Broke: Eighteen

212 8 3
                                        

18

Nang matapos ang Auditing class ay agad kong ni-check ang cellphone. Hindi ako mahilig magcellphone kapag may klase, kahit kanina pa ako nate-tempt. Ayoko kasing madistract, baka isang lingon ko lang sa cellphone ay may hindi na ako mapakinggan na kailangan. Para sa akin, lahat nang sinasabi ng Professor ay kailangang isulat o pakinggan.






From: Ken
Okay.
Thought that you have other reasons.
I'm outside.
I'll wait for you.






Madali kong niligpit ang gamit na nasa arm chair ko. Bakit kasi kapag may klase kami ay ang daming kailangang ilabas!






“Kana! Sundo mo!” sigaw no'ng kaklase ko. Nasa labas ito kaya rinig na rinig ang boses! Dahil din doon ay mga nanukso na ang iba kong kaklase na nasa classroom pa.






“Oo, alam ko!” sabi ko naman at tumawa para itago ang kilig. Tinusok naman ni Carme ang tagiliran ko at si Cha ay tumakbo papunta sa may pinto.






“Charlotte, hindi ikaw ang sinusundo!” hiyaw ni Adrian. Tinawanan lang namin siya lalo na noong nakasimangot si Cha na bumalik sa amin.






“Hindi kasama...” Pinahaba ni Cha ang bibig at inayos na rin ang gamit na nasa arm chair.






“Si Kana nga raw kasi...” tukso ni Adrian and Cha just shrugged it off.






“Cha, sa Carton street ang bahay nila Nate,” sabi ko kay Cha. Tumingin ito sa akin at tumili. Automatic naman naming ipinantakip sa tainga ang kamay. Ang sakit sa tainga!






“Charlotte Aguilar!” natatawang sabi ni Carme.






“Cha, ang sakit sa tainga!” si Arlo.






“Kinikilig ako!” si Cha. Isinara ko naman ang bag at isinakbit ito sa balikat.






“Anong nakakakilig doon?” si Adrian sa masungit na boses.






“Kanarrie, sa'yo na ako titira!” masaya pa rin na sabi ni Cha, hindi nga nito pinansin ang pangaasar ni Adrian.






“Sure!” natatawang sabi ko.






“Hindi pwede!” singit Adrian.






“Bahay mo?” pagtataray ni Cha kay Adrian.






“Isusumbong kita kay Tito,” si Adrian.






“I hate you!” si Cha kay Adrian, tinawanan lang ito ng isa.






Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na, they said their goodbyes naman. Si Cha ay hindi na sa bahay titira but mag-i-stay siya sa bahay hanggang sabado. Wala namang problema sa akin, mas gusto ko pa nga 'yon dahil may kasama ako. Magkababata si Adrian at Cha, magkapitbahay to be exact. Kaya rin Accountancy ang degree na kinuha ni Cha ay dahil 'yon kay Adrian, wala pa kasi siyang napipili noon. At ngayon naman daw ay nagsisisi na siya kung bakit niya sinunod si Adrian.






Halos magkasabay naman kami ni Prince na lumabas ng pinto. Like the usual ay inirapan ako nito, pero base naman sa action na ginawa ay nagpaka-gentleman ito. Tumigil kasi siya at hinintay ako na maunang lumabas bago ito. Hindi nalang ako umimik, baka kung saan lang mapunta.






Nakaupo sa may study area si Ken, pero nang makita ako ay he met me halfway.






“Sorry kanina. Late kong na-receive ang messages mo,” sabi ko agad. Gumuhit naman ang ngiti sa labi niya kaya kitang kita ang perfect set of teeth niya. I love his smile, actually. Lalo na kapag ngumingiti siya ng labas ang ngipin.






WE BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon