Finale

21 3 0
                                    

Shane's POV

"Oh that's great, I am always ready just tell me the sched" wika ko sa doctor bago ko tuluyan ibaba ang telepono.


"Sinong kausap mo?" nagulat ako nang biglang marinig ang boses ni Lyra sa likod ko




"W-wala" saad ko. Tumango laang ito



Sorry Lyra, mahal kita. Mahal ko kayo, patawarin mo sana ako sa aking gagawin. Alam kong ang dami ko ng kasalanan sa'yo sa inyo lalo na pag inaatake ako ng sakit ko. Ayaw kong dumating pa sa point na hindi ko na talaga kayo maalala, kaya siguro mas mabuti na rin itong gagawin ko. Salamat sa pag-aalaga sakin at pag stay dahil alam mong kailangan kita.






"Are you ready?" tanong sakin ng doctor habang nakahiga ako.



"yes doc" wika ko, saka ipinikit ang aking mga mata. Alam ko, pagkatapos nito ay iba na ang magiging buhay nyo. Alam kong pagkatapos nito ay magbabago na ang takbo ng buhay nyo. Patawarin nyo sana ako. Ayoko pang mahirapan kayo. Pero bago ako lumisan, gusto kong mailigtas ko ang taong minahal ko ng lubos. Masaya akong nakilala kita Kurt, masaya akong bumalik ka. At masaya ako na magiging ama kana. Wala ng dahilan pa para mabuhay ako dahil ang taong matagal kong hinintay ay sa iba pala nakatadhana. Onti-onti ko ng nararamdaman ang itinurok na pampatulog sakin, alam kong pagpikit ng mata kong ito ay hindi na kailanman muling mumulat. Hindi ko na masisilayan ang mga ngiti nyo. Hindi ko na muling makikita ang pagkadismaya tuwing nakakalimutan ko kung sino kayo.





Lyra's POV

Agad akong pumunta sa hospital nang mabasa ang mga mensahe sa cellphone ni Shane. Ayon sa nabasa ko ay ngayon ang schedule ng heart transplant nya.



Hindi ko na napigilan ang patulo ng mga luha ko habang tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit nya ito ginawa. Bakit hindi ko manlang nalaman?





agad ko naman kinuha ang cellphone ko sa bulsa para sagutin ang tawag.



"Where is she?" tanong ni Gray




"Di ko alam, pero pupunta ako ngayon sa hospital kung saan nakaschedule ang heart transplant nya"





"may nakasched po ba ditong heart transplant at ang pangalan ng donor ay Shane?"  tanong ko sa information desk


"katatapos lang po" biglang nanlambot ang tuhod ko nang marinig ko ang sagot ng isang nurse. 




"Where is Shane?" hinangal na hingal na tanong ni Gray nang maabutan ako sa tapat ng Information desk.






"w-wala na sya" mahin kong sabi





"What? Wait, Where is Shane at sino ang pinagbigyan ng kanyang puso?" tanong ni sa information desk






"di po kami pwedeng magbigay ng impormasy---"


"kami ang pamilya ni Shane!" inis na sambit ni Gray





"N-nasa morgue na po sya at si Mr. Kurt Morales po ang pinagbigyan nito"



"F*ck!" sigaw nito sabay sipa sa desk information






Agad kaming pumunta morgue para tingnan si Shane. Dali-dali ko itong niyakap nang makita ang katawan nyang walang buhay. "Shane bakit?"




"Are you Lyra Ocampo?" napatingin ako sa doctor na nagtanong. Tumango lang ako




"ibigay ko raw ito sayo pag nagpunta ka dito" wika nito saka iniabot ang isang papel na nakatupi. Agad ko itong kinuha at binuksan. Lalo akong naiyak nang makita ang sulat kamay nya.




Dear Lyra,

Sorry kung hindi ko na ito ipinaalam dahil alam kong hindi mo ako papayagan. Sorry kung nagdesisyon ako nang mag isa. Sorry kung sa huling pagkakataon ay si Kurt parin ang iniisip ko. Wag mo sana sisihin ang sarili mo dahil sinabi mo pa sa akin ang kalagayan ni Kurt. Salamat dahil sinabi mo ito, dahil sayo nalaman ko ang purpose ko dito sa mundo. Sorry sa mga panahon na pinapaalis kita sa bahay dahil di ko maalala kung sino ka. Ginawa ko ito dahil ayaw kong umabot sa point na lahat kayo ay nahihirapan at namomroblema sakin. Ayaw kong dumating sa point na nakalimutan ko na lahat pati ang sarili ko. Salamat sa pag-aalaga sakin at pag stay sa tabi ko. Baon ko ang mga masasaya natin alaala. Alam kong pag nabasa mo ito ay wala na ako. Ngayon pwede kana magdesisyon ng hindi ako inaalala. Pwede kana umalis at tuparin ang mga pangarap na di mo masimulan dahil sakin. Sobrang swerte ko na nakilala kita at naging kaibigan. Pero higit pa sa isang kaibigan ang turing ko sayo. May isa lang sana akong hiling sa iyo, sa inyo. Wag nyo sanang kasuklaman at sisihin si Kurt dahil sa pagkawala ko. Ako ang may gusto nito at hindi sya. Hanggang sa muli natin pagkikita. Salamat Lyra, mahal kita.

Nagmamahal,

Shane Alvarez



Biglang bumalik ang mga alaala namin ni Shane dahilan para lalong mag-unahan ang mga luha ko.




---

Walang gana kong inaayos ang kwarto ni Shane at nakuha ng isang sticky notes na nakalagay sa gilid ng salamin ang atensyon ko.

Buksan mo ang drawer sa loob ng cabinet ko at kunin mo ang mga sulat ko doon para sa mga taong naiwan ko. Ito ang huling hiling ko sayo Lyra, sana ay maibigay mo ito sa kanila. Salamat.

Agad kong binuksan ang cabinet nya at binuksan ang drawer na tinutukoy nya. Nakita ko doon ang mga sulat. Isa-isa ko itong kinuha at tiningnan kung para kanino.


"Raiven, Kurt, Rose, Gray, Isabel and Papa" napaupo ako sa kama nya nang makita kung para kanino ang mga ito. Hanggang sa huli sila parin na nakasakit sayo ang iniisip mo. Ibang klase ka Shane, di ka marunong magtanim ng sama ng loob.










The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon