Chapter 8 🎉💞👑
Malapit ng mag 1pm so ibig sabihin ay magistart na ang party!! Yeyyy
Lalabas na sana ako pero ayaw ako palabasin ni Kate. Bawal daw kami magkita ni Shawn. Tinanong ko naman kung bakit at ang sabi ay wala lang. Hayss baliw nanaman tong babaeng to.
Dahil wala ako magawa at bawal ako pagpawisan nag phone nalang ako
At maingay yung gc
Ng hello ako sa gc at nag seen ang dalawang si Abril at GianNag VC kami at for the first time in forever sumama si Gian
Woohh dapat na ba kong magcelebrate? AHAHHHA CHOSS LANG ✌Me: " Hi guyss!!"
Abril: " aba ayos na ayos ang babaita. anong meron?"
Gian: "may patay kaya nakaayos siya. AHAHHH"
Me: 😒😒😒
Abril: " Ano?! Sagot!!"
Me: "MAY BIRTHDAY PARTY HO DITO KAYA NAKAAYOS AKO!"
Abril: "Uyy chillax lang baka masira ang makeup"
Me: "hehe okiee!"
Gian: " Nasan ka? At sino may Birthday?"
Me: "Nandito ako sa bahay ng friend ko 2 months ako titira sa kanila at tsaka si Shawn ang may birthday kapatid nung friend kong si Kate"
Abril: "Titira 😏"
Gian: "HAHAHAHHHA"
Me: " Luhh ang bad ni Abril AHAHHAHAH"
Abril: "Talaga AHAHAHAHAH"Nagkwento ako sa kanila at ayun nung nalaman nila na tapat lang ng bahay nina Shawn yung bahay ni Tegan ang damiii nilang comment
Pinagalitan pa ako.Abril: " Ano?! Magkatapat?! Edi ano yun nagkikita kayo??"
Me: "hindi naman ako palalabas eh at tsaka hindi ko siya nakikita"
Gian: "Destiny... Mmmmm."
Me: "Destiny ka diyan!! Hoy walang forever sa wattpad lang meron!"
Abril: "Wag na wag kang marupok ha kapag nagkita kayo. Kapag ikaw naging marupok tapos iiyak nanaman aa bahala ka na sa buhay mo."
Me: "taray naman ehh. Oo na hindi naman na talaga ako marupok nooo!"At nagbabye na kami sa isat isa
Naririnig ko na madami ng tao sa labas at ayun dumating si Tita na may dalang...........maskara?
Ano meron dun??"Iha suotin mo yan ha!"
Masayang sabi ni tita. Parang kinikilig
"umm Sige po? Para saan po ba yan?"
Taka kong tanong kay tita. Eh kasi naman parang pinaghandaan talaga to eh. Color purple sin kasi yung maskara"Eh kasi kasama yan sa theme kayong 3 nina Shawn ay nakamaskara din 😁" sabi ni tita
"Ahh ganun po ba sige susuutin ko na po." At ayun sinuot ko na hehe
Maganda yung maskara parang ako choss____________________________________
Lumabas na ako at ang dami ngang tao pero puro mga kaibigan ata ni shawn at kate ang nandito hehe
Nasa unahan na ako kasi ako yung host hehe at si Kate"Good afternoon everyone. So today is sa day na makikita niyong tatanda na si kuyaa. Choss langg hehe joke kuyaa. Etong party na ito ay para sa aking napaka gwapo si kuya shawn!! Siguro nagtataka kayo kung sino ang katabi ko. Well siya lang naman ang nagayos ng party ni kuya Shawn. Hindi muna natin siya pangangalanan. Tatawagin muna natin siyang Ms. Producer hihi. Ano masasabi mo sa birthday ni Kuya Shawn?"
"First of all I would like to greet Shawn a Happy happy birthday. Wala pa ang ating birthday boy kasi parang may inaayos pa ata. Mmmm ngayon tawagan na natin siya si Kim Shawn Sotelo!"
At nagpalakpakan ang ang tao at tama nga ang sinabi ni tita na nakamaskara din si Shawn.
"Ms. Producer baka pede naman na ihatid mo si Kuya sa Kanyang napaka gandang upuan" sabi ni Kate
"Oh sure!" Sabi ko naman kay kate at inihatid ko na si Shawn at may binulong siya sakin.
