Chapter 4

19 4 1
                                    

~BEFORE THE CARNIVAL~


"Anuba Taylor ayoko nga sumama,kahit na tapos na ang final exams natin,di ako sasama sayo"naiinis kong tugon.

Nasa kwarto ako at si Taylor naman nasa pinto pilit na binubukasan ito.Not until nabuksan nga nang buang ang pinto gamit ang susi na galing kay Ate Wisty.

"Ate naman,bat mo binigay yung susi?!"galit kong tugon.

"Ehh napaka kulit kasi ni Taylor,saka maglalaba ako kaya ayoko nang may umaliligid sakin kaya binigay ko"paliwanag ni Ate.

I sighed and just lay in my bed and cover my myself with my bed sheets.

"Hoy! napakachoosy mo naman eh sasama ka Lang naman sakin doon sa holiday house namin at magstay nang ilang araw"tugon nito saka hinila ang bed sheet.

"Napakalayo naman kasi saka gusto ko makapagisa lang muna dito sa bahay" paliwanag ko naman.

"Ano ka!!?kaya mo ba rito na magisa ka?!for sure di papayag si Ate Wisty na wala kang kasama dito eh aalis pa naman sila"sabi nito.

"Hala,saan pupunta sina Ate?"tanong ko.

"Kina Kuya Tristof daw may family reunion"sabi nito.

"Eh bat di saakin sinabi at sayo ko pa nalaman?!"naiirita kong tugon.

"Kasi gusto kong samahan mo si Taylor"biglang sabi naman ni Ate.

"Ehhhhh Ate!?"pag tanggi ko sa sinabi nya.

"Hoy!wag na wag mo ako maganyan ganyan tadyakan kaya kita diyan!di mo nga kayang mag on nang stove nang wala ako baka masunog mo pa toh bahay ni mama!"pagsermon nito saakin.

Nakita ko naman na tawang tawa si Taylor sa pagsermon saakin na kinainis ko lalo.

"Basta ayoko sumama"sabay kuha nang bed sheet kay Taylor.

"Ano ba kasing problem mo?"tanong naman ni Taylor saakin

"Si Elliot ok?!"pagpranka ko sa kanya.

Nagulat naman si Taylor sa naging tugon ko.

"Ehhh headline na kami sa school sa nangyari sa party saka nadamay pa yung nagconfess siya,naawa na ako sa kanya.After nang final exams,di na siya pumasok saka nadudumihan na reputation niya dahil saakin"paliwanag ko.

"Tapos magkukulong ka lang sa kwarto mo kahit naaawa ka sakanya?eh bat mo kasi tinalikuran yung tao na gustong gusto mo naman?"tugon nito.

"Kasi di ko alam gagawin ko,saka di rin ako makapaniwala na may gusto rin siya saakin pero ahhhh napakacomplicated"sabi ko.

"Kaya nga gusto na rin kita isama doon sa holiday house namin para mapagrefresh ka muna sa nangyari saka may narinig rin akong carnival na dadaanan natin.Magpakasaya naman tayo for once"tugon nito.

"Sige na Aurora kasi magiimpake na kami ni Tristof..............Hoy! Gumising kana nga diyan!Wala ka nang ginawa matulog!Di mo na nga nagbabantayan nang maayos ang bata tulog ka parin nang tulog!Nakakastress na kayong dalawa rito!"Galit na tugon ni Ate Wisty sa asawa niya.

Napatingin naman ako sa may sala at bumangon na si Kuya Tristof.

"Nasa period naman ata yung babaeng yun"Sabi pa naman ni Kuya na narinig ni Ate.

"Ano sabi mo?!"galit na tugon ni Ate.

"Ah...wala ito na iimpake na"sabi ni Kuya na ikinatuwa namin ni Taylor.

Entangled Knots Of Love(On-going)Where stories live. Discover now