Chapter 2
"Dude, did you already landed?" tanong ni Trevron sa kabilang linya.
"Oo. Ang haba nga ng tinalon ko, grabe, in- asthma ako." biro niya pa at ibinaba ang shades niya at saka itinupi ang po hanggang siko.
"Ulo mo! Seyoso nga ako!" naiinis na saad naman ni Trevron sa kabilang linya.
Kakaabot ng ng private plane nila sa airport at saka Boom!
Welcome to Iloilo City na siya!
Kinuha niya ang maleta niya at hinila papalabas ng private plane. Kasama niya si Alte pagpunta niya rito kaya hindi masyadong boring ang trip nila. Magkasundo rin kasi sila ni Alte kaya no prob sa kanya.
"Oo nga! Unli?" saad niya sa kausap.
"Maganda siguro diyan, ano?"
"Tama lang. Malamig ang simo'y ng hangin, kay saya ng bawat damdamin" siya at saka tumawa dahil ginamit niya pa ang litiko ng kanta.
Aabuting apat na oras ang biyahe nila bago makarating sa paroroonan nila. Sumakay sila sa kanyang sasakyan ni Alte at umalis na.
Pinatay niya na rin ang cellphone niya at saka kinuha ng dalawang unan sa gilid ng kotse niya at ini- unan ito, iyong isa naman ay kinukopkop niya. Si Alte ngayon ang nag da- drive at napagkasunduan nilang pagkadating sa Sarah ay siya na naman ang magmamaneho ng sasakyan.
Hindi na bago sa kanya ang gawain na iyon dahil minsan, kung malayo ang biyahe nila ay ganito palagi ang ginagawa nila.
Mahigit sampong taon na rin ang huling bakasyon niya dito at nasa kinse anyos pa lamang siya. Inaamin niyang namimiss rin niyang makalanghap ng preskong hangin. Tumingin siya sa labas ng bintana, marami rami na din ang nagbago at medyo pollutado na ang hangin sa siyudad.
Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at umidlip dahil nasisiguro niyang malayo layo pa ang bibiyahien nila.
↓↓↓
"KC.....KC...." napaungol siya ng may naramdaman siyang parang may gumigising sa kanya.
Naimulat niya ang kanyang mga mata at ang mukha ng butler niya ang bumungad sa kanya. Tinignan niya ang relo niya at nakita niyang mahigit tatlong oras na ang nakalipas.
"Saan na ba tayo?" tanong niya sa butler.
"Nasa Sarah na, bumili lang ako ng Pizza at coke" anang butler niya.
Bumaba siya sa kotse at lumipat sa driver seat. Nakikita rin niyang pinagtitinginan rin siya ng mga tao dahil kaagaw agaw pansin talaga sila lalong lalo na ang sasakyan at mga damit nila.
Nginitian lamang niya ito at nagtilian naman ang mga babaeng nakakita. Napabuntong hininga na lamang siya at napangiwi.
Well, ganyan talaga pag gwapo. Saad sa isip at saka humalakhak.
Takang napatingin naman sa kanya ang butler.
"Tinitingin tingin mo diyan?" nakataas ang kilay na tanong niya.
" Napasukan na naman ba?" takang tanong nito sa kanya na hindi naman niya makuha.
"Ng ano?"
" Ng hangin ang ulo mo?" tanong nito at saka tumawa.
" Nakikita mo 'to?" sabi niya sa butler at saka itinuro ang mahahabang legs niya..
YOU ARE READING
My Promdi Girlfriend
RomanceKraio Gabriell is a famous actor also belong to a high - class family. His mangager arrange him in a vacation for him in able to feel relax from stress and instead stay in his grandma's province, Iloilo Province. On the way from his destination, he...