*still somewhere 2 years ago.
Nakatayo ako ngayon sa hallway ng college namin ng biglang may tumabi sa akin. Ang bango naman, amoy alcohol - - amoy hospital.
At nakita ko nga ang gago nakangiti pa. Si Eric pala. 2 days na rin nung huli kaming nagkakilala't nag-inuman. Mukhang kagalang galang at ang linis tingnan ng gago sa all white niyang suot.
"Oh? Kamusta ugok? Anong ginagawa mo dito? At paano kang nakapasok?" takang tanong ko kay Eric. Kasi naman bawal na bawal talaga ang mga outsiders na makapasok sa school; private eh tsaka strikto borderline paranoid ang mga paring namamalakad ng school.
"Umakyat sa bakod!" masayang saad ng hinayupak.
"Ah, ang taas daw ng bakod." ako.
"Naniwala ka naman." katahimikan. Nagmumukmok ako eh bago dumating tong isa. "Anong drama mo na naman? Di pa ba yan nalunod nung nakaraan?" taning ng gago, may panguso-nguso pa na para bang ang tagal na nung "nakaraan" na sinasabi niya.
"Eto drama pa rin ng buhay pag-ibig. Pumunta ako sa bahay nila kahapon. Ayun pinaalis ako kasi nandoon daw ang lolo niya." ba't ba ako napapakwento sa isang 'to?
"Baka naman hindi lolo yan ah? Baka may ibang manliligaw yan." hirit pa niya.
"Wag naman sana, kapag nagkataon makakabugbog ako ng tao. Idadamay kita." banta ko rito. Ang dumi ng pag-iisip ng loko.
"Oh, ba't ako nadamay?" umatras pa siya ng kaunti halatang natatakot.
"Eh ediya mo yun eh. Kung magdilang demonyo ka. Humanda ka sa akin."
At nagring na ang bell hudyat para pumasok ang mga taong may pasok. Nagpaalam na ang bugok kasi may makeup class pa raw sila sa anaphysio. Nagmadali na rin ako dahil gusto kong sunduin si Grace sa school nila.
Nang hapon ding yun ay inabangan ko si Grace na matapos ang klase niya. Kilala na din ako ng guard dahil parati naman akong nagagawi roon. Bumili pa ako ng roses at chocolates para sa kaniya.
Mga 6:48 ng gabi nang masilayan ko ang aking Grace. Nakayuko itong naglalakad habang may kasamang isang chinitong. Buhat-buhat lahat ng gamit niya na mukha namang kinahiya ni Grace, bakas kasi sa mukha nito ang pagka-uncomfortable.
Tumayo na ako para salubungin ang girlfriend ko.
"Grace, babe." bati ko. Nabigla naman siyang makita ako sa school nila, ilang araw na rin kasi akong di nagagawi doon kasi nga ayaw niya.
"Bakit ka nandito Blue?" siya.
"Wala man lang bang "hi babe"? Biro ko. Pilit na pinapagaan ang eksena kahit medyo napahiya ako.
May tumikhim sa tabi niya. Nakalimutan kong may kasama pala siya. Bigla itong nagsalita na ikinainitng dugo ko.
"Tol, nagmamadali kami. May dinner pa kami iaattend." sabi nito sabay akbay kay Grace.
"Babe? Sino 'to?" sabay turo sa mukha ng kasama niya. "Sino ka ba?" maangas kong baling sa kutong-lupa.
"Andrew Tan, fiance ni Grace. Nice meeting you. Alis na kami." sabay kaladkad kay Grace.
"Gago ka pala eh!" sabay pakawala ng isang suntok sa mukha ng chinitong sobrang putla na siya namang ikinatumba nito sa lupa. Sabay ng pagkatapon ng dala ko para sa "babe" ko.
First, girlfriend ko ang sinasabi niyang fiance niya. Secondly, ang bastos! Nagpakilala eh di lang man ako hinintay magkapagsabi kahit ng pangalan ko. May pa nice meeting you pa. Ayan nararapat sa kanya.
Nilapitan ko at kinwelyuhan
"Get your facts straight okay? Girlfriend ko ang sinasabi mong fiancee. Umayos ayos ka sa pananalita mo ah?" Hawak ko pa rin ang kwelyo niya habang dumudugo pa ang sabog niyang labi. Binalingan ko ng tingin si Grace na ngayon ay nakayuko lamang.
BINABASA MO ANG
The Broken Heartbreaker (bxb)
RomanceWe can always tell when a thing, an event or a person comes and make a big impact in our life. We can always see the changes it will do to us. But for Blue, he never thought that one day he would wake-up realizing that he did not notice what he's be...