CHAPTER 11

4 2 4
                                    

Chapter 11

Tapos na kumain sina Kate at isa isa silang pumunta sa living room

"Oyy ano pinagusapan niyong dalawa haa?" Mausisang tanong ni Kate
"Di mo naman kailangan malaman yung pinagusapan namin eh" mataray na sabi ko
"Ayy ang taray naman ehh. May mens ka ba?" Natatawang tanong ni Kate
"Wala akoo no!" Hiyang sigaw ko sa kanya
Eh syempre nandito mga kaibigan ni Shawn tapos puro lalaki dito

"Wag mo na ngang asarin si Lucky at tsaka tama naman siya eh hindi mo kailangan malaman yung pinagusapan namin."
Pagtatanggol ni Shawn sakin.

Natuwa naman ako kasi pinagtanggol niya ako. Ang bait niya talagaa

"Heyy easy easy langg wag marupokk okayy? Alam nang mabait ang kanyang kahinaan ehh" sabi ng matino kong isip

Himala kasi walang sinabi yung marupok kong isip ahhahahhahha baka tulog siya

Hindi ko maiwasang tignan si Tegan
Hindi ko talaga ineexpect na magkikita kami at sa birthday pa ni Shawn. Hindi pa ako ready makita siya eh! Hayss ano gagawin ko??

Habang tinitignan ko siya bigla siyang tumingin sakin kaya umiwas agad ako ayokong makipag eye contact sa kanya naiilang na ako
Madami nang nagbago nung nawalan na kami ng communication

Naguusap lang sila at wala ako sa mood makinig sa chikahan nila kaya binuksan ko yung phone ko ang nagmessenger nalang
Nagchat ako sa gc namin nina Abril

Lucky: "Guys may sasabihin ako..... Importante"
seen."Abril, Gian"
Gian: "Ano yun?"
Lucky: "nakita ko siya"
Gian: "sino?"
Lucky: "Si ano kilala mo na yung pinagusapan lang natin kahapon"
Gian: "ehh? Tunay?"
Lucky: "Oo nagkita kamo sa Birthday ni Shawn. Mag classmate pala sila."
Gian: "nasan na siya?"
Lucky: "Nandito parin. Katapat ko nga siya eh nasa living room kami."
Abril: "hoyyy ano meronn dito??!"
Gian: "nagkita sila si T"
Abril: "Bakit naman nagkita aber?!"
Lucky: "magbackread ka po para malaman mo."
Abril: "oki saglit lang"
Gian: "ano naramdaman mo nung nakita mo siya?"
Lucky: "nalungkot ako."
Gian: "Layuan mo nalang"
Lucky: "Paano ko lalayuan? Aalis ako dito sa living room?"
Gian: "Pede"
Lucky: "Sige wait lang"

"Umm Shawn punta lang ako sa Terrace ha" paalam ko sa Shawn
"Ahh sige" sagot naman niya sakin

Bago ako pumunta sa labas kinuha ko muna yung Earphones ko para makipag vc sa kanila hehe

Lucky: "uyy nasa labas na ako. Tara vc"
Gian: "ngayon na?"
Lucky: " Yes now na habang busy pa yung mga tao sa loob."
Gian: "sige"

Ringing......

Pagkailang ring ay sinagot na nila yung tawag
Lucky: "Yoww"
Gian: "oh"
Abril: ........
Lucky: "uyy Abril sumagot kaa!! Paano tayo makakapagusap ng maayos aber?!"
Abril: "Yan okay na? Hmmm?"
Lucky: "okay na AHAAHAHHHA"

Ang tagal naming nagusap at nakalimutan kong malungkot ako dahil pinasaya nila ako kahit na bad sila minsan kasi lakas nilang mangasar at least nandiyan sila para sakin

Ilang oras din ang nakalipas at aalis na yung mga kaibigan nina Shawn
"Oh ang tagal mo diyan sa labas ah." Sabi ni Kate sakin
"Ahh oo nagkausap lang kami ng mga kaibigan ko" sabi ko kay Kate
Nakita kong lumabas si Tegan kaya may sinabi ako
"At tsaka gusto kong kamustahin sila baka kasi magtampo yung mga yun eh at tsaka bestfriend ko naman sila eh kaya okay lang magusap kami ng matagal" masaya kong sabi kay Kate pinarinig ko talaga kay Tegan yun
Wala lang gusto ko lang siyan paringgan AHAHAHAHAA
"Ahh ganun ba. So lalaki pala yung Bestfriend mo?" Tanong sakin ni Kate
"Ah yes actually matagal ko na silang bestfriend, kahit nagkakatapuham kami eh hindi naman nila ako iniwan natiis naman nila ako hehe." Sagot ko kay Kate
Dahil sa sinabi ko ay napatingin si Tegan samin. Naguusap kasi sila ni Shawn eh
Tama lang na tumingin siya dito samin. Wala ako pakialam kung mainis siya sakin di ko naman siya kaano ano eh. Nakabukas parin yung vc namin nina Abril kaya rinig nila yung sinabi ko
"Nagpaparinig siya oh!!" Asar ni Abril
Napatawa naman ako sa sinabi niya
"Oh siya sige pasok na ako sa loob magusap muna kayo ng bestfriend mo diyan." Sabi ni Kate
"Correction mga Bestfriend hihi." Parinig ko ulit. Ahahhahaha wala trip ko lang mangasar
At ayun na nga aalis na si Tegan. Buti naman at umalis na siya hindi ko pa keri na makita siya ng matagal.

My Îmâgînâry Crûsh ❤Where stories live. Discover now