Chapter 28
Diana's POV
Araw na ngayon ng Cresent Night, ang kinasasabikan ng lahat.
Samantala ako? Ito ang pinakakinakatakuan ko.
Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari ngayon. Ang alam ko lang aatake ang mga fuscus, pero hindi ko alam kung kailan at saan.
"Diana mag-ayos ka na!", sigaw ni Rhaine sa akin habang inaayusan ng buhok si Victoria.
Hindi pa rin kami ayos ng mga geminus ngayon. Si Rhaine lang ang nakakausap ko dahil hindi naman siya nagalit non at naniwala pa sa'kin. Nagkausap rin kami kahapon na huwag ko raw siya idamay sa pag-iwas. Inis na inis rin ito kay Charlene dahil ang arte daw nito pagkasama nila at parang higad kung makadikit kay Caiele.
Pinanood ko lang silang magmadali na mag-ayos. Hapon palang naman at 10 pm pa ang Cresent Night pero grabe sila kung magmadali.
"Ayan Victoria, hindi na kulot ang buhok mo.", natatawang sambit ni Rhaine.
"Maiinlove lalo sayo si Ethan niyan.", tukso ni Nikole.
"Ikaw nga kanina pa nagme-make up diyan e. Hindi halatang masyado kang nagpapaganda kay Eros.", sagot naman ni Victoria rito.
Nagtawanan ang tatlo. Maya maya ay napatingin na si Rhaine sa'kin. Humarap ito sa akin at linagay ang isang kamay sa beywang at tinaasan ako ng kilay.
"How 'bout you sis? Upo upo ka nalang diyan?"
Napatingin ako sa sarili ko. Parang wala akong pupuntahang pagtitipon sa suot ko. Hindi pa rin ako nakakapagayos ng buhok. Para akong matutulog lang buong araw.
Nabigla ako nang hatakin ako ni Rhaine at pinaupo sa harap ng salamin. Napansin kong napatingin din ang dalawa sa gawi ko pero hindi ko pinansin 'yon. Tumingin lang ako kay Rhaine na ngayon ay nasa baba ang kamay at nagiisip.
Bigla na lamang ito naglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha ko. Alam kong make up ang tawag dito dahil may mga ganito sa Earth pero hindi ako gumagamit non. Marami akong tigyawat non at sa tingin ko lalala 'yon pag naglagay ako ng kung ano ano.
Sa gitna ng pag-aayos sa'kin ni Rhaine ay biglang bumukas ang pinto. Nakita ko mula sa salamin ang pagpasok ni Charlene na abot langit at ngiti. Kumunot ang noo ko nang tumigil ito sa mismong tabi ko.
"Rhaine, ayusan mo na ako.", nakangiting saad nito kay Rhaine.
"Later after Diana.", sagot nito na hindi man lang sinulyapan si Charlene. Nakapokus ito sa pagaayos sa'kin.
Napansin ko ang pag-irap ni Charlene, "Ngayon mismo ang gusto ko. Mamaya mo na asikasuhin 'yan."
Napa-angat ang tingin ni Rhaine, "Inuutusan mo ba 'ko?"
"Ofcourse not. Sinasabi ko lang na ako ang unahin mo hindi yang sinungaling na 'yan.", sagot ni Charlene.
Magsasalita pa sana si Rhaine nang biglang sumingit si Nikole.
"Unahin mo na si Charlene. Makakapaghintay naman yung isa."
Nilingon ko si Rhaine at tinanguan na lamang ito. Umalis na lamang ako sa kinauupuan ko at dumiretso sa pinto. Lumabas na lamang ako dahil baka kung ano pa ang mangyari kung nandoon ako. Lalo na at nandoon si Charlene.
Nakita ko na lamang ang sarili ko sa hardin ng diatriba. Walang tao sa paligid dahil abala ang lahat sa pagaayos. Napagpasyahan kong magtungo sa paraiso ng caelum. Nang makapasok ako sa lagusan ay nadatnan ko ang Light Enchantress at dalawa pang pigura.
![](https://img.wattpad.com/cover/239084546-288-k246869.jpg)
BINABASA MO ANG
NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under Editing
FantasyNAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tinitirhan niya, isang scholar ng paaralan, at isang ulilang dalaga. Mabait siya, matalino, responsable, masipag, pero hindi siya kagandahan, d...