17
Hindi ko mahanap 'yong tamang salita after he said those words. Gusto kong sabihin na gusto ko pa rin siya hanggang ngayon at hindi nawala 'yon. But then, I felt like it's not the right time for a confession like that. Nakakainis lang dahil hindi ko pa 'yon nasasabi sa kanya, pero siya ay napaka-vulnerable tungkol sa feelings niya.
“Sorry. Did I make it awkward?” tanong nito.
“Hindi naman...” mahinang sabi ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya napauwi o paano kami naalis sa awkward na posisyong 'yon. Ako lang pala ang na-awkwardan!
Nakakainis ka talaga Kanarrie!
Hindi ko na nga ulit tinanong kung paano nalaman nang mga teammates niya 'yong 'bout sa amin. I'm just curious alright. Because it's not his thing to yarn about his story.
Before Sunday ends din ay naka-receive ako ng text from Carme kung bakit hindi siya nakapasok. Nagkaroon lang daw ng problema kina Gray kaya hindi na siya pumasok. Ako tuloy ang naaawa kay Carme dahil naiipit siya tuwing may problema ang family ni Gray. Mahirap din pala kapag isang compound lang ang angkan.
When Monday came ay maaga akong pumasok. Nagtext din ako kay Ken na huwag na akong sunduin. He insists pa nga na papasok din siya ng maaga pero mabuti at napilit ko na huwag na. Dumiretso ako sa library para makapag-review kahit na-review ko na, just to be sure. Tax 2 'yon kaya mahirap na! Natigil lang ang pagre-review ko noong dumating din sa library sila Cha, Carme, Arlo at Theo. Hindi sila tumitigil sa pagk-kwentuhan!
“Nakita niyo 'yong new cover photo ni Prince? It's been a while since he changed his cover photo,” Cha said.
“Nakita mo rin pala 'yon!” si Carme.
“Ang cute kaya. Happy family!” si Cha. Hindi ako maka-relate sa kanila dahil wala akong Facebook! I don't do Facebook.
“Patingin nga...” kuryoso kong sabi. Iniabot naman sa akin ni Cha ang cellphone.
Happy family. Nakatayo si Prince at 'yong bunso niyang kapatid sa likod ng mama't papa niya. Nakasuot din sila ng pulang t-shirt na may nakaprint na Austria, kulay white ang text. 'Yong lettering pa nga ng A ay parang avengers. Ang saya lang nilang tingnan kahit naka-smirk sa picture si Prince.
Ang swerte ni Prince...
Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng family oriented. Kasi sila Mama Gel naman ay ganoon din, kahit sila Cha. Pero hindi ko lang din mapigilang mainggit.
“Anniversary ng parents niya, 'no?” sabi ni Carme.
“Oo, kahapon...” sagot ni Arlo.
“Defense niyo kahapon ah?” si Cha.
“Dinner naman 'yan kaya nakahabol si Prince...” sabi ni Arlo.
“Ang swerte ng magiging asawa ni Prince!” sabi ni Carme kaya inasar siya nila Theo.
“Isusumbong ka namin kay Gray!” natatawang sabi ni Theo.
BINABASA MO ANG
WE BROKE UP
Teen FictionHuling taon na ni Kanarrie sa kolehiyo at kung kailan desidido na siyang kalimutan ang dating kasintahan, ay saka pa gagawa si tadhana nang paraan para magkausap silang muli, pagkatapos nang mahigit limang taon. May pagasa bang muling ibalik ang dat...