Chapter 25

194 11 0
                                    

M4S (25)


"You... Did you..."

Hindi matuluy-tuloy ni Rainy yung sasabihin niya sa akin. Alam naman naming pareho kung ano 'yon at tungkol saan 'yon, pero pareho yata kaming nawala sa sarili kanina. At wala pa rin kami sa aming mga sarili hanggang ngayon. Kahit ako ay hindi rin makapagsalita. Naiilang ako na ewan.

"Naputok ko, sorry," mabilis kong sinabi habang nakaiwas ng tingin sa kanya.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko naman agad ang intensidad ng biglaang pagtitig sa akin ni Rainy ng masama.

"Ugh! Your language!" inis niyang sabi.

Napatingin na rin ako sa kanya dahil doon. Napakamot ako sa ulo ko ulit.

"Huh? Ano ba dapat?" tanong ko. "May iba bang term?"

"What?"

"Ano bang dapat kong sabihin? Lumabas? Tumalsik? Sumirit? Nagshooting sta—"

"Just shut up!" putol niya sa akin. Kita sa mukha niya na mas lalo yata siyang nainis sa akin. 

Mabilis ko namang itinaas ang aking dalawang kamay. Takot ako sa kanya siyempre.

Panandalian kaming naging tahimik. Nakatayo lang ako sa gilid ng kama habang siya ay nakaupo doon, medyo tulala.

Walang umiimik ni isa sa aming dalawa samantalang kanina lang ay grabe yung ingay at sigawan namin. Medyo napangiti ako nung biglang pumasok sa ulo ko yung nangyayari kanina.

Nangyari ba talaga 'yun?

Oo. Malamang. Wala akong damit ngayon, eh.

Ang bilis naman matapos.

Dumaan pa ang ilang minuto na ganoon lang ang pwesto namin. Wala kaming mapapala kung hindi kami gagalaw kaya napagpasyahan kong kausapin nalang siya. Ako nalang ang mauunang magsalita.

Kakausapin ko na sana siya pero nang tinignan ko si Rainy, mukhang nag-aalala pa rin ang kanyang hitsura. I tried to talk to her to ease her tension. Wala lang naman kasi talaga 'yon. Ni hindi man lang nga ako sigurado kung naipasok nga sa loob niya yung nilabas ko.

"Hindi naman yata nakakabuntis 'yon..." medyo nahihiya kong sabi.

"Yata?" pabalang siyang natawa.

Ngumuso ako. 

Nako, galit.

"Hmm. Siyempre wala naman talagang kasiguraduhan ang lahat... pero may mga bagay na malalaki ang probabilidad. Tulad nung nangyari ngayon, malaki ang posibilidad na hindi. Kahit i-search mo pa..." sabi ko.

Ang dami kong sinasabi sa kanya pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung may sense. Basta nalang may lumabas sa bibig ko, okay na 'yon. Taenang 'yan.

"Patingin nga?" sabi ko bago ako humakbang papalapit sa kanya.

Wala naman talaga akong balak na magka-round two or what pero tamang hinala talaga ito si Rainy. Bigla ba namang tinakpan niya yung kanya ng puting kumot para mas lalo kong hindi makita.

I pouted at her sudden self-defense move. Wala naman talaga akong planong masama sa kanya. Gusto ko lang naman talagang tignan out of genuine concern.

"Concerned ako..." simula ko. "Hindi 'yon pangmamanyak."

Inirapan niya ako at mas lalo niyang hinila yung puting kumot palapit sa kanya para mas lalo siyang matakpan.

Pero dahil nga inayos niya ang kumot niya, hindi nakatakas sa akin nang mayroon akong nakitang bahid ng dugo roon.

Kumunot agad ang noo ko roon at hinawakan ko na rin yung kumot niya. Inalis pa niya yung kamay ko nung una pero pinilit ko pa ring tignan yung parte ng kumot niya na nakakita ako ng dugo. Medyo brown na 'yon kasi medyo mabilis yatang natuyo, pero sigurado akong dugo nga 'yon.

Maniac 4 Sale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon