Chapter 5

13 0 0
                                    

MAUREEN'S POV

Hell no!! So that man knew na nakita ko siya?!! But how did he know my unit?!!

This is so Oh my fucking G!!

Mabilis kong tinago ang knife sa kitchen at pumasok sa room upang ipagpatuloy ang bonding namin nina Shanice.

Hindi pa man nakakapasok ay naririnig ko na ang dalawa kaya binuksan ko agad ang pinto.

"Yong paa mo kanina pa nararamdaman ng putotoy ko!! Manyakis ka bitch?!!" sigaw ni Angelo kay Shanice.

Putotoy what?!!

"Kasalanan ko bang mas malaki pa space mo saken kakabukaka mo ha?!! Kung makabukaka kase kala mo ang laki nyan eh!!" sigaw pabalik ni Shanice.

"Ho-" di ko na pinatapos ang dalawang magtalo nang bigla kong kunin ang unan sa gilid at ibinato sa kanila.

It's pillow fight time, beybehhh!!!

"Ahhh ganyan gusto mo ah....." sabay nilang sabi at tsaka kami naghampasan ng pillows.

Wooohhh angsaya!!!

Ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng sobrang saya.

Sobrang sakit na ng tiyan ko kakatawa dahil kaming dalawa ni Angelo ay pinagtutulungan si Shanice na ang pula na ng mukha dahil sa hampas ng unan.

HAHAAHAH!!!Ano kayang magiging reaksyon neto pag nakita yang mukha niya?!!

Sa sobrang pagod ay nagpahinga na muna kami at tawa nanaman kami ng tawa ni Angelo nang makita ni Shanice ang mukha niyang sobrang pula na!!

Nag-ayos na kami ng kwarto at ng mga kalat ng bahay. Hinanda na rin namin ni Shanice ang uniform namin para sa school bukas. Nagpaalam na si Angelo dahil lagot daw siya sa Lola niya.

Pagkatapos magligpit ay natulog na kami ni Shanice pero di ko maiwasang di alalahanin ang kaninang nagpadala ng knife na yun.

Will that man kill me too?

Andaming pumasok sa isip ko hanggang sa makatulog nalang bigla.

***

Nagising ako sa tunog ng alarm pero naghintay muna ko ng five minutes para gisingin ang katawan, nakatulala lang ako habang hinihintay matapos ang limang minuto na iyon.

Bumangon na ako at tsaka nagluto ng breakfast namin ni Shanice. Simpleng breakfast lang ito at mayroong hotdogs, eggs, ham, and embutido na paborito namin. Hindi kami nagra-rice ni Shanice dahil pareho kami ng kundisyon ng tiyan. Kumbaga ay mabilis naming dinudumi ito at tatlong subo palang ay busog na kami.

Pagkatapos magbreakfast ay naligo na ako at ginawa ang skincare routine ko. Aloe Vera gel lang at ice ang ginagamit ko sa mukha. Pagkaligo ay ginising ko na si Shanice.

Umunat muna ito at tumingin sakin na nagbibihis. "It's Tuesday morning beybehhh!!" sigaw niya na ikinagulat ko. Nalaglag tuloy ang bra na hawak ko.

Nagbreakfast na din siya at naghanda tapos ay umalis na kami. Habang nagdadrive ako ay parang namamanhid ang utak ko.

(Alam niyo yung feeling na yon?)

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami ni Shanice sa school. Dala ang cellphone at tumbler ni Shanice ay meron siyang dalang maliit na Teddy bear para daw pag natulog siya mamaya.

Crazy.

Napangiti ako nang maisip na makikita ko nga pala si Caden ngayon! OMG!! My President Caden!!

Siya ang Student Council President dito sa buong school, kahanga-hanga dahil napagsasabay niya ang pag-aaral, Student Council works na kailangan niyang gawin, at pagrereview sa room nila.

At dahil mabait sa akin ang langit....

NANDITO NGAYON SI CADEN SA TABI NAMIN HABANG BUMIBILI NG WATER!!

Magha-hi na sana ako nang biglang may kumalabit sakin.

Tsk!Nubayan!Lagi nalang may hadlang sa lovestory namin!Di bale my Caden loves, pagsubok yan para maabot ang future natin!

"Ehem!Excuse me." nang matauhan ay rinig kong sabi ni Caden.

"A-ahhh y-yeah sure. Here." nauutal kong sabi at pinadaan siya. Nakakain-love ang talim ng titig niya sakin kanina!!!

"Woohhh! That was epic!! Muntik na tumulo laway mo Mau!!" natatawang sabi ni Shanice saakin.

Hindi ko na pinansin ang chika ni Shanice at pumunta na kami sa room namin. Medyo tahimik ang mga kaklase namin kaya nakapag-review pa ako ng maayos at si Shanice naman ay natutulog gamit ang Teddy bear niya habang wala pang Prof.

Nang dumating ang Prof. ay agad itong nag discuss. Di naman boring ang pagtuturo niya dahil nasa mood ako.

Nang mag break time ay inaya kaagad ako ni Shanice sa canteen. Nasira ang mood niya dahil inaasar nanaman namin siya ni Angelo.

DISCUSS. 20 MINUTES BREAK. DISCUSS. DISMISSAL!!!!

Woohhh!!Sarap mag-aral!! I love my life!! Hehe.

Pinauna ko na ang dalawang umuwi, pinag-grab ko nalang si Shanice pauwi para sakin ang kotse. At si Angelo as usual ay dumeretso pauwi dahil baka malagot siya sa Lola niya.

Nang makapasok sa library ay nilanghap ko ang pinakamamahal kong amoy ng mga libro. Umupo na ako at tsaka nilabas ang librong babasahin.

Halos isang oras akong nagbasa sa lib nang biglang may umupo sa harap ko.

"C-caden...." naiusal ko nalang.

"Would you mind if I sit here?" walang ekspresyong tanong niya.

"A-ahhh y-yeah yeah sure. Here." naiilang na sagot ko at hinayaan syang umupo.

Nagpaalam pa eh nakaupo na nga.

"Can you help me on these?" wala pa ring ekspresyong tanong niya.

Why me?

"Bakit ako?" takang tanong ko dahil may iba namang tao dito sa lib pero ako natripan niyang pagawin neto.

"I'm the Student Body President here kaya kung anong ipagawa ko sayo ay gagawin mo." sagot niya nang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

Wala akong nagawa kundi gawin ang pinapagawa niya. Porket alam niyang crush ko siya ay uutusan na niya ako?!! Bitch please??? Hindi karapat-dapat utusan ang 'cute na cute' na tulad ko 'no.

Pagkatapos ng pinapagawa niya ay nagpatuloy na ako sa pagbabasa.

"Did you receive the knife?" napabasa ako ng medyo malakas dahil nafe-feel ko na ang binabasa kong Horror LoveStory. Ganon talaga ako pag feel na feel ko na ang binabasa. Kaya nga pag magbabasa ay gusto ko laging mapag-isa dahil napapagkamalan na akong baliw ni Angelo at Shanice.

"You mean yung nadelivee sayo?" tanong ni Caden na siyang ikinagulat ko ng malala. Huminto ang paghinga ko doon.

Seryoso siyang nakatingin sa loptop at may isinusulat na kung ano.

How did he know?......


GUILTY LOVEWhere stories live. Discover now