"Tol.." ang bukod tanging salita na lumabas sa bibig ko nung makita ko siyang nakaupo sa bubong ng boarding house niya kung saan kami parating nagtatambay.
Tango lang ang tanging sinagot niya sa akin. Kita ko sa mata niya ang lungkot at helplessness. Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makita ko ang lungkot sa maamo at gwapo niyang mukha.
"Happy Valentine's Day! " bati ko sa kanya.
"Valentine's Day lang, walang happy." mapait niyang biro may patawa tawa pa kahit alam kong nanunumbat na siya.
Natahimik ako sa sinabi niya. Umupo nalang ako sa tabi niya at dinadama ang sarap na hatid ng pagkakalapit ng aming mga bisig.
Nakatingin lang kami sa taas na para bang may ginugusto at sobrang layo neto na hanggang tingin nalang kami pareho. Mga sampung minuto din ng nakakabinging katahimikan ang dumaan at bigla siyang tumayo.
Tiningnan ko lang siya. Nakatingala ako sa kanya sa tindig niyang 5'9, moreno at sa katawang parang diyos ang hubog. Perpekto na siyang tao sa mata ko, isang adonis na nararapat sa mas higit pa sa akin. Nasasaktan akong isipin na nasasaktan ko ang isang tulad ni Eric.
"Sorry... " yan lang ang tanging nasabi ko.
" Okay lang yun tol. Wala naman akong magagawa, nauna siya at mas una mo siyang minahal. " sagot niya na nakatingin na sa akin. Nginitian niya pa ako kahit alam kong sa likod ng ngiting yun ay ang pusong dinurog ko nang buo.
Flashback* 2 years ago...
Nasa isang bar ako ngayon pagkatapos naming maghiwalay ni Grace dahil sa ayaw sa akin ng magulang niya - - ay mali dahil pala sa lolo niyang sobrang Tsino. Eh anong magagawa ko wala akong Chinese blood, maling foreigner na dugo meron ako, Spanish.
Habang nagmumukmok ako sa bar eto may mga asungot pang ang lilikot at parati akong nasisiko. Putcha! Di pa nakuntento sa siko, eh binangga na talaga ako. Anak ng...
"Tang-ina!" napasigaw ako sa galit, sa tama at sa kung ano man 'tong dinaramdam ko. Kahit anong output nalang para makapagvent out.
"Sorry." biglang sabi ng babaeng nakabangga ng likod ko dahilan para matapon ang ininum ko. Takot na takot yung mukha ng babaeng nakabangga sa akin. Naawa tuloy ako sa kanya, pero di pa rin ako nagsalita.
Bigla nalang akong nakarinig ng hikbi mula sa kanya nung nakayuko na siya. Sorry siya ng sorry.
"Ah miss okay lang, nabigla lang ako. Sorry. " pag-alo ko sa babae dahil ayaw na ayaw kong nakakakita ng babaeng umiiyak.
"Tol, may problema ba dito?" singit ng isang lalaki habang hawak-hawak ang makabilaan kong braso, hinihila palayo. Medyo nakakatakot ang seryoso niyang mukha at nakakaintimidate ang boses niya.
"Ah w-wala." sagot ko.
"Binabastos mo ba ang kasama ko? Binabastos ka ba neto?" tanong niya sa babae na mukhang nakarecover na sa pagsigaw ko kanina.
"ay, hinde. Kasalanan ko, nabangga ko siya kanina. Nags-s-sorry na siya kanina. " nanginging pa rin ang boses nung babae.
"Mabuti naman. Tara na." sabay kuha ng kamay ng babae para hilahin papuntang table nila.
Naiwan na lang ako sa kinatatayuan ko. So balik tayo sa pag-eemo!
Nakailang rounds na din ako ng mojitos sa glass na parang ako na lang yata ang umuubos ng isang litro mula kay kuyang barista nang biglang may tumabi sa akin. May nilapat na tissue sa harap ko yung taong tumabi na di ko na inisip kung sino.
"Sorry kuya :)" yun ang nakasulat sa papel. Hala nakakabasa pa ako! Dagdagan pa nang isang litrong tequila manong barista!
Anyway, nilingon ko kung sino yung nag-abot, yung lalaki pala na umepal kanina. Kaya balik baso ulit ako at sumagot.
BINABASA MO ANG
The Broken Heartbreaker (bxb)
RomanceWe can always tell when a thing, an event or a person comes and make a big impact in our life. We can always see the changes it will do to us. But for Blue, he never thought that one day he would wake-up realizing that he did not notice what he's be...