"February 21" nang mag confess siya saakin Malapit na mag 1 month pero bakit hindi padin siya dumadalaw napaisip ako kung seryoso ba sya kasi parang seryoso naman sya pero bakit ganun...
kung seryoso kasi siya dapat as soon as possible nag start na siya pero bakit di padinnnn Hayssstt too much thinking na maka tulog na nga ...
(Alarm ringsssss)
Ayyy newwww dayyy nanaman Nasan na ba yung cp ko Ay ayun Haha Ay ano ba yan 16 years na akong buhay 3 years ko ng dito lang sinasaksak yung cp ko bago matulog haha (so ayun kagigising palang baliw na kaagad)
(Messenger rings) Message from Joshua Good morning pangettt!!! Oh new day na Gising ka naaaaa rise and shine pangettt...
Thank you kay God kasi buhay pa tayo kase ginising pa nya tayo...
Bumangon ka na dyan at mag hilamos na para magising na yung diwa mo
O sya panget mag breakfast ka na Eat well I love youuu Have a great day I love you pangetttt
-Morning messages from Joshua(it's actually daily and never misses).
(Kilig) Ayyyietttt Ok ok
Christyn Gising na So today is March 21 na Bangonnn naaaaa
Sa umagang iyon, alas nuwebe na hindi pa ako bumangon kase haha nakaka tamad talaga Mabilis umikot ang mga daliri ng orasan at tadaaaa alas sais na...pagkatapos naming kumain ako naka tokang mag hugas...
katatapos ko lang maghugas ay may narinig akong tumutugtog ng gitara at bigla kong narinig ang boses ni Joshua na kumakanta...
Nagulat din si mama na naka upo sa upuan habang nanunuod ng tv...
nag katitigan kami sa unang mga segundo at biglang nag unahang buksan ang pinto... Binuksan ni mama ang pinto kase naunahan nya ako...
nagulat ako sa reaksyon ni mama naluha pa sya sa moment na yon pareho kaming kinikilig ramdam naming nanginginig kaming dalawa...
Ouy mhieee(tawag ni Christyn sa mama nya) Bakit naluluha ka dyan ako nililigawan oh ... -Christyn
Patay malisya lang si mama sa mga pinag sasabi ko ang buong atensyon nya ay nakatutok lang kay Joshua...
( Pag katapos umawit ni Joshua )
Tuloy ka ginoo...-mama
Oo,pinatuloy nya talaga agad si Joshua at ayun mamatay matay na ako sa kilig habang magkaharap kami ng upuan sa living room dalawa lang kaming naroon pero,...
Sa mga oras na yon tahimik na tahimik kaming dalawa wala kaming masabi sadyang speechless kaming dalawa...
Nang dumating na si mama galing kusina Wala din syang sinasabing kahit na anong salita hanggang sa..."sumigaw si papa"
Hoyyy!!!binata anong pangalan mo Taga saan ka sinong mga magulang mo may lupa ba kayo Kung wala makaka alis ka na... -papa
Hmph!!! I was so embarrassed that moment kasi lupa kaagad hinanap ni papa eh alam ko naman na walang malawak na lupain sila Joshua Pero nagulat ako sa response ni Joshua...
Magandang gabi po tito Ako po si Joshua Anak po nina Ruth at Jacob Patawad po tito kung wala kaming malawak na lupain hindi man po kami mula sa magsasakang pamilya hindi man po ako galing sa mayamang pamilya pero maipapangako ko po na...(inhales)
BINABASA MO ANG
"A-a-w-i-t-a-n"
RomansHindi lahat ng relationship goals Sabay na nag tratravel, sabay gumagraduate o sabay na natatanggap ng trabaho dahil yung iba Sabay na nag seserve kay lord... Hi!ako nga po pala si Christyn Pang kristyano ang pangalan ko kaya hindi na ako nag tatak...