Haaay! Buhay. Ang bilis nga naman talaga ng panahon oo! Back to school nanaman and guess what? Balik ako sa dating school ko ang nagmamagandang Santa Rita Academy.
At bakit ko nasabing dating school ko? Kase hindi naman sa nagmamayabang pero nagaral kase ako sa italy ng isang taon. Sinubukan ko ang buhay doon with my family. pero dahil sa sobrang ganda at bait ng pamilya ko na sana wag muna sana silang kunin ni lord. Nag decide ako na bumalik na ng pilipinas.
Abala ako sa paglalakad papunta sa registrar para mag paenroll nang may masagi ang paa ko. Nalate na kase ako ng uwi, kaya nagumpisa na ang klase last month at ako nalang ang huli. Umupo ako at saka tinignan iyon, Ano to? Logbook? Sino namang burara ang mag iiwan ng logbook dito sa damuhan?.
Pinulot ko ito mula sa damuhan at saka binuklat. Bigla nalang may nahulog na dalawang papel na nakaipit sa unang page. Binasa ko ang nakasulat.
"I hate you goddamn ex-treasurer. I hope your life is as messy as this logbook!. A master piece of yours!"
Natawa naman ako sa nakasulat na yon. Kaya naman naupo muna ako dito sa bench para usisain yun logbook. Dibale maaga pa naman madami pa akong time na magpunta sa registrar. Binuklat ko ang pangalawang papel at binasa ang pangalawang love letter! este letter lang pala walang love hehe!
"I know that everybody sees me as Mr. Perfect, but f*ck kahit na mabait at masipag ako! Kung ganito ang aayusin ko kahit sino tatamarin sa punyetang logbook na'to!. Goodness please God send me some angel that will help me fix this alienic book!"
Lalo akong natawa kay "Mr. Perfect" mukang malaki ang kinikimkim niyang galit kay ex-treasurer. Lalo tuloy akong nacurious sa mala-alien na librong to ika nga ni Mr. Perfect. Binuklat ko ito and I was stunned by a moment nung makita ko ang nakasulat sa mga pahina ne'to.
Logbook pala siya ng pondo ng buong Sophomores. Mga computations at kung ano ano pang relate doon. Well kaya ko naman to mas magaling ako sa numbers kesa mag english e haha! I think I can manage!
Pinagtyagaan ko siyang ayusin sa kalahating part ng logbook. Dahil yung kalahati ay occupated na ng magulong master piece ni ex-treasurer.
"Phew! Sa wakas natapos ka din!" Komento ko sa logbook pag tapos ko itong ayusin. Inabot din ako ng kulang kulang dalawang oras sa pag co-compute at pag aayus ng mga numero sa librong to!.
Nagsulat ako ng note at inipit din sa logbook.
"Dear Mr. Perfect,
Hello! Hi! Hello! :) I am your angel sent from heaven hehe! Inayos ko ang logbook na ito para matigil na ang pagmumura at pagkamuhi mo, wag mo nang uulitin ha? Sayang perfect kapa naman. Nakaka turn off kaya pag nagmumura ka! All i can say is hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. Merong iba na mas mabigat pa ang problema kesa sayo. I am telling you mas magulo pa ang buhay ko kesa sa messy logbook na to!. So cheer up! Good luck sayo Mr. Perfect :) see you when i see you! :*
Your Angel,
Genius Mathematician ;)"Pagkatapos kong itupi at iipit sa logbook ang letter ko, nagpunta na ako sa registrar at iniwan na ang logbook doon. Haaay! Next week mag start ang pasok ko so I still have a week to enjoy my life.