Kabanata 7

9 1 0
                                    


'ι нαтє уσυ тσσ'




Tahimik ako na kumain habang nagku-kwentuhan sila Trix ganon rin naman itong katabi ko

" Iya, kamusta pala araw mo"

Tanong ni Troy kaya napatingin ako sa kanya

"Mabuti naman, wala kaming masyadong ginawa ngayon umaga, kayo?"

"Ganon rin"

Sagot niya pabalik tsaka ulit sumubo ng pagkain

"Antagal mo kaninang nakabalik sa inyo, buti hindi nagtaka yung teacher mo?"

Pagtatanong ko ulit sa kanya, kaya tumigil ulit siya sa pagkain tsaka tumingin sakin at ngumiti

"Hindi, Iya"

Sagot niya tsaka inabot at ulo at tinap, napahinto sa pagsasalita sila Trix dahil don

Padabog na tumayo si Ken kaya naman napatalon ako sa kinauupuan ko ng bahagya, napatayo na ako ng  matabig niya yung juice na nasa tabi niya at natapon sa'kin ganoon rin ang iba naming kaibigan

"Bagay lang sa'yo 'yan, tsk"

Saad ni Ken tsaka umalis na, sinubukan pa siyang habulin nila Carl pero tumigil sila ng makitang basang-basa yung pambaba ko

Naiiyak ako, inaamin ko, napatulala ako ng nagpaulit-ulit sa isipan ko yung sinabi niya, 'ni hindi ko na nainda yung lagkit na nararamdaman ko dahil 'don

'Bagay lang sa'yo 'yan, tsk'

Bagay lang sa'yo 'yan, tsk

Bagay lang sa'yo 'yan, tsk

Bagay lang sa'yo 'yan, tsk

Napapikit ako at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko, naramdaman ko pa na may humahaplos sa likod ko at pinapag-pag yung pambaba ko na alam kong si Trix pero ipinagsawalang bahala ko 'yon dahil sa sinabi niya

Tulala pa rin akong nag-iintay sa loob ng c.r kasama si Trix na tahimik at nagmamasid sa'kin sa tabi ko

Pagkatapos nung nangyari kanina ay dinala nila ako sa C.r habang sila Carl ay paniguradong hinanap si Ken at si Troy naman ay hindi ko alam kung saan pupunta.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok, lumapit doon si Trix at binuksan at niluwa noon si Troy na nakatitig sa'kin kaya naman nag-iwas agad ako ng tingin

"Sige na antayin mo na lang kami sa labas, tutulungan ko lang siya magpalit" Saad ni Trix at sinaradong muli ang pinto

Lumapit siya sa akin at inabot ang paper bag na ang sigurado laman ay panibagong palda

Inabot ko iyon tsaka tahimik na dumiretso sa isang cubicle sa dulo

Hinubad ko ung paldang suot ko tsaka muna binasa ang hita ko para mawala yung lagkit, tsaka sinuot yung palda na dala ni Troy, lumabas ako ng cubicle at dumiretso sa pinto sumunod naman sa'kin si Trix

Pagbukas ko ay si Troy na nakasandal sa tabi ng pinto ang sumalubong sa'kin, nakatitig sa'kin ang mga mata niyang nag-aalala kaya ngumiti ako sa kanya para ipakita na okay lang ako

"Sorry kanina ah, tsaka thankyou na rin"

Saad ko tsaka tinapik ang braso niya

"Wala ka namang dapat ika-sorry, wala kang kasalanan okay"

Sagot niya tsaka tinap ang ulo ko, nginitian ko siya dahil doon

"Ahm. Una na kami, babalik na kami sa room, ikaw rin"

Prison of  Love(ON GOING)Where stories live. Discover now