Jennie's POV
It's already 3:30 pm na ok na lahat ng kailangan namin naka handa narin kaming tatlo nila Rose si Iu na lang ang hinihintay namin.
"Hay nako kahiy kailan talaga tong si Iu ang bagal bagal kung kumilos". Iritang saad ni Dahyun.
"Eh ayan na pala si Iu eh". Saad ni Rose sabay akbay kay Dahyun.
"So ano tara na?". Tanong ko sa kanila tumango naman sila kaya lumabas na kami at nagtungo na sa kotse.
-------
Andito na kami ngayon sa Park naglatag kami ng sapin at inilabas na namin ang mga pagkain na nasa basket.
Lumipas ang ilang oras at puro kwentuhan lang kaming tatlo nila Dahyun napansin kong hindi sumasali saamin si Iu tulala lang ito kaya nilapitan ko sya at tinanong.
"Iu ok ka lang ba?". Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot kaya tinanong ko syang muli at sa pagkakataong ito ay nakuha ko rin ang atensyon nya pero hindi parin sya sumagot nakatitig lang sya sakin na para bang nagtatanong kaya inulit kong muli ang tanong ko.
"Ang sabi ko kong ok ka lang ba? Kasi kanina kapa tulala dyan eh". Paguulit ko.
"A-ako? O-ok lang ako". Parang wala sa sariling saad nya lumapit narin yong dalawa at tinanobg din sya ni Rose.
"Sure kaba? Baka masama ang pakiramdam mo?". Tanong ni Rose na may halong pag-aalala.
"Ha? Ano ba kayo ok lang talaga ako". Natatawang saad ni Iu.
"Alam nyo satingin ko umuwi na lang tayo baka nga masMa ang pakiramdam mo Iu". Nagaalalang saad ni Dahyun.
"Satingin ko tama su Dahyun umuwi na tayo". Saad ko.
"Ha? O-ok lang nga ako no tsaka sayang naman pag punta natin dito ilang oras pa lang tayong nandito no". Saad ni Iu.
"May ibang araw pa naman tsaka na lang tayo bumalik dito ang importante makauwi na tayo at makapagpahinga ka". Saad ni Rose.
"Per-". Diko na pinatapos ang sasabihun ni Iu ng putulin ko ito.
"No more but ok, uuwi na tayo". Saad ko kaya wala ng nagawa si Iu kong hindi ang pumayag na lang din.
Dahyun's POV
Nakauwi na kami ngayon at pinagpahinga muna namin si Iu sa kuwarto nya.
"Satingin nyo ok lang ba talaga yang si Iu?". Tanong ni Rose saamin.
"Baka masama talaga ang pakiramdam nya". Saad naman ni Jennie.
"Siguro nga, osya maiwan ko muna kayo at magluluto na ako". Pagpapaalam ko sa dalawa tumango naman sila kaya nagtungo na ako sa kusina at nag umpisa ng magluto.
BINABASA MO ANG
THE GUY I MET IN MY DREAMS
FanfictionIsang babae na may nakilala sa panaginip. Panaginip na hindi nya makakalimutan. Isang lalaking sa panaginip nya lamang nakita. Nang dahil don ay unti-unti nyang minahal ang lalaking sa panaginip nya lamang nakilala. Pero lahat ng yon ay panaginip la...