"You're beautiful. Pero Siguro mas maganda ka kung walang maskara"
Atdahil sa sinabi ni Shawn ay kinilig ako"Ewan ko ba naman kita tita eh nagmaskara pa. Anywayss happy birthday ulit!" At nakipagbeso ako sakanya
"Yieee ano kayang pinagusapan ng birthday boy at ni Ms. Producer mmm?" Maintrigang sabi ni Kate at tinignan ko lang siya ng masama at natawa lang naman si bruha
Ang daming nangyari sa party at gabi na at kakain naaa!
Ang daming busy sa pagkuha ng pagkain at nakita kong nakaupo lang si Shawn kaya nilapitan ko siya.
"Bakit nakaupo ka lang? Kuha ka na ng pagkain. Gusto mo ako na ang kukuha. Ano food gusto mo?" Tanong ko kay Shawn
"Umm kung ano nalang yung sayo hehe" hiyang sabi ni Shawn sakin. Ang pabebe Ahahhahaha
At ayun pumila ako hehe nakita ako ng kaibigan ni shawn at sinabing mauna na ako kasi baka gutom na daw si Shawn at hindi na ako umangal nauna na talaga ako hehe.
Pagkapunta ko sa upuan ni Shawn nagulat ako kasi may isa pang upuan at sinabi na dun daw ako uupo.
"Kahit ngayon lang birthday konaman eh" pabebeng sabi ni Shawn kaya yun pumayag nalang ako.
Masaya kaming kumain ni Shawn at nagtatawanan pa kami. Hanggang sa matapos na kaming kumain. Bumalik na ako sa dati kong pwesto at inalis na yung upuan dun sa unahan.
Hindi pa tapos ang party dahil
Isasayaw daw ang birthday boy Hahahaha
At ayun nagsasayaw na sila tahimik lang ako sa tabe hehe hindi ko alam kung ano gagawin ehh tapos bigla nalang ako tinawag.
"Ms. Producer ikaw naman po ang sunod. Sasayaw po kayo ni Birthday boyy yieeee" kinikilig na sabi ni Kate
Nakatulala lang ako kaya si Shawn na ang lumapit sakin at ayun si Kate nagtitili parang ewan.
"Sayang daw tayo oh" malambing na sabi sakin ni Shawn
Itinapat niya sakin ang kamay niya at inabot ko yon
Hindi lang si Kate ang nagtititili pati na rin si tita hayssNasa gitna na kami at inilagay ni Shawn ang dalawa kong kamay sa balikat niya at ang kamay niya ay inilagay sa bewang ko
Mabagal lang ang sayaw namin. Magkadikit na magkadikit ang katawan namin hindi ko alam kung bakit pero komportable ako kapag magkadikit kami nakaheels ako kaya magkapantay kami hanggang balikat niya ako eh ngayon dahil nakaheels ako hindi na hehehehe kaya hindi ako nahirapan na magsayaw kami"Pede niyo na po tanggalin ang maskara sa isat isa" kilig na sabi ni Kate at sinunod namin yon ni Shawn
Dahan dahan namin tinanggal ang maskara sa isat isa hawak niya ang maskara ko at hawak ko ang sa kanya.
Pagkatanggal ng maskara ay nakita ko rin sa wakas ang muka niya. Magkalapit kami ng sobra kaya kitang kita ko ang maganda niyang muka, yung mata niya yung pisnge niya at yung labi niya ngayon ko lang napasin na gwapo talaga si Shawn."Ang ganda mo" simple lang yung sinabi ni Shawn pero kinilig ako
Bat ba ganto nararamdaman ko??
SHAWN POV
Pagkaalis ng pagkaalis ng maskara ko kay Lucky ay hindi ko maiwasang humanga sa kagandahan niya. Simpleng babae lang sya ngunit may kakaiba siyang ganda na hindi ko maexplain
"Ang ganda mo" yan lang ang nasabi ko sa kanya
Tumigil kami sa pagsayaw at ilang minuto din kaming nagkatitigan
Hindi namin alintana ang mga taong nakapaligid saminGusto ko nga talaga siya.......
A/N: Ayieee nakakakiligg
Sana all nalang ako sa inagination koo
1.1k+ words ang nagawa ko ngayon sa chapter na ito hehehehe at ayun ay dahil sinipag ako
Wala eh nakakakilig siya para sakin
Sa inyo ba?? Hihi ❤😍❤😍
YOU ARE READING
My Îmâgînâry Crûsh ❤
RomanceNg dahil sa kalungkutan Bigla nalang nakaisip ng kabaliwan At eto ay ang magkagusto sa isang lalaking hindi naman nageexist . . . . . Magiging masaya eto 😁