Ngunit bago ko pang magawang makalabas ng tuluyan ay may humatak sa akin at hinila ako patungong parking lot.
Hindi agad ako nakapalag dahil patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko gayunpaman ay kilala ko kung sino itong humahatak sa akin.
Huminto lang kami ng tumapat na siya sa kotse niya doon niya lang rin ako binitawan.
"Get in," saad niya sa isang mahinahong tono.
Ngunit hindi agad ako nakagalaw kaya naman hinila niya ako ng mahina papasok sa loob ng kotse niya.
Umikot sya at pumasok sa driver seat, akala ko ay paandarin niya na ngunit nanatili lamang ang kamay niya sa manibela.
"Tell me, why are you crying?" tanong niya matapos ang ilang sandali ng pananahimik.
"N-nothing,"
"Liar! Why can't you answer me honestly?" tanong niyang muli tsaka tumingin sa akin.
Hinarap niya ako sa kaniya at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Is it because you saw me kissing other girl?" tanong niya ngunit wala siyang nakuhang sagot sa akin.
"Baba na lang ako, maglalakad ako pa-uwi," buong lakas kong turan, ngunit sa iba naka pako ang tingin.
"No, you're going with me, hindi ka uuwi hanggat hindi ko nalalaman kung bakit ka umiyak,"
Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya. Hindi, hinding-hindi ko iyon sasabihin, ngayon pa kung kailan desedido na akong limutin itong nararamdaman ko sa'yo.
"Now tell me, bakit umalis ka ron ng umiiyak?" muli niyang tanong ngunit gaya kanina ay hindi ko iyon sinagot.
Alam kong ano mang oras ngayon ay maaring maputol ang pasensiya niya sakin, baka mamaya ay sigawan na naman ako.
"Look at me." saad niya ngunit hindi ko ginawa kaya naman hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaniya upang matama ang tingin namin.
"Please I want to know Erl," he pleaded at pati ang mata niya ay tila nangungusap rin.
Ngunit mas pinili kong maging tahimik, ng alam niyang wala siyang makukuhang sagot sa akin kaya kumuha siya ng tissue na nakapatong sa dash board niya tsaka nagpunas ng labi sa harap ko mismo.
"I want to kiss you so bad, but I know I kissed another girl earlier," he said pagkatapos magpunas ng labi na ikinagulat ko.
Napakagat ako ng labi dahil sa tinuran niya, at ganon na lang ang pagkabigla ko ng magsabi siya ng ilang mura bago ako hinawakan sa batok tsaka hinalikan.
I'm a bit stunned for what he did, he kissed me passionately, hindi katulad ng halik niya nung nasa rest room kami.
He stopped, tumingin siya sa mata ko bago binalingan ng tingin ang aking labi, he carefully touched it with his thumb.
"Do you love me?" he suddenly asked and looked at my eyes again.
"Please answer me this time, I badly want to know, bakit takot ka sakin? Ako ba o si Troy ang gusto mo? fuck! I won't let that happened. Bakit ka umiyak?" pagtatanong niya sa akin ng sunod-sunod.
Tuluyan akong napako sa kinauupuan ko ng pagdikitin niya ang mga noo namin, naamoy ko na ang hininga niyang amoy mint, at halos magkadikit ang mga ilong namin.
"I just kissed her kasi nagseselos ako, please say something, I want you to answer all my questions,"
Aamin ba ako? Oo kailangan kong masabi yung feelings ko para mas madali na lang na i-let go.
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"y-yes" saad ko, at naramdaman ko na napahinto siya dahil sa sagot ko.
"Y-yes what?"nagulat ako dahil nahimigan ko ang nginig sa boses niya.
"Y-yes Ken, I love you,"
"Fvck!" he cursed at agad tinanggal ang kamay niya nakahawak sa mukha ko.
Inumpisahan niya ang pagmamaneho ng walang kahit isang sinabi?
What was that? Nanghina ako bigla ng ganon ang naging reaksiyon na.
Nakarating kami sa bahay ng walang imikan.
Walang sabi akong bumaba ng huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay namin, at walang lingun-lingon akong pumasok ng bahay.
Dumiretso ako sa kwarto at nahiga, doon ako umiyak ng tahimik.
Ano kaya yon? Pagkatapos kong umamin, wala siyang sasabihin, pagkatapos niyang pilitin na malaman tapos ganon ang magiging reaksiyon niya? Napa-iyak ako lalo dahil sa mga iniisip ko.
Kinaumagahan ay alam ko ng mugto na naman ang mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi.
Nag-ayos ako saglit at dumiretso na sa school.
"Uyy, umiyak ka na naman ba? Bakit mugto na naman 'yang mata mo ha?" salubong na tanong sa'kin ni Trix.
"Hindi ah, kinagat lang ng ipis," sagot ko pero alam kong 'di siya kumbinsido sa sagot ko pero mas pinili niyang manahimik.
Lumipas ang umaga ng hindi ko nakikita si Kej, hays. Pero okay na rin 'yon kasi sa totoo lang hindi ko siya kayang harapin.
"Uy Erl, tara graden tayo? Wala rin kayong klase diba?" salubong ni Troy sa'kin ng maabutan niya ako sa canteen. Tumango lang ako bilang sagot.
Tahimik kaming naglakad papuntang garden, ngunit napahinto kami ng nasa malapit na kami ngunit nakita namin doon si Ken na may kasamang babae't naghahalikan silang dalawa.
Literal akong napahinto sa nakita ko. Ang galing! pagkatapos akong paaminin ganito gagawin niya? kingina!
Pinigilan kong tumulo ang luha ko sa senaryong nasa harapan namin ngayon.
Napatingin ako sa balikat ko ng may nagpatong ng kamay ron, nginitian ko si Troy na ngayon ay nakatingin sa akin.
"Tara sa iba na lang tayo?" tanong ko na sinang-ayunan niya naman.
Ngunit bago kami maka-alis ay may agad na humatak ng braso ko patungo sa likod niya.
Napabuntong hininga ako, bakit ba ang gulo ng taong 'to?
"Back off!" saad ni Ken, at wala kaming parehong nagawa ni Troy ng hilain ako ni Ken palayo roon.
"Bakit mo kasama 'yon?" tanong agad ni Ken at makikita talaga ang galit sa mga mata niya.
"Anong pake mo?" sagot ko na hindi ko alam kung saan ko kinuha. Umalis ako sa harap niya ng walang sabi.

YOU ARE READING
Prison of Love(ON GOING)
Storie d'amoreKenjie Creios is WOMAN HATER,paano kung makakilala sya ng isang makulit at funny na babae magbago kaya ang tingin nya sa mga mahihirap at kaya nya kayang ibigay ang tiwala nya sa katulad ng babaeng sinaktan sya noon??