Chapter fifteen

8 2 1
                                    

Chapter 15

XEYN POV


I am waiting for a call or text from Alice or Tilliana, lagin silang nagtetext bago matulog pero ngayon ay wala pa... I like Tilliana simula palang nung una, sinadya kong magpababa sa quiz noon para makalapit ako sa kaniya at makapagpaturo kahit na alam ko naman. It's not hard to dall to Tilliana.

May mga bagay na nasa kanya na wala sa iba. She's a simple girl. Simple lang siya manamit,kung hindi pa magkaron ng isang ganap e 'di ko pa siya makikitang magsuot ng damit na fitted na talaga namang bagay sa kaniya. Hindi totoo na pangit si Tilliana, maganda siya lalo na kapag malapitan kasing ganda ng kalooban niya. Matapang din siya at mabuting kaibigan,ni minsan nga ata hindi ko siya nakitang umatras sa mga nakakaaway niya. At may mga bagay din na gumugulo sa isip ko,dahil 'noong pumunta kami sa condo nila ay makikita mong maayos at maaliwalas ngunit wala naman silang maid o kasama sa bahay,bukod doon ay nakakapagtaka ang mga gamit 'don dahil mukang mamahalin. May frame din 'don ng family ata nilang dalawa pero nung lalapitan ko na biglang kinuha ni Tilliana. Para silang may tinatago samin.

Lately, naging cold siya samin ni Joyce,maging kay Alice na kasama niya sa Condo. Alice is so Annoying dahil isang linggo na daw siya may dalaw at anlakas kumain, lumolobo na nga siya sa lakas niya kumain, 'kuminsan ay bibili sila ni Joyce sa Cafeteria ng mga pagkain ang maiiba lang ay yung kay Alice na 2 burger madalas at siya lang ang kumakain 'non. Tuloy ay isang linggo na din kaming panay ang suyo sa babaeng 'yon dahil konting biro mo lang magiiba ang mood. Alice is also talkative, which is what makes Tilliana different, Tilliana is not naughty, hindi showy at kakausapin kalang kapag kakausapin mo siya, hindi niya ugali na magfirst move sa mga usap-usap.

Napabangon ako sa kama ko at tiningnan ang oras. 7pm na at bukas ay may pasok na naman. Gantong oras ako natutulog pero ngayon hindi ako makatulog,para bang may bumabagabag sakin.

Nagpunta ako sa terrace ng kwarto ko,yes pag binuksan mo ang sliding door ay may terrace doon,pinatong ko yung dalawang siko ko sa railings at tumingala. Bilog na bilog ang buwan at ang daming bituin. Nasa ganong sitwasyon ako ng magring ang phone ko na nakacharge.

Alice calling.....

Agad kong sinagot iyon dahil kanina pako naghihintay sa tawag nila. Hindi ko malaman dito dahil ang alam talaga nila ay gantong oras ay tulog nako at hindi na sila nang babagabag pa.

"Hey watzup" magiliw na sabi ko habang nakatingin parin sa mga bituin at buwan habang ang isang kamay ko naman ay nakapamulsa sa sweater ko.

[N-nasa ospital kami]. Sa sandaling sabihin 'yon ni Alice ay biglang kumabog ang dibdib ko gaya ng kaba ko kanina kaya hindi ako makatulog. Alice is crying. Kaya ang mga ngiti ko kanina ay nawala,nangonot ang noo ko.

"What? What happened?" magkasunod na tanong ko. Maingat sa mga bagay sila Alice lalo na si Tilliana kaya hindi lang sila basta basta mapupunta sa ospital.

[Ikekwento ko sayo,pumunta muna kayo dito ni Joyce. On the way na si Joyce]. Doon ako lalong kinabahan,lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong pumasok sa loob at kinuha ko ang jacket ko. Hawak ko parin ang cellphone ko hindi ko alam ang sasabihin ko. Tumakbo ako papunta sa motor ko,siguradong traffic ngayon,kapag yung kotse ko ang dinala ko maiipit ako.

"Okay okay. Saang ospital?" tanong ko.

[Sa Ospital ng University] agad kong pinutol ang tawag at naghelmet. Pinaharurot ko ang motor ko,tama nga ako at traffic. Minadali ko ang pagpunta sa ospital ng university.

Pagdating ko sa parking lot ay wala akong mapagparkingan. Nakakita ako ng isang space kaso mukang naunahan ako ng isang nurse din ng ospital. Hinubad ko ang helmet ko at pinakita sa kaniya ang muka ko. Agad siyang napaatras at binigay ang space sakin,tinanguan ko siya.

'TILL WE MET'Where stories live. Discover now