Chapter 23

12 3 0
                                    

Lyra's POV

"Gray?" tanong ko sa taong nakatayo sa labas ng gate

"Si Shane?"

"N-nasa loob" nauutal kong sabi. Papasok na sana si Gray sa loob ng bahay nang tawagin ko ito kaya napalingon sya sakin "A-ano k-kasi m-may s-sakit s-si S-shane"

Napakunot ang noo ko nang bigla itong ngumiti. Isang mapait na ngiti.

"I know" wika nya saka nagpatuloy sa paglalakad.

How? Ilang minuto rin akong nakatulala dito sa labas bago napagtanto na kanina pang nasa loob si Gray.

Di pa ako nakakapasok pero dinig ko na ang tawanan ng dalawa sa kwarto ni Shane. Dahan-dahan akong kumatok at ilang sandali lang ay binuksan ni Gray ang pinto. Kitang-kita ko sa mata ni Shane kung gaano sya kasaya. Sana ganyan kana lang palagi.

"Naghanda ako ng pagkain sa baba" wika ko

"Thank you Lyra, susunod na kami" Masayang wika ni Shane

Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na si Shane para umakyat sa kwarto nya

"See tomorrow Kurt, ingat ka sa pag-uwi" masayang wika ni Shane habang nakatayo sa hagdan. Tumango lang si Gray at ngumiti ng mapait.

"Paano mo nalaman?" tanong ko. Seryoso syang tumingin sakin at lumingon sa likod para siguraduhin di maririnig ni Shane. Ngumiti na naman ito ng mapait bago ito magsalita.

"I have sources" seryoso nyang wika

Napakunot ang noo sa sinabi nyang iyon.

"Habang wala ako dito sa Pilipinas pinapabantayan ko si Shane sa taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos. Bawat galaw at nangyayare sa kanya ay sinasabi nito sakin. The moment na nalaman kong nagka Alzheimers sya nagplano na agad akong bumalik dito sa Pilipinas. Pero hindi naging madali ang lahat dahil ako na rin ang may hawak ng business namin sa Italy."

Bahagya napaangat ang labi ko sa sinabi ni Gray. Grabe ganon nya kamahal si Shane. Di nya nagawang kalimutan ito kahit na nasa malayo pa sya.

"Pero bilib pa rin ako kay Shane, kahit na nakalimot sya pero yung puso nya never nakalimutan kung sino talaga ang totoong mahal nya. Imagine ako na yung kaharap nya pero si Kurt pa rin ang bukang bibig nya."

Ramdam ko ang sakit sa bawat pagsasalita ni Gray. Di ko alam na may ganito palang lalake. Di ko magawang magsalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Pero ayos lang, atleast masaya sya. Sana lagi syang masaya." dagdag nito saka ngumiti ng mapait.

"Good morning" bati ko kay Shane habang nababa ito sa hagdan.

"Wala pa si Kurt?"

"Wala pa" biglang tumamlay ang mukha nya saka ibinagsak ang sarili sa sofa.

Napailing na lang ako habang inaayos ang pagkain sa lamesa.

"Tara na Shane kakain --"

"KURT!" agad itong tumakbo palabas nang marinig na may nagdoor bell.

"Sobrang namiss kita" nakangiti ni Shane habang nakatingin kay Kurt.

"Ako rin naman, kaya nga bumalik ako" tugon nito.

Nakita kong gumuhit ang ngiti sa labi ni Shane.

Napalingon kaming lahat sa labas nang marinig ang sunod-sunod na doorbell

Agad akong lumabas para tingnan kung sino ang nagdoorbell

"I-isabel?" tanong ko sa babaeng nasa harap ko habang pilit na tinitingnan ang loob ng bahay na tila ba may hinahanap ito. Minsan na syang naikwento at napakita sakin ni Shane kaya alam kong si Isabel ito. Pero anong ginagawa nya rito? "A-anong ginagawa mo rito?" ngayon ay nakuha ko na ang kanyang atensyon at sakin na sya nakatingin ngayon.

Saglit itong ngumiti "Where's Kurt?" tanong nya "Masasabihin ako sa kanya" dugtong nya.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay pumasok na agad ito. Kaya agad akong sumunod.

Pagpasok nya sa loob kita ko sa mata ni Kurt ang pagkagulat.

"What are doing here?" tanong nya kay Isabel

Si Shane naman ay nakatingin kay Isabel na tila ba naguguluhan

"Sino sya?" tanong ni Shane. Lumingon sa kanya si Isabel at ngumiti

"I'm Kurt's wife." Lahat kami'y nagulat sa sinabi nito maging si Kurt na tila ba walang kaalam-alam sa sinasabi ni Isabel

"Ano bang sinasabi mo?" inis na wika ni Kurt bago nito hinawakan ang kamay ni Isabel para dalhin sa labas ngunit inalis nito ang kamay nya.

"Kurt I'm pregnant and you're the father" Napatayo si Shane at lumapit kay Kurt.

"Shane!" Sigaw ko matapos nitong sampalin si Kurt.

"wag kang maniwala sa kanya Shane. Di yan totoo" paliwanag ni Kurt

Magpapaliwanag pa sana si Kurt nang biglang maglakad si Shane papunta sa kanyang kwarto.

"Im not a liar"Depensa ni Isabel sa sarili nya

"Pa'no ako maniniwala kung hindi ko na mabilang sa daliri ko ang mga kasinungalingan sinabi mo?"

"kanyan kana ba kawalang tiwala sakin at pati anak mo idadamay mo?"

Dalawang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagsasalita si Kurt.

Naagaw ni Isabel ang atensyon namin lahat ng bigla itong magsalita "Fine, kung hindi mo rin ito tatanggap edi ipapalaglag ko na lang" akmang aalis na ito nang pigilan sya ni Kurt.

"Don't you dare!" pagbabanta ni Kurt kay Isabel

"para saan pa at bubuhayin ko ang batang ito kung ang sarili nyang ama ay ayaw sa kanya?"

"Fine, I believe in you" kitang-kita ko ang ngiti sa labi ni Isabel sabay nang pagyakap nito kay Kurt.

Paano si Shane? Araw-araw na naman syang maghihintay sa pagbabalik ni Kurt? Teka babalik pa ba si Kurt? Paano tatanggapin ni Shane na ang lalakeng pinakamamahal nya ay magkakaroon na ng pamilya?

Araw-araw na naman ba syang iiyak?

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon