'αуσкσ ηα ѕα'уσ'
Nakita kong unti-unting lumamlam ang mga mata niya ng tinitigan ko siya at pagkatapos kong sabihin ang salitang iyon
Hindi siya nagsalita ulit, hindi ko alam kung tama ba na nakita kong may sakit na dumaan sa mga mata niya dahil iniiwas ko agad ang paningin ko sa kaniya tsaka nagpatuloy sa pagsasalita
"I hate you too, hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sa akin, dahil ba sa ex mo na si Kaye? Pwes para sabihin ko sa iyo hindi lahat ng mahihirap tulad ng ex mo"
Lakas loob kong saad tsaka ulit tumitig sa kanya, ngunit sa pagkakataong ito at nagbalik ang tingin niyang nanlilisik sa akin
"DONT YOU EVER DARE TO SAY THAT NAME AGAIN INFRONT OF ME"
Napapikit ako sa pagkakataong ito, dahil ramdam ko na naman yung galit niya
Napa-igtad ako ng sinuntok niya ang salamin na nasa likod ko, nanatiling nakapikit dahil sa takot na hatid niya
"Takot ka sa akin? Bakit? Dahil akala mo ay sasaktan kita?"
Saad niya sa isang madiin ngunit mahimahon na tono, nanatiling sarado ang mga mata, hindi, hindi ko ito pwedeng imulat dahil ayoko ng makita yung mga mata niyang puno ng galit at hinanakit
Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko, sa hindi ko malamang dahilan, dahil ba sa takot ko sa kaniya, o dahil sa awa na nararamdaman ko para sa kaniya
Napamulat ako ng maramdaman ko na pinapahid niya ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi
Sa pagkakataong ito ay mahinahon na titig ang ipinukol niya sa akin, tahimik na ginagawa iyon habang nakatitig sa mga mata ko
Hindi ko na alam itong ginagawa mo sa akin Ken, hindi kita maintindihan, lagi akong naguguluhan sa mga pinapakita niya
"Bakit antagal mong mag c.r ha"
Saad ni Trix pag-upo ko, tsaka siya tumingin sa pinto at sinundan pa ng tingin si Ken hanggang maka-upo sa tabi ko
Pagkatapos ng ginawa niya kanina ay agad siyang lumabas ng c.r at iniwan ako roon pero mas nauna pa akong bumalik sa kaniya
'Hays yaan na nga'
Dahil hindi ko na nasagot ang tanong ni Trix ay ibinalik na lang niya ang tingin niya harapan
Maayos na lumipas ang umagang iyon, nagsabi ako na hindi ako ngayon sasabay kila Trix para mag-lunch kaya dumiretso ako sa garden
Tahimik akong nagmumuni-muni habang naka-upo sa isa sa mga upuan dito sa garden ng may tumabi sa akin
Nilingon ko siya at ng makita kong si Troy na may dalang dalawang styro ay nginitian ko siya
Inabot niya sa akin ang isang styro, tinaggap ko ito at nagpasalamat
"Nakita kita rito kanina, naisip ko na baka hindi ka pa nagla-lunch kaya bumili ako"
Saad niya tsaka binuksan ang styro na hawak niya
"Salamat ah, tsaka sorry talaga kahapon, at thankyou ulit sa palda"
"Wala yon, sige na kumain ka na"
Tumango ako sa kanya at ginawa na nga ang sinabi niya, ng matapos kami ay nagkuwentuhan kami sandali hanggang sa mag-bell
"Salamat sa pagkain ah at sa paghatid rito sakin sa room"
Saad ko tsaka huminto sa pinto sa likod ng room namin
"Wala 'yon, basta ikaw"
Sagot niya tsaka ginulo ang buhok ko, tumalikod na siya sa akin at nag-umpisang maglakad kaya naman pumasok na ako sa room atsaka na-upo sa upuan ko katabi ni Ken
"Ikaw ah, kaya pala di ka sumabay sa amin dahil kasama mo si Troy"
Pang-aasar ni Trix, tinawanan ko,lang naman siya, inaamin ko gumaan ang pakiramdam ko kanina nung nakipagkuwentuhan ako kay Troy, panandaliang nawala yung mga iniisip ko
Nagpatuloy pa ang pang-aasar sa akin ni Trix, at natahimik lang siya ng nag 'tsk' si Ken
Natapos ang maghapon ko ng magaan ang pakiramdam hindi tulad ng umaga.hays. lagi na lang nawawalan ako ng gana sa lahat dahil kay Ken
Isinarado ko ang locker ko pagkatapos kong ilagay yung libro na dala ko, tsaka lumakad paalis roon
Ngunit bago ako lumiko sa college building ay nakita ko si Ken may kasama ulit na babae
Parang piniga ang puso ko ng makita kong hinalikan niya ang babae habang nakatigig sa akin mula sa kinatatayuan nilang dalawa
Ansama niya! Paano ko pa masasabi yung nararamdaman ko kung nito pa nga lang na hindi niya alam yung nararamdaman ko ay ganito na siya sa akin, ansama niya talaga
Tumalikod ako, habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko, lagi siyang galit sa akin siguro panahon na para itigil yung nararamdaman ko sa kaniya
KEN, AYOKO NA SA'YO!

YOU ARE READING
Prison of Love(ON GOING)
RomanceKenjie Creios is WOMAN HATER,paano kung makakilala sya ng isang makulit at funny na babae magbago kaya ang tingin nya sa mga mahihirap at kaya nya kayang ibigay ang tiwala nya sa katulad ng babaeng sinaktan sya noon??