Chapter 2

35 5 2
                                        

"Hi, Babe. I'm sorry." Wika ni Jaden

Naka uniform siya ngayon. Top knot hair style, color brown. His eyes are also brown. Mapupula ang kaniyang labi. He's not chubby nor fit, sakto lang ang kaniyang pangangatawan. At maputi ang kulay ng kaniyang balat.

Si Jaden ang aking current boyfriend. He's 22 years old, 4th year college, accountancy ang kinuha niya. Nanligaw siya noong senior high palang ako, at sinagot ko bago ako mag 1st year college. Bali isang taon at mahigit na rin kami.

Dahil sa kaniya nagsilabas ulit ako noon, dahil nawawala ang footsteps minsan kapag kasama ko siya, ewan ko ba, pati footsteps may saltik. Takot na takot ako dati sa footsteps, kaya naman noong dumating siya, medyo nabawasan na ang takot ko, at nasanay na rin ako.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya, nanatili akong tahimik, hinahanap kung nasaan na si Shin. Natagpuan ko siyang bumibili pa rin, ang tagal talaga kumilos nitong babaeng ito.

"Hmm, Babe. Sorry na." Sabi ni Jaden, saka hinawakan ang aking kamay. Agad ko naman itong tinanggal, saka ilinagay sa aking hita ang kamay ko.

"Babe naman. Hindi ko naman sinasadyang mag-selos, paano kasi nitong nga nakaraan palagi kayong magkasama ni Daniel." Wika niya na may kasamang pagtatampo.

"Alam mong ayaw ko sa lahat iyong seloso, Jaden. Ofcourse, we're together, kasi sabay-sabay kaming gumagawa ng plates nila Shin." Pagpapaliwanag ko sa malamig na boses, saka ko linagay ulit sa itaas ng mesa ang aking kamay.

Hinawak niya ang aking kamay, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na inalis. "Alright, Babe. Look, I'm sorry, okay? I really am. Hindi ko na uulitin, I love you." Paglalambing niya, saka niya hinalikan ang aking kamay.

"Fine. Kapag inulit mo pa, makakatikim ka talaga sa akin." May pagbabantang sabi ko.

"Anong ipapatikim mo?" He said while smirking.

"Ang baboy mo." Sabi ko na may pandidiri sa mukha.

Tinawanan niya lang ako, kaya naman napasimangot ako. I'm trying to be an understanding girlfriend, kasi ayaw kong nag-aaway pa kami, sayang oras din.

Tumabi siya ng upo sa tabi ko. Hinintay lang naming maka balik si Shin, at sabay na kaming tatlong kumain. Nagpabili rin pala si Jaden kay Shin, kaya medyo natagalan.

"Babe, puwede ka ba mamaya? How about we go on a date?" Biglang tanong ni Jaden na pumukaw sa aking pag-iisip.

"Ha? Uhm, yeah. Pero mag papaalam ako kala brother at Mommy" Ani ko.

"Sige sa labas nalang ako ng locker room mo maghihintay." Wika niya.

"Hay nako! Nagkabati lang ginawa na naman akong third wheel." Masungit na singit ni Shin.

"Edi lumayas ka dito sa table namin." Wika ko.

"Ay wow ha! Parang hindi nag drama sa akin kagabi." Pang lalaglag niya.

Tinignan ko siya ng masama. "Napaka sama mong friend, parang walang pinagsamahan. Ilalaglag din kita kay brother." Sabi ko.

"Edi ilaglag mo, meley me melegleg den se eken. Ehe! Enebe!" Maarte niyang wika.

"You're so pabebe. Bilisan mo at aalis na tayo." Saad ko.

Nagmadali na kaming kumain dahil may klase pa kami, vacant lang naman kasi namin ngayon. Nang matapos, nagpaalam na ako kay Jaden, at susunduin nalang niya ako mamayang uwian, dahil mauuna namang matapos ang klase niya.

Magkasabay kaming pumunta ni Shin sa klase, nagkuwentuhan muna kami habang wala pa ang professor namin. Nang dumating na ito, agad itong nagturo, at nakinig naman kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untraceable Footsteps Where stories live. Discover now