Chapter eighteen

7 1 0
                                    

Chapter 18

Zyrich POV

Padabog na nilapag ni Xeyn ang Spoon and Fork niya at inis na hunarap sakin.

Tanginang kaseng 'to, napaghahalataan masyado na may gusto siya kay Tilliana, ampota. Sinigaw sigawan ba naman ang mga empleyado ng Cafeteria.

"What the hell do you want?!" tanong niya sakin,ngumisi lang ako at kinamot ang baba ko.

Kinalabit ako sa tagiliran ni Hugo "Tara na buds" bulong niya,pero hindi ko 'yon pinansin.

"Sinigaw sigawan mo lang naman ang empleyado dito sa Cafeteria dahil lang tinitigan si Tilliana?" natatawang sabi ko. Nakita kong umitim ang bagang niya kaya lalo akong napangisi.

"Eh ano naman ngayon?! Apo ako ng Dean dito!" sigaw niya.

"Properties namin ang inaapakan mo" nakangising sagot ko.

"Eh gago ka pala e" bigla ay tinulak niya ko papatulan ko na sana ng bigla ay punagitna si Tilliana.

"Stop it!" awat niya pero hindi ako nagpapigil, sino siya para sundin ko? Eh wala nga siyang ambag dito sa School na 'to atsaka pinahiya niya ko 'don kanina ha. Kitang kita ko kung pano pinipigilan tumawa ng mga nakapanood samin kanina sa bench!.... Hinawi ko siya at sinapak si Xeyn.

"Gago ka den!" sabi ko. Nakita ko kung pano niyang tingnan si Tilliana na ngayon ay nasa sahig at hawak ang tuhod na may gasgas, bago tumingin sakin. Nanlilisik ang mga mata niya, halatang galit na.

Lumapit siya sakin at sinuntok din ako. "Gago ka! Sino may sabi sayong itulak mo si Tilliana?!" sigaw niya. Naiinis ako kaya agad akong humarap sa kaniya, susugod na dapat ako ng may hunawak sa braso ko. Si Hugo,tiningnan ko ang mga estudyante. Walang naglalakas loob na lumapit samin dahil siguradong mabubugbog din sila.

"Tama na 'yan" si Hugo. Kumawala ako sa pagkakahawak niya at tumakbo. Sa galit ko ay sinuntok ko ng malakas si Xeyn dahilan para mapaupo siya sa sahig, putok na din ang mga labi niya.

"Xeyn..." si Tilliana, tinutulungan tumayo si Xeyn. Kinginang babae 'to, kaya napapahamak e!
Masyadong pakielamera at tapang tapangan psh!

Nang makatayo si Xeyn ay humarap sakin si Tilliana, mukang galit na din siya. Pwes pagbibigyan ko siya.

"Isa kang salot!" sigaw niya sakin. Kumunit ang noo kong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kwelyo ng bagong-bago na uniform niya na talaga namang bumagay sa kaniya. Kaso ala e, kinakalaban ako!

"Till!" sigaw ng madaldal niyang kaibigan,ewan ko ba kay Hugo kung bakit naging crush niya 'tong babae na 'to,ubod ng ingay! "Bitawan mo siya Zyrich!!!" sigaw niya ulit at akmang lalapit.

"Wag ka nang lumapit Alice, madadamay kalang" si Tilliana. Aba nagpapakahero na din siya ngayon ha. Tingnan naten!

"Pero pano yung pus---" Tilliana cut her off.

"Kaya ko Alice!" nauubusang pasensya sigaw ni Tilliana, na hindi malaman kung kanino unang lilingon dahil hawak ko ang kwelyo ng uniform niya.

"Ang ingay niyo!" sigaw ko at pahampas na dinikit si Tilliana sa wall. "Anong sabi mo? Salot?" tanong ko.

"Oo! Isa kang salot sa Skwelahan na 'to!" sigaw niya pa. Walang katakot takot at walang emosyon.

"Anong ako? Baka ikaw? Wala kang ambag dito sa School na 'to!"

"Isa kang salot na umaasa sa pera ng pamilya!!!" sigaw niya,at inalis ang kamay ko sa kwelyo niya. Nakakagulat. "Isa kang salot sa skwelahan na 'to na umaasa sa pera ng pamilya. Damn! Bakit pera mo ba nag ginamit pambili ng properties na 'to? Hindi diba dahil sa pamilya mo galing 'yon! Kaya wag ka ngang maggaganyan diyan. Bakla!!!" panduduro niya sakin at tinalikuran ako. Pinanood ko siyang akayin ang mga kaibigan at lumabas ng Cafeteria.

'TILL WE MET'Where stories live. Discover now