Kabanata 10

5 0 0
                                    

After nung nangyaring iyon ay hindi ko ulit nakita si Ken sa mga susunod na klase.

Hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

ay bahala siya, pakielam ko.

I sighed.

Bakit ba ang hirap niyang intindihin? Nakaka-urat.

Pag-uwi ko ay nagulat ako ng may kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin.

"Ma? kaninong kotse yung nasa harap?" sigaw ko napatikom agad yung bibig ko ng may makita akong kausap ni Mama sa sala.

"Oh, itong batang 'to sigaw ng sigaw, halika rito, papakilala ko sa'yo ang tita mo." saad ni Mama at tumingin sa babaeng kaharap niya ngayon na nakaharap naman sa'kin.

Lumapit ako sa kanila at binati ang bisita ni Mama.

"Siya ang Tita Joy mo, kapatid ng Papa mo, at may gusto siyang sabihin sa'yo." saad muli ni Mama.

"Ano po 'yon?"

"Gusto ko kayong kunin ng Mama mo, umuwi ako ritopara kunin kayo ng Mama mo, gusto kong sumama kayo sa'kin sa America." mahabang lintaya ni Tita ng kinabigla ko.

"Huwag kang mag-alala, bibigyan ko  naman kayo ng hanggang bukas para mag-isip eh," muli niyang dugtong.

"Gusto kong pumayag sa offer mo, kaso itong bahay ay maiiwan." sagot ni Mama.

"Pwede naman tayong maghire ng magbabantay rito, o paupahan, ay siya bukas babalik ako, pag-isipan niyo yung sinabi ko ah," saad ni Tita Joy tsaka tumayo at lumapit sa akin para makipag beso.

Sa hapunan ay pinag-usapan namin ni Mama kung sasama ba kami o hindi.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame, siguro magandang opportunity na rin na sumama kami, siguro makakatulong rin sa'kin 'to para makalimutan si Ken.

Sa kakaisip ko ay diko namalayan na nakatulog na ako, kaya ang ending ay nauna pa ako sa alarm ko.

Paglabas ko ng bahay ay si Ken agad ang bumungad sa akin, nakatingala habang nakasandal sa kotse niya.

Lalagpasan ko sana siya ngunit bago ko pa iyon magawa ay nakita niya na ako.

"Mag-uusap tayo." saad niya nang makita ko at makalapit sa akin.

"Ano pag-uusapan na'tin?"

Imbes na sagutin ako ay hinatak niya ako papunta sa kotse niya.

Pagpasok ko ay agad siyang umikot sa driver seat.

Pinanatili kong kalmado yung itsura ko ngunit yung loob ko ay halos sumabog na sa sobrang lakas ng tibok.

"Listen, I didn't kissed her okay, she insist but I didn't respond. I hate her!" saad niya ng makapasok.

Napabuntong hininga ako.

"Naiintindihan ko naman eh, you're a Woman hater anyway, lalo na pagdating sa akin," sagot ko.

"Dati, oo pero ngayon hindi. I-I love you okay." saad niya at sa pagkakataong ito ay napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nasa harap na ang tingin.

"A-anong sabi mo?"

"I hate repeating myself, but for you I will. I love you." saad niya at sa pagkakataong ito ay nakatingin siya mismo sa mga mata ko.

Buong araw ay halos hindi matanggal ang ngiti ko, ng nag-umpisa na ang klase kanina ay patagong nakikipag holding hands sa akin si Ken.

Sabay rin kaming kumain, at ngayon andito kami sa library.

"Hindi ba na'tin ipapa-alam sa mga kaibigan mo na tayo na?" tanong niya habang naghahanap kami ng libro.

"Sasabihin ko rin naman sa kanila, hindi muna ngayon." sagot ko.

"Ito magandang basahin, tara doon tayo sa dulo." saad niya habang hawak yung libro na nakuha niya sa fiction section.

Na-upo kaming pareho sa lapag habang naka-yakap ako sa kaniya, nakikinig sa binabasa niya.

Ilang minuto kaming tumagal sa ganong posisyon hanggang napagdesisyunan na namin na umuwi na.

Narealize ko na kanina pa ako nakangiti ng makapasok ako ng bahay.

"Napag-isipan mo na ba?" tanong sa akin ni Mama sa gita ng hapunan.

"Ma, alam niyo doon ako kung saan ka masaya,"

"Gusto kong um-oo anak, kasi alam kong di ko kayang ibigay yung gusto mong kurso sa kolehiyo,"

"Kung si Tita po ang paraan para makatapos ako sige Ma, sumama tayo sa kaniya."

Napangiti sa sagot ko si Mama. Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko at doon ko lang narealize na maiiwan ko si Ken, at mga kaibigan namin at higit sa lahat ay hindi ko alam kung paano ko sa kanila ito sasabihin.

Napamulat ako ng mata ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko, nakatulugan ko ang pag-iisip, hanep.

"Sandali lang Ma," saad ko bago tumayo at pinagbuksan si Mama, pero nagulantang pa ako ng bumungad si Mama at Tita sa harap ko.

"Mag-impake ka na anak, ngayon tayo aalis," saad ni Mama.

"Po? Bakit naman agaran Tita?"

"Pasensya na Nak, kasi may urgent na trabaho sa America kaya kailangan kong umuwi agad, nakuha ko na yung documents mo sa School, okay na ang passport niyo ng Mama mo,"

Napabuntong hininga ako, hindi ako nakapag-paalam sa kanila. Sa kaniya.

Prison of  Love(ON GOING)Where stories live. Discover now