Chapter 2 : Im Arci Maristella

80 2 0
                                    

TBG2015@stewartchris

All Rights Reserved. 2015

Arci's POV

Alas onse pasado na nakapasok si Tristan sa kanyang trabaho. Hindi na iba sa kanya ang late na pagpasok sa trabaho nito o sabihin na nating sa kompanya nito ang Table De Carte food menu Company.

Tristan De Carte- isang masungit at seryosong tao. Ganyan siya idescribe ng mga tauhan nito sa kanyang kompanya.

Halos walang nagtatagal na assistant sa kanya. Ang dahilan daw nila ay hindi nila kaya ang moody niyang aura. Iyong iba naman dahil masakit daw siya magsalita. Personalan kung personalan si Tristan.

Ngunit isang natatanging babae lang ang tumagal sa pagiging Asistant. Siya si stella. At mahigit 7 buwan na din siya sa pagiging assistant nito.

"Stellaaaaaa!!!" Sigaw na tawag ni Tristan sa kanyang assistant na saksakan ng tanga at kapilyuhan.

"Bbakit ppooo Ssir" Tarantang- tarantang tanong ni Stella sa kanyang mala anghel na boss.

"How many time do I have to tell you. Ha?"This time lalong sumeryoso ang tinig ng kanyang boss.

"Na ano sir? All of me lang ang peg sir. Hahaha" nakuha pang mangpilyo ni stella sa kanyang boss na parang bulkan na sumasabog kapag nagagalit.

"Ano ba? Sa tingin mo nakikipaglokohan ako. Ayoko tong ipinasa mong survey para sa mga menu natin. Ayusin mo to!" Sigaw ulit ni Tristan sabay bato kay Stella yung folder na pinasa niya.

"Sorry po sir. Opo, uulitin ko nalang po ulit. At yung mas better pa sir. Sige sir, Take care Love you" papansin na pag baba bye ni stella kay tristan pagkatapos niyang pinulot ang folder na pinam bato sa kanya.

Bago umalis si Stella sa loob ng opisina ni Tristan ay nag flying kiss muna ito. Halata naman sa mukha ni Tristan ang pagkainis na may halong saya.

Hindi naman sa pangit si Stella, pero hindi niya lang talaga alam ayusan ang sarili nito. Sa totoo lang andaming nangliligaw kay Stella, pero ni isa sa mga ito ay hindi niya sinagot. Hindi pa daw siya handa sa mga ganoong bagay at may hinihintay siya. Si Tristan De Carte.

* * * *

"So yun na yun. Wala na akong ibang maisip pa eh." Sabi ko kay Mae anne- ang bestfriend ko.

"Yun na yun. Wala man lang ano. Yung ano." Galit na pahayag ni Mae Anne sa ginawa kong kwento.

"Anong ano? I elaborate mo kasi." Sabi ko

"Kasi bes, tignan mo. Wala man lang kaemo-emosyon ang kwento mo. Maganda naman ang simula ng kwento, pero bigyan mo din ng buhay" seryosong saad sa akin ni Mae Anne

Sabagay, tama nga naman siya. Wala lang kasi akong magawa kaya ko nabuo yung kwento nina Tristan at Stella. Hindi pa naman ako magaling na writer, sadyang feeling ko lang talaga na gumawa ng story.

Ewan ko ba kung saan nang galing ang ideya ko tungkol sa kanilang dalawa. Bastat ang naaala ko lang ay kapag naboboring ako, kung ano-ano lang ang naiisip ko. Kadalasan tragic ang ending or kaya naman ay horror ng mga naiisip kong kwento. Simula kasi nung iwan ako nang napakagaling kong ex, nawalan na ako ng gana.

Hindi naman sa bitter ako. Sadyang hindi pa siguro ako naniniwala sa mga forever na yan. Tsaka lang ako maniniwala siguro kapag naranasan ko nang magmahal yung totoo, yung hindi ka iiwan at sasaktan

Sabi nga sa isang blog na nabasa ko. Bakit daw hindi naniniwala ang mga bitter sa forever, eh ano daw ang tawag sa mga lolo't lola natin, Friends with Benefits?

Sabagay may point naman siya. Pero, basta mahirap I explain ang mga love, love, love na yan. Ano ba yang love na yan, nakakain?

By the way, ibang topic muna. Bs Accountancy pala ang kinuha kong course. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ako kasi ang salutatorian ng aming paaralan noong nagtapos ako sa High School. Arci. Arci Maristella De Castro. 23 years of age. Single, and not yet ready to mingle.

4th year college na nga pala ako. Halos ilang buwan nalang at makukuha ko na ang inaasam asam ng karamihan. Ang diploma.

Sa totoo lang suma sideline din ako. Hindi din kasi sapat ang kinikita ng mama ko sa kanyang trabaho. Hindi na din naman ako mapipigilan ni mama sa gusto kasi mas mapapadali ang pagbayad sa matrikula ko. Mahirap sa una pero sanayan lang yan.

Dalawa ang pinag apply-an ko. Yung isa bilang cashier at yung isa naman ay bilang personal assistant.

"Good morning maam, welcome to Dc's Chui Barista Cafe, may I have your order?" Bati ko sa aleng nakapila ngayon sa counter.

Katatapos lang pala ang klase ko kaya dumiretso na ako dito sa cafe. Malapit lang naman ito sa bahay kaya hindi mahirap uwuwi kapag gabi.

"1 slice of strawberry mousse cake and 1 large macchiato coffee." Sabi nung ale na nag oorder.

" okay maam, please wait for a second"

Kung tatanungin niyo ako kung madali ang trabaho ko. Well, medyo. Minsan kasi sunod sunod ang mga customers kaya pahirapan. Pero kapag mas madami ang customers mas malaki ang kikitain mo sa sweldo.

Kasalukuyang madami ang customers ngayon. Pero kaya naman namin ng ibang staff dito sa cafe.

Pasado alas syete na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Medyo late ng 15 minutes sa normal kong pag uwi. Kasi nag distribute ang branch manager namin ng aming overtime fee. Kaya ayun malaki laki nanaman ang mailalagay ko sa ipon ko.

May pinag iipunan kasi ako. Mahalagang mahalaga. Si mama kasi may iniinda siyang sakit ngayon. Gusto kong ipatingin siya sa isang specialist.

The Bachelors GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon