Midnight Series (Chapter 8)

9 1 0
                                    

Di nag dalawang isip si Missy at binuhos kay Katrina ang hawak nyang sisig.

Ouch init non.

Binuhos din sakanya ang mango shake na hawak nya. Sayang akin na lang sana eh.
"Ano? laban?" gigil na sinabi ni Missy "Ano ba!?" Tinulak at sigaw ni Josh kay Missy.

Sinampal ko si Josh "Wag mong matulak tulak ang kaibigan ko!" i said.

Kinuha ko ang kamay ni Missy at umalis na lang "okay ka lang?" Tanong ni Missy sakin habang papalayo sakanila "Okay naman lalo na't nasampal kona din si Josh.

"Buti naman gusto mo balik tayo at sampalin mona din si Katrina ba yon?" Biro sakin ni Missy "Gaga wag na" Sabi ko naman at tumawa na lang.

Niyakap ko si Missy "Napak swerte ko at ikaw ang kaibigan ko" Sabi ko.

"Psshhh gutom ka noh?" Inakbayan nya ako at sinabi yon "Oo eh sayang yung nabuhos kanina" Sagot ko naman.

"Ayan shuwarma na lang tayo" Sabi nya sakin. "Yehayy"

Bumili nakami ng shuwarma at lumabas ng mall dahil sa labas na lang namin kakainin ito. nakahanap kami ng mauupuan at kinain na namin ang dala naming shuwarma.

"Tapos kana?" Tanong sakin ni Missy "Oo uwi na tayo?" Sagot ko naman. "Sige halika ayun oh may Jeep pa.

Nakauwi na kami ng safe nakaabang ang kapatid ko at ang dalawang halimaw.

"Asan pasalubong namin?" Bungad ni Ayden "Sapak na lang natira gusto mo?" Sagot ni Missy. Tumawa na lang kami at pumasok na sa loob.

Bago kami nakapasok sa bahay hinatak ako ni Missy "Nako uuwi na ako ha baka kasi pagalitan na ako eh" Sabi nya habang nagmamadali papalabas.

"Ay ganon sige sige salamat ulit!!" Sigaw ko nama kasi tumaktabo na sya papuntang tricycle-an.

"Oh kayo? matulog na aba may pasok pa bukas si Tita nga pala?" Sabi ko sakanila. "Nako ate nakatulog na si Tita" Sagot ni Hailey sa akin.

"Ay ganon sige sige ikaw? matulog kana" Sabi ko naman "Sige ate Goodnight iloveyou!" Sabi ni Hailey at umakyat na sya "Loveyou!"

...

Nakatingin lang sakin ang dalawa para bang may gusto.

"Problema nyo?" Tanong ko sakanila habang naka pameywang "May pinabigay kaseng assignment yung teacher naten" Sagot ni James.

"Ha? bat kami wala?" Tanong ko naman.

"Kaming dalawa lang ni Ayden ang binigyan may ginawa kasi kami" Sagot ulit ni James.

Diko napigilan tumawa.

"Oh anong gusto nyong gawin ko?" Tanong ko naman sakanila.

"Help?" Sagot ni Ayden habang naka yuko.

"Help ur face antok nako" Pangasar ko naman.

"Sige na please"

Ugh.

"Oo na asan ba?" Tanong ko.

"Ayun oh.." Tinuro nila and DAMN ano toh? bundok? andami naman jusme.

"Ang dami nyan! Hati tayong tatlo aba!" Sabi ko sakanila. "Oo" Sagot nilang dalawa.

Ginawa na namin ang kanilang Assignment and lahat ay tapos na Math na lang talaga ang natitira.

Nagtulong tulong kaming tatlo para matapos nato. tinignan ko ang oras and shit 1am na may pasok pa kami bukas.

"Bilisan nyo na may pasok pa bukas"

20 mins na ang nakalipas and finally tapos na!!! Nag toothbrush na kaming tatlo at dumeretcho na ako sa kwarto namin ni Hailey.

Nakatulog na ako agad kase antok na takaga ako.

Coffee Dates in MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon