Chapter 4
Diana's POV
Paano nangyari to? Bakit ganto ang mukha ko? Ang itsura ko?
"Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?", nagaalalang tanong ni Tita Fransica sa akin.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Tita. Nakatitig pa rin ako sa salamin at gulat na gulat.
"Tita ganto po ba ang mukha ko kanina?", tanong ko.
"Oo iha, simula nung magkasalubong tayo. Bakit may problema ba?"
Ibig sabihin kahit kanina na bumili ako ng tinapay ay gantong mukha ang nakita ng tindera? Kaya pala tinawag akong magandang binibini kanina. Kaya pala tinawag akong maganda nung lalaki kanina.
Tinignan ko muli yung mukha ko. Ako pa rin naman to. Nawala lang ang tigyawat ko at lumiwanag ang kulay ng balat ko. Ngayon ko lang din napansin na humaba ang buhok ko, umabot ito sa baywang ko. Iba rin ang kulay ng buhok ko, alam niyo yung ginger hair? Ganun ang kulay nito. Iba rin ang kulay ng mata ko, hazel brown na ito.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Gumagamit ako ng mga skin care products dati pero ni isa ay walang tumalab. Ngayon ay biglaan nalang ito kuminis. Matagal din humaba ang buhok ko pero wala pa atang isang araw ay ang haba ng hinaba nito.
Hindi ko naman makakaila na gusto ko rin ang nangyari. Ang mukha ko ang dahilan kung bakit lagi ang binubully dati. Tinatawag akong halimaw, pangit, mangkukulam, at kung ano ano pa. Kaya wala rin akong kaibagan noon, mabuti na lamang at dumating si Angel ay kahit papaano ay may naging kaibigan ako.
Maya maya'y kumain na kami ng tanghalian. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari pero kinalimutan ko muna saglit. Di siya kayang iproseso ng utak ko kaya idadaan ko nalang muna sa kain.
*****
Isang linggo na ako dito sa Chydaeus. Iniisip na baka panaginip lang lahat ng ito at magigising ako nasa mansion ako nila Angel, pero ngayon alam kong totoo to, totoo ang lahat ng ito. Tumutulong rin ako kay Tita Fransica sa mga pagtatahi niya. Nagulat siya nung nagbasa lang ako ng libro, alam ko na lahat ng mga kailangan gawin.
Nandito ako ngayon sa bayan. Namimili ako ng mga gamit panahi na kailangan ni Tita. Marami rami ito pero para makatulong, ako na ang bumili.
May napansin akong isang lalaki. Mukha itong ordinaryong mamamayan lang pero pakiramdam ko may gagawin itong masama. Nilinga ko ang paligid at parang walang nakakapansin sa lalaki. Muntikan na kong mapasigaw nang maglabas ito ng patalim at hinatak ang isang babae. Tinutok nito ang patalim sa babae kaya't napatili ito.
Nagsigawan ang mga tao. Sabi ko na nga ba at kahina hinala ang lalaking ito. Pero bakit ngayon lamang nangyari ito? Sa isang linggo kong paninirahan dito akala ko walang mga krimen na nagaganap dito. Matiwasay at mapayapa ang paninirahan ng mga tao sa chydaeus.
Humalaklak ang lalaki, "Maghanda kayo mga mamamayan ng chydaeus! Unti unti namin paghaharian ang buong lugar ng Arbelya! Kayong mga chydaeus ang uunahin namin!".
Ang Arbelya ang tawag sa mundong ito. Oo alam ko iyon, naikwento sa akin ni Tita Fransica ang lahat tungkol sa mundong ginagalawan ko ngayon. Ang bayan ng chydaeus at dicio, ang mga magus, virtus, at geminus, pati na rin ang mga fuscus. Kaya nga't inisip ko na panaginip lang ang lahat ng ito.
Takot na takot ang babaeng hawak ng lalaki. Marami nang nagsisigawan na tao dahil sa takot lalo na nang nagsalita ang lalaki. Hindi na ko nakatiis at sumigaw kahit alam kong wala iyong magagawa.
"Bitawan mo siya! Pakawalan mo siya!", naiiyak na sigaw ko sa lalaki.
Lumingon sa gawin ko ang lalaki. Gulat itong nakatingin sa akin habang nilalayo ang patalim sa leeg ng babae. Nang lumuwag ang hawak ng lalaki ay tumakbo palayo agad ang babae. Gulat ang reaksyon ng lalaki at parang hindi gusto ang ginawa. Hindi ko na lamang ito inisip dahil nagaalala pa rin ako sa babae.
BINABASA MO ANG
NAMELESS: WHO AM I? (COMPLETED) Under Editing
FantasiNAMELESS BOOK #1 Synopsis: Si Diana ay isang normal na tao na naninirahan sa mundo. Katulong sa bahay na tinitirhan niya, isang scholar ng paaralan, at isang ulilang dalaga. Mabait siya, matalino, responsable, masipag, pero hindi siya kagandahan, d...