CHAPTER 1

9 3 0
                                    

Chapter 1

Sa mga nangyari sakin. Sa mga nakakalungkot na pangyayari naiisip ko na sana makalimutan ko na yon. Kaya ko naman yung mga ibang nangyari sakin pero ang hindi ko kayang tanggapin ay nung iwan ako ng isang taong mahalaga sakin, isang tao na akala ko ay hindi ako iiwan, isang taong minahal ko ng sobra
Masakit dahil hindi ko aakalain na sa isang iglap wala na lahat pati ang pagkakaibigan na sobrang tagal na nawala na din
Natapos na lahat....

______________________________________

Pagkaraan ng ilang araw wala parin nagbago. Masakit parin, sobrang sakit. Ginawa ko na lahat pero wala eh. Gusto ko siyang kalimutan gusto kong mawala na siya sa isip ko. Ayoko ng mag alala sa kanya. Alam ko naman na may mali din ako pero sobrang sakit na eh ayoko ng umasa. Ayoko ng umiyak. Nakakapagod na.

Yung mga iba kong kaibigan ay nagtataka kung bakit ganto ako. Sinabi ko sa iba kong kaibigan kung bat ako ganito. Yung iba nalungkot at yung iba naman ay nagalit.

Isa sa mga sinabihan ko ay isa kong bestfriend na si Abril.
Siya binansagan kong lalaking choda. Pero mabait naman siya (minsan) kapag kailangan ko ng kausap ny nandiyan naman siya. Siya ang una kong sinabihan ng nangyari sakin. Nung una natuwa siya kasi sabi niya walang forever. AHAHHAH ayaw kasi niya na maging close kami ng ex-bestfriend ko.
Yes ex-Bestfriend. Wala pa kaming closure (yung maayos na closure) pero nararamdaman ko naman na wala na talaga eh at masakit sakit yun kasi parang binalewala nalang niya lahat. Nagalit din si Abril kasi di niya inaasahan na mangyayari yun. At nalungkot siya kasi iyak ako ng iyak.
At ayun siya lang ang sinabihan ko noon pero pagtagal sinabi ko na din sa iba kong kaibigan. Sinabi ko na din kay mommy kasi nagtanong siya eh.

Mommy: baby kamusta kayo ni Tegan (pangalan natin siyang Tegan hihi. Zach_Icewalker alam mo yan. 😉)

Me: umm mommy okay naman po kami. Okay lang po siya.

Hindi ko sinabi ang totoo kay mommy nung una kasi ayoko na malungkot siya, ayoko na muna yun pagusapan. Pero nung dumating na ang tamang araw sinabi ko na kay mommy. Kumakain kami ng dinner nun.

Me: mommy may sasabihin ako
Mommy: ano yun?
Me: di na po kami okay...
Pinipigilan kong wag umiyak pero wala eh di ko mapigilan. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at sinabing

Mommy: okay lang yun baby. Hindi talaga lahat nandyan sayo palagi. May darating din na bago at tsaka isipin mo nalang na naging part siya ng buhay mo kaya wag ka ng sad ha.

Pinunasan ko ang aking mga luha at umalis na sa dining room.
Natulog na ako.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nun kasi nasabi ko na
kay mommy pero nandun parin ang lungkot ko.

Ang dami ko ginawa para makalimutan ko siya. Hindi ako galit sa kanya pero kailangan ko yun gawin para naman maging okay ako kinausap ko ang mga kaibigan ko,
nilibang ko ang sarili ko. Hanggang sa unti unti na nawawala ang sakit. Gumagaan na ng konti ang pakiramdam ko, nakakatawa na ako ng totoo at may mga bagong tao akong nakilala. Mabait naman sila

Pinagsisihan ko na nagmahal agad ako pero wala na eh. Hindi ko tinatanggi na siya ang 1st love ko at masaya naman ako dahil may mga kaibigan naman siya na nandyan para sa kanya. Gusto ko lang naman na maging okay siya, Na maging masaya siya, ayoko na sad siya kasi nalulungkot ako. Okay lang kung wala na talaga nandyan pa naman yung mga iba kong kaibigan eh at thankful ako kasi nandyan sila palagi. nakakusap ko sila at walang sawang nag vivideocall. Madami nga kaming gc eh AHAHAHH.

My Îmâgînâry Crûsh ❤Where stories live. Discover now