Chapter 4
"Apo, gising na at kailangan mo pang pumunta sa tapangko para kunin ang mga pinamiling gulay si Alte doon! " pambubulabog pa ng Lola ko sa kalagitnaan ng tulog ko.
Medyo naiinis rin ako dahil halos madaling araw na ako nakatulog dahil pinanood ko ang mga series ng paborito kong palabas na Harry Potter ngunit hindi ko rin ito napatapos at hanggang sa Harry Potter And the Prisoner of Azkaban lamang ako.
Tamad akong bumangon at iniligpit ko muna ang aking higaan dahil baka pagalitan na naman ako ng Lola ko kesyo lalaki raw ako ay dapat marunong din na magligpit ng aking mga kalat. Merong part na takot ako sa Lola ko ngunit hindi rin naman palagi dahil noon ay palagi akong ipinagtatanggol ng Lolo ko.
Sa mga nangyayari ngayon ay lalaki na ang under sa babae. Hindi ko alam kung anong mga kaek- ekan ang mga iyon ngunit iba ang Lola at Lolo ko.
Si Lola ay babaeng siga ngunit pagkaharap nito ang Lolo ko ay agad na lumalambot ang ekspresyon nito kaya kung mag aaway silang dalawa ay talagang hindi na siya pumapatol sa Lolo ko dahil ito ang kahinaan niya.
Under kasi ang Lola niya sa Lolo niya at na kuwento na rito ng Mama niya na meron daw na isang beses na nag away sila at nagresulta iyon ng break kaya labis rin na nasaktan ang Lolo niya. Binawi iyon ng Lola niya dahil siguro nakita nitong masyado ng nasaktan ang mahal nito.
Marami na rin kasing naging sakripisyo ang Lolo niya. May roon ulit na isang beses na noong buntis ang Lola niya ay ang Lolo niya ang naglilihi at palagi ring may morning sickness at imbis na pagtawanan ay naawa rito ang Lola niya, nga naman, sinong siraulong tatawa sa ganoong sitwasyon? Siguro siya, kapag nandoon siya!🤣.
"Keeeysiiiiii!" napatalon siya sa gulat ng kumalabog ang pinto ng kuwarto niya.
Napahawak siya sa dibdib sa sobrang gulat at nanlalaki pa ang mga mata ngunit alam niyang ang Lola lang naman niya ang may gawa no'n!
Binuksan niya ang pintuan at doon bumungad ang Lola niya na may dalang hanger at nakapamaywang, poker face at nakaharap sa kanya.
Napaatras siya.
"M- morning..." mahinang bati niya rito.
Nanlilisik ang mga matang tumingin ito sa kanya.
"Good morning, apo. Mabuti naman at gising kana ng sa gayon ay para hindi ko na rin magamit itong hanger ko. Pamalo sayo." madiin sa sambit nito sa kanya at nagkandalunok lunok naman siya.
"O- opo Lola" tumango lamang ang Lola niya at lumabas ng kwarto niya.
Tarantang kinuha niya ang towel at pumasok sa banyo para maligo.
↓↓↓
"Ba't hindi ka raw ma contact ng Mama mo, hijo?" tanong ng kanyang Lolo habang sila ay kumakain sa hapag kainan.
"Huh? Pero hindi naman sila tumatawag" kunot- noong sabi niya. Engot, kakasabi lang nga.
"Nasaan ba iyong cellphone mo?" nakataas ang kilay ng Lola niyang tanong sa kanya.
Kinapkap niya sa bulsa angcellphone niya ngunit wala ito roon. Binilisan na lamang niya ang pagkain ay pagkatapos ay pumunta ulit sa kwarto niya para hanapin ang nawawalang cellphone.
Timignan niya sa drawer at inisa- isa ngunit wala ito roon. Sinuyod niya ang ng tingin ang buong kwarto at agad na pumasok sa utak niya ang nangyari kahapon.
YOU ARE READING
My Promdi Girlfriend
RomanceKraio Gabriell is a famous actor also belong to a high - class family. His mangager arrange him in a vacation for him in able to feel relax from stress and instead stay in his grandma's province, Iloilo Province. On the way from his destination, he...