Chapter 34

118 3 0
                                    

M4S (34)


"Ano ba talagang problema mo?!"

"Kung hindi mo naman pala kaya mag-focus, sana 'di ka nalang nag-tryouts! Sinasayang mo oras namin dito! Nadadamay na ang buong team, Valderama!"

"Kung 'di lang ako kinakausap ni And—"

"Ah! Coach, pinapatawag po kayo ni Miss Matilde sa faculty room," singit ni Clyde sa gitna ng sermon sa akin. 

Pagkasabing 'yon ni Clyde ay doon lang tumigil si coach. Huminga siya ng malalim bago siya naglakad papalabas ng gym. May mga ilang mura din siyang pinakawalan. Sa buong oras na pinagagalitan niya ako ay nakatayo lang ako, tulala at wala sa sarili.

Funny how I once wanted to be in Vengeance team so much, but now here I am, not even wanting to listen to what my coach says.

Ganoon kalakas sa akin ng epekto ng sitwasyon namin ni Rainy. Alam ko naman na marami pang importante sa buhay ko na dapat kong bigyan ng halaga, pero hindi ko talaga kayang maging maayos kung hindi kami maayos ni Rainy. Hirap na hirap na talaga ako. Hindi ko alam kung papaano ko dapat idireksyon ang buhay ko. 

"Dude, ayos ka lang ba?" sabi ni Clyde pagka-alis ni coach. "Ilang beses ka nang wala sa training. Matamlay rin yung laro mo kanina. Na-drop out ka na sa ibang classes. Badshot ka na rin sa mga professors. Ano bang nangyayari? Kaya mo pa ba?"

Napatingin ako sa gilid kung saan nakatayo si King katabi ni Chase, nakaiwas ang tingin sa amin. "Okay na ba kayo ni King?"

"'Wag mo na muna kaming isipin. Ayusin mo muna yung sarili mo. Huwag mong hintayin na mapahamak pati si Ash dahil sa 'yo," binulong ni Clyde yung huling mga salita.

"Bakit?" tanong ko. "Anong meron?"

"Matagal ka na dapat tinanggal ni coach. Paulit-ulit lang siyang kinakausap ni Ash bilang team captain na i-retain ka sa team kasi kailangan ka daw. Pero mukhang ultimong 'yong rason na 'yon ay nawawalan na ng bisa kay coach."

"At ano palang balak mo sa mga classes mo?" tanong pa ulit ni Clyde.

"Isu-summer class ko nalang..." sagot ko, wala pa rin sa sarili.

Medyo nagulat si Clyde nang lumapit si King kung saan kami nakatayo. Tinapik ni King ang balikat ko bago ngumiti ng tipid. Hindi na rin siya nagsalita pagkatapos no'n. Lumabas siya ng gym at sinundan naman ni Clyde 'yon agad. Tinapik nalang din ako ni Clyde bago siya nagpaalam at umalis.

Nang naiwan ako sa gitna ay umupo nalang ako sa isa sa mga upuan sa gilid kung saan walang nakapuwesto. Marahas kong sinabunutan ang aking buhok dahil hindi pa rin talaga ako makapag-focus. Kahit alam kong dapat ay kinakausap ko ang mga kaibigan ko, hindi ko pa rin mai-alis sa aking sarili yung mga nangyayari.

Tinignan ko ang cellphone ko at hindi man lang ako nakatanggap ng reply kay Rainy sa dami ng texts at messages na sinend ko sa kanya kagabi, at nung mga nakaraang araw.

Malapit na siyang grumaduate ng college, pero wala man lang kaming connections. Hindi kami nag-uusap. Hindi ko rin siya matiyempuhan sa ECN o sa condo niya sa Millenium Heights. Nagsabi din ulit sa akin si Vernice na hindi daw nag-a-attend ng review sessions nila si Rainy. Tang*na. Mababaliw na yata ako kakaisip kung nasaan na naman ang babaeng iyon.

Mamaya pa ay may umupo sa tabi ko. Nang inangat ko ang aking tingin ay nakita kong si Ash iyon. Nakaupo lang siya roon at nakatingin sa malayo. Ganoon nalang rin ang ginawa ko bago ako nagsalita.

"Hindi mo na dapat kinakausap si coach. Kung gusto niya akong tanggalin then so be it," untag ko.

"Clyde told you?" medyo natawa pa siya.

Maniac 4 Sale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon