.

Hanggang sa makauwi kami ay hindi parin maalis sa isip ko si luke at kahit ano namang pilit kong magisip ng ibang bagay pero bumabalik at bumabalik parin sakanya.

I sighed and pulled my hair frustratedly. Hanggang sa makatulog na lang ako ay siya parin ang laman ng isip ko leche talaga.

To be continued...

Too Good At GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon