Weeks pasted at hindi na kami nagkita uli ni Luke, I don't really want to see him anyway.
Naging busy din ako nang mga nakaraang araw dahil sa mga panibagong deadlines na binibigay ng mga prof. Hinndi narin kammi nakakapagusap ni zuzane masyado dahil busy din siya sa sarili niyang school activies kaya napagpasyahan nila ni mira na magmall mamayang uwian, napapayag nalang rin ako dahil baka magtampo nanaman si zuzane.
Tama rin naman kasi siya sa part na kaylangan ko rin magpahinga tuwing may oras ako masyado na ata akong naaisolate sa bahay kaya siguro ganoon nalang ang reaksyon ko sa lalaking yun. I think I need to meet other people and I need to escape from all the shit that I am going through.
"Haellaaaaa!!" Gusto kong mapamura dahil sa lakas ng boses ni zuzane na nasa may gilid ng gate ng school at mukhang hinihintay ako. NIlapitan ko sila ni mira sabay hablot ng maahina sa buhok ni zuzane na tinawanan lang naman niya.
"Nakakahiya ka talaga kahit kelan." Natatawang sabi ko nalang rin.
"Well." Sabi niya na may kasamang pag hawi pa ng buhok.
"Luh? Ganda ka?" Natatawang asar sa kanya ni mira.
"Oo baket angal ka?" Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at pareho nang hinatak sa sasakyan ni mira na syang gagamitin namin ngayong araw magastos pa kasi kung dalawang sasakyan pa ang gagamitin kaya sakanya nalang.
"Oo nga pala. nakalimutan ko nang itanong sayo." Napatingin ako kay mira nang bigla siyang magsalita habang nagdridrive . tumingin siya saglit sa rearview mirror para ipahiwatig na ako ang kinakausap niya at hindi si zuzane na busy sa pagphophone sa harapan.
"Ano?" simpleng sagot ko.
"Anong nangyari sainyo ni Luke pagkatapos niyong umalis ng bar?" Tinignan ko siya ng masama hindi dahil sa tanong niya kung hindi dahil sa mapaglarong ngiting nakapskil sa kanyang mukha.
"Magkasama silang umalis ng bar? Aba nawala lang ako humaharot ka na ha." Mukhang nakuha namin ang atensyon ni zuzane kaya bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ng pagkaoa niya.
"Humaharot ka diyan hinatid lang naman ako pagkatapos umalis narin." Nakasimangot kong sagot.
"Sows. Wala kang maloloko dito Haella, akala mo ba hindi naminn napansin ang pagtingin tingin at pagtititigan niyong dalawa non ni luke?" Panunukso parin ni mira.
"Hoy babaita! Ano yang sinasabi ni mira? Ishare mo na wag kang madamot." Nanlalaki ang matang sambit ni zuzane.
"Wala nga ang kulit ng mga to." Napairap nalang ako sa kawalan dahil totoo namang walang nangyari nung gabing yon sa sorbrang suplado ba naman ng lalaking yon anong inaasahan nilang mangyari mga abnormal talaga.
"Wala? Hindi manlang kayo nagusap or naglandian kahit saglit lang?" Nanliliit ang matang tanong ni zuzane.
"Wala nga."Pinal kong sabi sabay kuha ng earphones sa bag para mag sound trip nalang at para rin tumigil na sila sa kakainterogate sakin.
Nang makarating kami ng mall ay nagsimula nang bumili sila mira ng kung ano anom minsan ay inaalok pa nila akong bumili pero tumtangi nalang ako dahil wala naman akong makitang gustong gusto ko. Natapos ang pamimili nilang dalawa at napagdesisyonan naming pumunta muna sa bahay nila mira dahil nagluuto daw si tita Liya na mama ni mira.
Mabait ang mama ni mira kaya madalas ay dito kami gumagawa datii ng mga group projects noong high school pa kaming tatlo. Pareparehas kasi kami ng pinasukang private school noon at dahil iisa lang naman ang section kada grade sa pinapasukan namin ay naging magkakaklase rin kami. Noong high school ko nakilala si mira habang si zuzane naman ay kaibigan ko na simula bata kaya mas close kaming dalawa.
