Chapter 36

134 3 0
                                    

M4S (36)


"K-Kami na."

Sobrang bilis ng pagkakasabi ni King pero wala ni isa sa amin ang napalagpas 'yon.

Narito kami ngayon sa Tritonne Bar dahil ngayon na lang ulit kaming magkikitang magkakabarkada. Halos ang lahat ay naging busy na talaga sa kanya-kanyang businesses. Nasa isang VIP room kami at malakas ang music, pero lahat pa rin kami ay napalingon kay King nang sinabi niya 'yon.

Napa-awang pa lalo ang labi ko nang marahan pang inangkin ni King ang kamay ni Clyde. They nervously intertwined their fingers as they smiled awkwardly to all of us in the room.

For a moment, walang nagsasalita sa amin. Nang tumingin ako kay Ash, blanko lang ang expression niya as usual. Si Austin, nakanganga. Si Chase, naka-abang lang rin sa amin.

Binasag ni Austin ang katahimikan nang natawa siya. Napahawak pa siya sa kanyang bibig habang umiiling, hindi pa rin makapaniwala.

"Bakla kayo?" si Austin pa rin.

Nakainom na si Austin kaya hindi ko alam kung maganda ba ang sasabihin niya o hindi. Nang nakita kong nagtiim bagang na si Clyde, naghanda na akong umawat sa kanila.

Buti nalang at iba yung nangyari. Humalakhak ulit si Austin bago niya niyakap yung dalawa sa kanyang braso. Gulung-gulo ang reaksyon nung dalawang umamin. Kahit ako ay natawa na rin.

Kinabahan lang talaga ako kay Austin kasi madalas talaga ay napapa-away siya kapag lasing. Pero yung tungkol kay King at Clyde, matagal naman na naming napapansin 'yon. College palang. Lalo na nung madalas na silang nagkakatampuhan noon.

"Tanggap niyo kami?" naguguluhang sabi ni Clyde nang kumalas sa pagkakayakap sa kanila si Austin.

"Oo naman, kiss pa kita e'," sabi ko naman. Tumayo na rin ako at binatukan yung dalawa. Tumawa lang sila at nagpa-batok rin naman. "Pagkatapos niyong magtampu-tampo nung college, aamin rin pala kayo! Mga ungas!"

"Dami niyo pang inarte eh!" si Austin ulit. Umupo na rin kaming lahat sa couch namin.

"How about you, Ash and Chase? You guys okay about us? Isn't it going to be awkward to you?" tanong ni King doon sa dalawang tahimik lang.

Uminom muna ng wine si Ash bago nagsalita. "Solid," simple niyang sabi bago matipid na ngumiti. "No matter what our sexuality is, we're still a team."

"Kahit nga walang sexuality, team eh!" sabi ko sabay siko kay Chase.

"Kahit rin nasobrahan sa sexuality, ka-team rin," balik ni Chase sa akin. Nagtawanan naman ang lahat. Tang'na, lumalaban na ngayon si Chase? Hayop. Hindi ako makapaniwala nang tinignan ko siya, nagtawanan na naman silang lahat dahil sa reaksyon ko.

"Pero 'wag muna kayo masyado malandi, ha? Bigyan niyo rin kami ng time mag-adjust," pagbibiro ni Austin kila King at Clyde.

"Gago Aus, hindi kami ganoon," sagot ni Clyde sa kanya. "Low-key lang kami."

King nodded. "Oo. Lalaking lalaki pa rin naman kami on the outside."

"Eh on the inside?" tanong ko habang nakangisi.

"Wanna know?" hamon ni Clyde. Tinaasan pa ako ng kilay.

"Ugh!" si Austin, naririndi. "'Wag na, susko! Kawawa naman ang imagination ko. Kay Viel mo nalang sabihin. Baka magbago rin, hahaha."

"Asa, ulol," sagot ko kay Austin.

Nagtawanan pa kami doon. Kinwento rin nila King at Clyde kung paano sila nagka-aminan.

Maniac 4 Sale (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon