Chapter 4: I'd Rather Be

52 0 0
                                    

"Tol,salamat sa paghatid sa akin ah?" sabi ko sa kanya. Medyo ginabi din kami kasi naghapunan pa kami sa labas tapos hinatid niya pa ako sa bahay. Nakakalungkot lang kasi pag-alis ng sira ulong 'to ay mag-isa na naman ako.

"Ba't parang walang katao-tao ang bahay niyo?" tanong nito habang nakatingin sa bahay. Napansin siguro niya na wala kahit isang ilaw ang bukas.

"Ah, ako lang kasi mag-isa ngayon. Umuwi si yaya kahapon, Lunes pa balik niya." Paliwanag ko. Hindi ko alam ba't pagdating sa isang 'to di ko kayang magsinungaling. Sadya lang sigurong magaan ang loob ko sa kanya.

"Tara!" masigla nitong sabi. Di ko nakuha kung ano ang ibig sabihin ng sagot niya sa sinabi ko. Saan na naman kaya kami pupunta? May kung anong masamang hangin na naman siguro ang pumasok sa utak nitong sinlaki ng monggo.

"Hah? Saan?" tanong ko dito. Nagsimula na itong maglakad patungong gate.

"Pasok na tayo." paanyaya niya habang hawak hawak ang metal na parte ng gate.

Wait. Anong "pasok na tayo" ang pinagsasabi ng Eric na 'to? Sinong nag-invite sa kanya pumasok ng bahay? May sinabi ba akong pinapapasok ko siya?

"Anong ibig mong sabihin?" I just want to confirm the thought that is brewing in my mind. Napakakupal talaga ng loko eh.

"I'll stay over the weekend. Sasamahan kita." Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Is he for real. Wala pa atang isang linggo kaming magkakilala ah, makikisleep over na agad? Malay ko ba kung may pagka-psychotic 'tong isang 'to tapos patayin ako habang natutulog o di kaya magnanakaw. Ah, medyo exaggerated naman yata. Mukhang harmless naman 'to.

"Okay." binuksan ko na ang gate at sabay na kaming pumasok. "Basta 'wag kang manghihiram ng damit sa akin ah? Baka mahawa ako ng kung anong BO mo." dagdag ko pa sa kanya.

"Grabeh ka naman. BO talaga? Di ako pinagpala nun..." patampo kunyare nitong sagot. "...okay, edi hubot hubad akong matutulog." Kampante nitong sabi. Kahit kailan kupal talaga.

"Teka nga! Ganun na ba tayo ka-close?" Alam ko nagbibiro lang ako, but I just want him to feel a little shy around me para mabawasan naman ang pagkakupal niya.

"Okay. Sabihin mo sa akin kung sino sino palang ang nakakita sa iyo na umiiyak mula nung nagpatuli ka?" mabagal ngunit puno ng emphasis na pagbigkas niya sa bawat salita na binibigkas para lang ipamukha sa akin na umiyak ako sa harapan niya.

"Okay. Okay! Point taken." I surrender. Talo na naman ako sa isang 'to.

"And did I forget to mention na pinuno pa ng uhog at sipon ang mamahalin kong nursing uniform?" nakangiti nitong sabi, may pataas-taas pa ng kilay ang gago.

"Oo na. Kulit!" I grabbed a towel and went right ahead to the shower. I started it at nagpailalim sa buhos nito. Ramdam ko bawat lagaslas ng tubig at bawat paghinga ko and a sudden gush of emotion came flooding in. Panandalian ko lang palang makakalimutan ang sakit na nararamdaman ko dala ng pakikipaghiwalay ni Grace sa akin.

"Mahal na mahal kita Bear ko. Kahit ano mang mangyari, hinding hindi kita iiwan. Ipaglalaban kita kahit ikaw na ang sumusuko. Hinding hindi ako bibitaw."

"Mahal na mahal kita Bear ko."

"Mahal na mahal kita..."

"Mahal na mahal..."

Naaalala ko lahat ngayong ako na lang mag-isa sa silid na ito. Damang dama ko ang lamig na dala ng cold shower. Bawat patak nito ay parang paalala sa akin na wala na ang nagbibigay init at buhay sa akin. Wala na ang baby ko.

Nagpasya na akong itigil ang pagmumukmok sa ilalim ng lagaslas ng malamig na tubig dahil baka mas madepress pa ako lalo at maisipan kong sumuko na. Lumabas ako ng banyo na nakatapis ng tuwalya, bawat butil ng tubig na nasa aking katawan ay sobrang lamig na mas lumamig pa dahil sa nakabukas na AC ngunit hindi ang tubig na siyang bumabasa ng magkabilaan kong mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Broken Heartbreaker (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon