Assumptions

468 15 5
                                    

Happy 200 reads! Enjoy reading!

*****

Chapter 23

Diana's POV

Nandito kaming lahat ngayon sa cafeteria. Kasama ko ang mga geminus, si Rhaine, Charene, si Friella, at si Markell. Ramdam ko ang pagtitig ng mga estudyante sa'min. Sinong hindi magtataka? Nandito si Rhaine na hindi gusto ng lahat ng nandito. Dagdag mo na rin na si Charlene ay kalapit ni Rhaine. Pati na rin si Friella at Markell na hindi naman inaasahan na kasama ng mga geminus.

"Lipat tayo ibang table Diana.", bulong sa akin ni Friella. Malaki na ang lamesa ng mga geminus ngayon at hindi ko alam kung kailan 'yon pinalitan. Noong nasa misyon ba kami?

"Bakit? Naiilang ka?", tanong ko. Bahagya naman ito tumango. Napalingon ako sa mga geminus at nakita si Caiele na matalim na nakatingin sa'kin. Napakagat ako ng labi at agad hinarap si Friella.

"Baka magalit na naman sa'kin e.", sagot ko. Bumuntong hininga ito na parang naintindihan ang nais ko iparating. Napansin ko namang dumating na ang pagkain namin.

Nagsimula kaming kumain. Hindi gaanong marami ang kinain ko, wala akong gana kumain ngayon. Parang may mali sa paligid na hindi ko malaman.

"Kain ka pa Diana. Ang unti ng pagkain mo.", saad ni Victoria at akmang magaabot ng pagkain pero agad akong umiling.

"Busog pa ako.", pilit akong ngumiti.

Kumunot ang noo ng mga ito, "Busog ka? We've just came back from a mission.", saad ni Rhaine kaya napatingin ako rito.

Napagtanto nito ang sinabi. Hindi alam ng iba naming kasama na sumabak kami sa isang misyon. Napalingon ako kila Charlene, Friella, at Markell. Nakakunot ang noo ni Markell at takang taka naman ang mukha ni Friella. Nagtaka naman ako dahil tahimik lang na kumakain si Charlene.

"Galing ka sa isang misyon Diana?"

Napalingon kay Markell na ngayon ay nakatitig sa'kin. Dahan dahan akong tumango.

"Bakit hindi mo sinabi? Kaya ba ilang araw ka naming hindi nakita?", seryosong tanong ni Friella. Napakagat ako ng labi, panigurado galit ito.

"It's not her fault. Sinabi ng Head Teacher na hindi muna dapat ipagsabi ang tungkol sa misyon.", paliwanag ni Nikole. Narinig ko namang ang pagbuntong hininga ni Friella. Napasulyap ako kay Markell na ngayon ang seryosong nakatitig sa'kin.

Natapos kaming kumain kaya't agad agad naman kaming lumabas. Hindi ko na rin makayanan ang mga titig ng mga estyudante sa loob ng cafeteria. Umalis na rin sila Friella at Markell dahil may klase pa ang mga ito. Papunta na kami sana sa dorm nang tumigil ako.

"May pupuntahan lang ako. Punta lang muna sana ako sa library.", saad ko. Lumingon silang lahat sa gawi ko.

"Anong gagawin mo ron?", tanong ni Nikole.

"Lahat kasi ng libro sa kwarto ko nabasa ko na. Balak ko sana manghiram.", ngiting sagot ko. Napansin ko namang matalim na nakatitig sa akin si Caiele.

"Do you want me to come with you? You haven't been to the library since you got here.", saad ni Caiele. Nanghihiram lang naman kasi ako ng libro sa kanila kung gusto ko magbasa.

Umiling ako, "Hahanapin ko na lang. Ako na bahala.", saad ko at ngumiti.

Tumango ang mga ito. Magsasalita pa sana si Caiele pero nagpaalam na ako kaagad.

Walang masyadong tao sa diatriba dahil lahat ng mga estudyante ay nasa kanya kanyang klase na. Naglakad lakad ako baka sakali makita ko ang library. Gusto ko naman talaga magpasama pero huwag si Caiele. Baka hindi ako maayos makapili ng libro.

NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon