Chapter 1

34 9 1
                                    

I woke up as my alarm suddenly rang.

Panibagong araw sa nakakatakot na buhay. I looked at the clock to check the time, it's 6:00 in the morning. 9 am pa ang pasok ko, kaya naman hindi ako masyadong magmamadali. Mabuti nalang at nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, kung hindi gigising na naman akong wala sa mood. 

Bumangon ako sa kama at niligpit ang aking hinigaan. After that, I did my morning routines. Naligo ako, at nagbihis lang ng uniform. Kinuha ko ang aking bag na nasa bed side table at bumaba na, it's just 7 am so may time pa ako kumain. Minsan kasi kapag late na ako, dahil sa kakabasa ng libro sa gabi, hindi ko na nagagawang kumain sa umaga.

I saw my mother in the kitchen, cooking breakfast. Si Daddy naman ay nanonood ng TV sa Living room. My brother is already eating, maaga siguro sa work niya. He's a medical doctor after all, a cardiologist to be exact. Pero hihintayin pa rin naman niya ako, dahil parati kaming sabay.

"Hey Baby, how's your sleep?" Agad na tanong sa akin ni Kuya nang makita niya akong papunta sa kaharap niyang upuan.

"As usual, I had a nightmare again." Mariing sagot ko na para bang sanay na akong iyon ang sagot. Hinugot ko ang bangkuan at umupo na, saka ko pinakatitigan ang aking Kuya na alam kong sesermonan ako.

"Tsk. I told you before, try to consult to a therapist. Hindi puwedeng ganiyan ka nalang palagi, kung sa iyo okay lang, dahil sanay ka na. Paano naman kami? Nag-aalala kami sa'yo." Sermon sa akin ng aking Kuya na lagi kong naririnig tuwing umaga.

"Brother, I already did my sessions. One week lang nawala, pagkatapos noon it's like nothing happened, kasi bumalik din kaagad. And besides, sanay na naman ako, it's not bothering me na." Paliwanag ko na para bang araw-araw ko nang sinasabi.

"Kasi dapat noong bumalik, nagpa-konsulta ka ulit sa therapist mo, tsk." Pagalit na sabi niya.

"Ngayon pa ba tayo mag-aaway, BROTHER?" Pinaka-diinan ko ang salitang 'brother' para alam niyang hindi ko na nagugustuhan ang sinasabi niya.

Kaagad na lumambot ang ekspresyon ng mukha ng aking nakatatandang kapatid. "I'm sorry, baby. I'm just worried about you, baka hindi ka na nakakatulog dahil sa masamang panaginip mo." Paliwanag ng Kuya ko na alam kong pilit akong iniintindi.

Well, ofcourse I am his little sister. Iyan ang gusto ko sa nakakatanda kong kapatid, palagi niya akong iniintindi kahit siya naman ang mas matanda sa amin. Dalawa lang kaming anak, kaya naman kami lang din ang magka-sundo. He is spoiling me, in every way he can.

"It's okay, brother." Ngumiti ako kapag-kuwan ay winala ko ang emosyon na nasa aking mukha. "Just don't bring up this topic again, nakakasawa na sa pandinig." Pagalit kong sabi, dahil tiyak kong mapapa-oo ko siya rito.

"Okay, baby. I love you." He smiled lovingly.

Kaagad kong binalik ang aking emosyon ng sumang-ayon siya. "I love you too, brother."

Bigla na lamang nag-salita si Mommy na kanina pa pala nakikinig sa aming usapan. "You didn't even notice that your sister manipulate you, huh?" Pang-aasar ni Mommy.

Kumunot ang noo ni Kuya at nag-isang linya ang kaniyang mga kilay. "Did you just manipulate me?" Tanong niya.

Ngumiti lamang ako nang makahulugan.

"Fuck, kailan ba ako masasanay sa'yo?" Tanong niya na para bang problemadong problemado sa buhay.

"Masasanay ka nga ba? Kami nga ng Daddy mo, hindi na nasanay, ikaw pa?" My mother continue teasing my brother.

"Mommy, stop teasing me." Parang batang wika ni Kuya.

I learned to manipulate someone when I started seeing the footsteps. Hindi na ako naglalabas mula noon, palagi lang akong nasa kuwarto, well not until I met him. Natuto ako noon sa mga libro na nababasa ko, tapos gagawin ko sa Pamilya ko. Nasanay din akong mag-observe, but not that good.

Untraceable Footsteps Where stories live. Discover now