chapter: two

0 0 0
                                    

2.

       HINDI NA siya nagulat pa ng makita ang isang Vanessa Slayne sa kanilang classroom. Nakita na niya ang pangalan nito sa list bilang isa sa mga classmates niya. Ang laki ng ngiti nito at tinapik ang upuan na katabi at malapit sa bintana.

She knows already some of her classmates, naging kaklase niya ang mga ito nung junior high at dahil hindi na naman niya ito close ng sobra ay napagdesisyunan nalang niyang maupo sa tabi ng babae. Baka magtampo pa ito, matampuhin pa naman

Yun ang napansin niya nung dinala nila ito sa apartment nila ni Missi at ang bruha niyang kaibigan kinuwento ang mga kahihiyan niyang pinagagawa noon para kay Caleb

Ang isang hindi niya malimutan ay yung ginaya niya ang ginawa ni Nami sa 'Little things called Love' na movie. Ewan kung ano ang trip niya sa buhay at nilagay ang binili niyang mamahalinh stokolate sa ibabaw ng Hiace ni Caleb at naghintay buong magdamag hanggang sa dumating ito...and just like what Mario Maurer did in the clip, inangat ito ni Caleb at tumama ang tunaw na stokolate sa sasakyan nito na bago pang car was ayon kay Vanessa. Nakakahiya talaga, sobrang-sobra. Di na talaga siya umulit

Parang naging dragon ito at bumuga ng malakas na apoy

Mabuti nalang hindi siya nasunog

Hanggang ngayon talaga namumula pa siya sa kahihiyan

Napatigil siya sa iniisip nang kalabitin siya ng katabi at nginuso ang katapat na building

Simula ng malaman ni Vanessa na gusto niya si Caleb ay lagi na siya nitong tinutukso sa lalake na hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niya

Akala niya, kaya hindi ito nakipagkaibigan sa mga babae na nakaawayan dahil alam nitong gagawin lang siya tulay pero bakit nakikipagkaibigan ito sa kanila

She mean...hindi naman niya ito gagamitin pero nakakapagtaka lang, hindi manlang ba nito inisip na baka iyon din ang kanilang pakay?

Pero bahala ito

At least, ang alam niya hindi niya gagamitin ang babae na mapalapit kay Caleb. Hindi niya naman gusto dahil hindi niya kayang mapalapit dito. Nakakakapos ng hininga ang presensiya ng lalake

Napangiti siya habang tanaw ang lalake na tamad na naglalakad habang suot ang uniform ng senior high, he looks manly because of it, sophomore na talaga sila.
Ang puting headset nito ay nakasabit sa leeg habang pigil ang mga mata na mapapikit, ang buhok nito ay nakataas na para bang kakatapos lang mag super sayan, kamag-anak siguro nito si Goku

Sinundot-sundot siya tagiliran ni Vanessa "ayieee"

Umiwas siya ng tingin at lumunok staka pinakalma ang sarili

Nag-iinit ang kanyang buong mukha na siyang ikinatatawa ni Vanessa

Vanessa didn't stop teasing her until their first subject came

Napabuga nalang siya ng hangin

Their break time came, like the way she and Missi do, sabay silang nagpapalipas ng oras kung saan habang nag-uusap na parang walang katapusan. Sa kadaldalan ng bff niya hindi ito mauubusan ng ichichika

Panay lang ang iling niya habang nagkukuwento ito tungkol sa nakilala na namang karibal kay Aldrey. Mabuti nalang daw hindi ito bitchy o malandi baka nasabunutan na nito ang babae

"Stismiss ka ng stimiss, magbayad ka na" bagot niyang utos dito, kanina pa kasi naghihintay ang tindera at marami pa ang nakapila

Umismid ito nagbayad

"Gosh, ba't ba ang dami kong karibal" stress na stress nitong tanong na para bang isa itong napakaling problema sa buong mundo

Dahil busy ito ay siya nalang ang naghanap ng kanilang mauupuan at halos mapuno na ang cafeteria. Sana naman magpagawa ng second floor ang campus. Sa rami ng mga estudyante hindi sila magkakasya

Admiring a STEM studentWhere stories live. Discover now