"Maaa!" Lumapit si mira sa kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi, Nang mabaling ang tingin nito saamin ni zuzane ay agad itong napangiti.
"Goodevening po tita!" Sabay na bati namin ni zuzane.
"Goodevening, Tara na sa dining madami akong hinandang pagkain dahil nandito din ang mga kaibigan ni Kael." Nakangiti paring sambit nito. Si kael ang nakakatandang kapatid ni mira na madalas ay nakakakulitan rin naming tatlo nila zuzane kaya parang kuya narin ang turing namin sa kanya.
"Talaga tita? Mabubusog ba kami diyan." Nagbibirong sabi pa ni zuzane. Napaka walang hiya talaga. Buti nalang at mabait si tita kaya sinasakyan niya lang lagi ang mga biro ni zuzane.
"Oo naman, Sisirain ko ang diet mo ngayong gabi." Natatawang sagot ni tita liya
"Ay bet ko yan tah." Maarteng sagot pa ni zuzane.
Nang makapasok kami sa kusina ay bumati rin samin ang ibang maid nila mira mayaman kasi ang loka kaya kaylangan pa ng maid dahil sa laki ng bahay at hindi kakayanin ni tita liya kung siya lang magisa ang maglilinis nito tamad pa naman tong dalawang anak niya.
Nagmano muna kami kay tito MIchael na nakaupo sa may dulo ng dining table na malapit rin sa entrance ng dining habang anng kabilang dulo naman ng dining table ay malapit sa pinto papuntang kusina. Mahaba ang Dining table at madaming upuan kaya siguradong kasya kaming lahat doon.
Umupo kaming tatlo sa tabi ni tita na nasa right side ng table. Bali ang katabi niya ay si mira at sumunod naman dito si zuzane habang ako ang nasa tabi ni zuzane.
"Oyyy Nandito pala ang tatlong marias." napalingon kaming tatlo nila zuzane at mira nang marinig ang pamilyar na boses sa may pintuan.
"Ay may pangit." Nasimangot na sabi ni zuzane nang mapansin ang lalaking dumating. Hindi parin siguroo niya nakakalimutan ang pambubwisit nito sa kanya noong nakaraan.
"Magndang gabi rin sayo zaney! Kamusta?Antagal niyo ring hindi bumisita ah." sambit uli ng lalaking papalapit na ngayon sa upuan namin at iyon ay walang iba kung hindi si Kael na tumatawatawa pa na parang baliw habang naglalakad. sumunod sakanya ang mga kaibigan niya na hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin dahil nakapokus ang atensyon ko kay kael.
"Busy eh." Nakangiting Sabi ko sa kanya.
"Ano bang pinagkakabusyhan mo at pinagpapalit mo na ko." Pagbibiro niya.
"Ewan ko sayo umupo ka nalang nga baka sakalin ka na netong katabi ko." Sagot ko nalang dahil sobrang sama na ng tingin ni zuzane sa kanya.
Tinawanan lang niya ako at nagpaalam na magccr lang saglit sa mga kaibigaan niya. Inaya naman sila ni titang umupo na habang ako ay kinuha ang cellphone ko sa bag para itext si theus na hindi ako magdidinner sa bahay.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtatype nang may naramdaman akong umupo sa tabi ko.
"We meet again." Akma ko itong lilingonin ngunit tila ako naistatwa dahil sa pamilyar na boses nito. It was hotter that the first time we met and I still like it.
"Oh shit." Mahina kong usal at dahang dahang siyang nilingon.
And there he is staring at me like I am some kind of a fun movie.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Too Good At Goodbyes
Teen FictionBeing the oldest among her four siblings, Zeylin Haella Rouque was forced to learn how to be independent and responsible. Everything started when her father left them for another woman. She was so broken and devastated. It was hell for her. She witn...