" bess san tayo pupunta ? may problema ba ? " sorry kung may natanong man akong hindi maganda . sunod sunod na sabi ko sa kanya .
" dont just jump into conclusions . wag kang mag sorry " sagot niya .
npansin kong papunta pala kami ni bessie sa tambayan naming dalawa. secret place namin yun . dito sa malawak na garden ng school . walang masyadong nagpupunta dito kaya tahimik at sobrang nakakawala nang stress pag tumatambay kami rito..
hinubad namin ni bessie ang vest namin at pinangsapin para makaupo kami since maikli ang palda namin .. umupo kami sa may damuhan malapit sa may malaking puno .
" bessie , ang ganda dito no ? " nagulat ako bigla dahil nagsalita si bea..
" oo nga eh " yun lang ang tangi kong nasabi .
napapalibutan kami ng mga bulaklak sa paligid , puro IRIS nga eh .. tumahimik kami parehas nang biglang magsalita ulit si bessie.
" 2 years ago , pinakilala nang parents ko si lucas.. ang akala ko dati , gusto lang nila kaming mag meet ni lucas para mag karoon ako nang kaibigan . then one time , nagulat kaming parehas dahil sa arranged marriage naming dalawa.. alam kung hindi na uso yun but, still ,it is .. my parents owned a big bussiness , the same with his parents.. kaya , nag plano silang ipakasal kami balang araw para mas lalong tumibay ang business namin .. so , hayun , pinag bigyan ko sila sa gusto nila para na rin maibalik ko yung favor nila. inalagaan nila ako at pinalaki at binigay lahat nang gusto ko .. at alam kong its all for me and for the best .."
nagulat ako dahil may pinag dadaanan din pala si bassie , well , ngayon lang niya sinabi .. niyakap ko na lang siya para kahit papano , ma comfort ko naman siya ..
" secret lang natin to sky ah ? pinagkakatiwalaan kita "
" oo naman ... hindi ko magagawang ipag kalat sa iba ang sikreto nang bestfriend ko no ? ano ko sira ? "
nag tawanan kaming parehas ..
" so , ang ibig sabihin nito ... "
" yeah .. tama ang iniisip mo .. that LUCAS VALDERAMA , the playboy , is my soon to be husband "
O ________ O
" di nga ? seryoso ?! "
" mukha ba kong nag bibiro ? " nanahimik ako para i digest lahat nang sinabi niya saken ..