26
Nang mag-alas tres ay humikab na ako nang humikab. Nasa kwarto na si Cha katabi ni Carme, natutulog. Sinamahan ko naman si Prince. Wala akong nagawa noong sabihin nila Arlo na tutulog muna sila tapos kami naman ni Prince ang magbabantay. Oh well, that's my purpose why I'm here. Gising pa naman si Attorney at ibang relatives nila na nandito.
“You should sleep na,” sabi ni Prince. Nakasandal ito sa upuan habang blankong nakatingin sa unahan kung saan nandoon ang coffin. Samantalang ako ay naka-crouch na. My back hurts na. Konting oras na lang din at 24 hours na akong gising.
“Mamaya na. Mag-c-change shift kami nila Arlo,” I said and straighten my posture using the backrest of the mono block. Ini-suot ko rin ang dalawang kamay sa sleeves nung jacket. Masyadong mahaba 'yong sleeves sa akin, kaya kayang itago ang kamay ko. Well, kay Prince 'tong jacket at matangkad siya kaya ganoon.
“You don't need to do that...” Nakatingin pa rin ito sa una. Nagkunot noo naman ako. Naka-side view siya sa akin kaya nadepina ang matangos nitong ilong. Ngayon ko lang din napansin na mahaba na 'yong buhok niya, hindi katulad ng school hair cut na palagi niyang gupit. His hair suited him, though.
“Ang?” takang tanong ko. Lumingon naman ito sa akin. Blangkong ekspresyon pa rin ang mababakas sa mukha niya.
“This,” aniya.
“Huh?” I'm confused, really. Inilagay niya ang braso sa likod ko at tuluyang inilihis ang katawan para mapunta sa akin ang full attention. Hindi naman ako natinag. Nanatili akong nakasandal sa upuan kahit naramdaman kong pumatong ang braso niya roon.
“You know that I like you, right?” Tumaas ang sulok ng labi niya pagkatapos sabihin ang mga katagang 'yon. That. 'Yon pala ang tinutukoy niya. Mariin kong ipinagdikit ang labi at bumuntong hininga bago nagsalita.
“Sorry,” I sincerely apologize. He laughs.
Itinukod niya rin ang kaliwang kamay na nasa backrest ng upuan ko at ipinatong ang ulo sa palad. Iniwas ko ang tingin at tumingin na lang sa coffin. Masyadong malapit ang mukha niya dahil sa pagbabago ng posisyon.
“Don't be. It's not your fault. It's my fault na torpe ako.” Napapikit na lang ako dahil sa sinabi niya. Alam kong pinapanood niya ang ekspresyon ko. At nakakahiya lang dahil ngayon pa siya nagkakaganito kung kailan nasa burol kami ng mama niya. Gosh, naniniwala na ako na tanggap na niya na his mom passed away.
Nanatili ang katahimikan. But Prince broke the silence.
“You wanna know why I like you?”
Kahit gusto kong sumagot ng hindi ay may parte sa akin na gustong malaman kung bakit. Wala akong maisip na topic so it might be a good topic though it's slightly awkward.
“Why?” Tinapunan ko lang ito ng tingin, pagkatapos ay ibinalik ko ang paningin sa coffin.
“I don't know why I like you,” sabi nito at sinundan ng isang mahinang halakhak. Pinaglalaruan niya ata ako!
“Then it's good. You can easily move on too.” Naniniwala ako na kapag hindi mo alam kung bakit gusto mo ang isang tao ay madali mo rin siyang makakalimutan. Lalo na kung like ang pinaguusapan not love.
Kung maririnig lang nila Theo ang sinabi ni Prince ay baka inasar na nila ito. Kung noon pa nga lang na magtabi lang kami ay nangaasar na ang mga ito, ngayon pa kaya? Lalo na't hindi pa rin nagbabago ng pwesto si Prince.
BINABASA MO ANG
WE BROKE UP
Teen FictionHuling taon na ni Kanarrie sa kolehiyo at kung kailan desidido na siyang kalimutan ang dating kasintahan, ay saka pa gagawa si tadhana nang paraan para magkausap silang muli, pagkatapos nang mahigit limang taon. May pagasa bang muling ibalik ang dat...