Chapter 16
Tilliana POV
Kumakain kami ng biglang pumasok si Dra. Peralta,tumango muna siya bago lumapit sakin at bumulong.
"Nasa parking lot na ang family niyo. Paalisin mo na ang mga kaibigan niyo" sabi niya. Tumango ako at nagisip ng pwedemg dahilan. Nahagip ko si Xeyn na nakatingim sa orasan.
"Guys,magpahinga na kayo. May pasok pa bukas e" palusot ko. Tiningnan naman nila ko. "Thankyou Joyce and Xeyn" dagdag ko. Nakakaawa ang dalawang ire lalo na si Xeyn. Alam namin na alas syete palang ay natutulog na 'yan.
Tumango sila at nagpaalam. Nang makalabas sila sa room ko ay tiningnan ko si Alice na siyang nakatingin rin sakin.
"Bat mo pinaalis?" tanong niya pa,napangisi ako.
"Nasa parking lot na ang family niyo" si Dra. Peralta. Natawa pako ng makita ko ang reaksyon ni Alice, halatang kinakabahan 't
Maya maya lang ay lumabas si Dra. Peralta dahil andoon na daw sa may door ang family namin. Bumuntong hininga si Alice. Hinanda ko na din ang sarili ko.
Nang bumakas ang pinto,iniluwa non si Mommy,Tita Janice which is Alice's Mom, Tito Rolly which is Alice's father and yung sister ni Alice si Ate Alliana ngumiti ako sa kanila,ngunit ang ngiti ko ay biglang nawala ng pumasok si Dave my father,and S-shane my sister.
Si Shane ay nagpunta ng Canada after she broke up with her boyfriend, Shan. Nalaman kasi 'yon ni Mommy and Daddy kaya pinadala si Shane sa Canada. At ang malala pa 'non ay may nanliligaw sa kaniya almost 1 year and 3 months ata hindi namin nakilala 'yon, pero nahulog siya kay Shan. Kumukuha na ata siya ngayon ng Business and Management para lalo mapahanga si daddy. Tss
Sa sandaling 'yon na nakita ko sila ay nawala ang ngiti ko. Nangilid pa ang mga luha ko ng makita kong inalalayan ni Daddy si Shane na never pa niya saking ginawa. Kaya nga okay lang na umalis ako sa mansion e.
Laging si Shane nalang ang napapansin ni Daddy,gusto ko din maramdaman yung ginagawa ni Daddy sa kaniya. Gusto ko 'din na mabilan noon ng mamahaling laruan,yung susunduin ako ni Daddy galing sa school. Kaso hindi e,si Shane lang lagi ang binibilan ng mamahaling laruan ni Daddy o hindi kaya ay laging may pasalubong kapag out of town or country si Daddy. Si Daddy ang sumusundo kay Shane galing sa School,samantalang ako ay pinapasundo lang sa driver namin. Lagi ako ang pinagiinitan ni Daddy ng ulo, may minsan pangang binaligtad ako ni Shane. Sinabi niya na ako daw yung nakabasag ng Frame ng Lola ko sa office ni Daddy kahit na siya talaga 'yon. Ikinakahiya niya ko. Tuwing may event sa school mas pinipili niyang sumama kay Shane at sakin si Mommy. Nung Graduation ko nga nung elementary and Moving up nung Grade10 humabol lang si Mommy galing business samantalang si Daddy ay kasama si Shane,ako ang may award 'non at conduct lang si Shane. Inggit na inggit ako kay Shane.
Kapag may sakit ako parang wala lang sa kanila,kung hindi ko sabihin kay Mommy ay hindi niya ko aalagaan. Pero once na si Shane ang nagkasakit,halos lahat ng maid ay nasa kwarto ni Shane at alagang alaga. Minsan gusto ko ng magsabi sa kanila pero pinipili ko nalng tumahimik. Kasi laging iba yung dating sa kanila, laging and dating sa kanila ay sinasagot ko sila kahit na ang gusto ko lang ay maglabas ng thoughts,ng gusto kong sabihin. Pero wala e.
Kaya nung naggrade 12 nako. Naghanap ako ng condo,sinabi ko kay Alice non na aalis ako sa Mansion. Umiyak pa siya non kase ayaw daw niya ko iwan, kaya nagpaalam siya kay Tita and Tito, pumayag naman sila.
Nung nakaimpake na ko ng mga damit ko ay biglang pumasok si Mommy sa kwarto ko 'noon sa Mansion. Tinanong niya kung saan ako pupunta kaya sinabi ko sa kaniya,binigyan niya ko ng savings at ng kung ano anong pwedeng makatulong sakin. Nang malaman 'yon ni Daddy ay hinagis pa niya sa labas ang maleta ko at inihatid pako sa sakayan ng taxi,syempre umiyak ako 'non. Pagdating ko sa The Victoria andon na si Alice 'non nakangiti siya tapos niyakap niya ko. Doon ako nagbagong buhay.
YOU ARE READING
'TILL WE MET'
Teen FictionThe girl pretending to be poor because of some reason ... The boy Who used to bully her ... One day,the boy woke up and realize that...HE'S INLOVE WITH THE GIRL ... week,Months passed something bad happened. ... 'is there a chance to be back again l...