Epilogue

22 3 0
                                    

Rose's POV

Dear Rose,

Masaya ako dahil minsan kang naging parte ng buhay ko. Masaya ako dahil minsan mong ginulo ang tahimik kong buhay. Isa ka sa dahilan kung bakit ako natututong maging matatag. Pero simula palang ayaw ko na sayo, ewan ko ba bakit pa kita bibigyan ng sulat. Siguro dahil minsan mo akong tinuruan kung kelan dapat tumigil sa paglaban. Kahit na binawi mo ang minsan naging buhay ko, masaya pa rin ako dahil nakilala ko ang isang bulaklak na gaya mo. Hanggang sa muli, Rosas.

Nagmamahal,
Shane

"The program is about to start"

"Ah yes, wait for a while" Wika ko bago itinupi ang papel na hawak ko.

"Wait, are you crying?" agad kong hinawakan ang pisngi ko at naramdaman ko ang likido na tumutulo mula sa mata ko. Dali-dali ko itong pinunasan at inilagay sa bag ang papel na galing kay Shane.

Raiven's POV

"Kanino daw galing ang sulat na ito?" tanong ko sa secretary ko. Nandito ako ngayon sa Company namin sa Pilipinas dahil ako ang inutusan ni papa na mag manage nito.

"Wala pong sinabi, ang sabi lang po nang nagbigay ay para sa inyo raw po iyan" wika nya bago tuluyan umalis nang makita ang pag sang-ayon ko.

Dear Raiven,

Kumusta? Long time no talk ah. Kumusta na ang mingming ko? Hahahahaha Siguro wala na ako habang binabasa mo ito ngayon at sobra akong nagpapasalamat dahil nakilala kita. Isa ka sa risk na di ko pinagsisihan na tinake ko.
Kahit na ang daming sakit na idinulot mo sakin noon, mas nanaig pa rin yung pagmamahal ko sayo. Kaya ito ako ngayon natagpuan ang sarili ko na sumusulat ng liham sa pag-alis ko. Alam kong masaya kana, ako rin masaya para sayo. Siguro ganon talaga ang purpose ko dito sa mundo no? Ang buuin kayo para sa taong nakatakda sa inyo? Pero okay lang, makita ko lang kayong masaya. Masaya na rin ako. Sa una, oo masakit pero sa huli onti-onti ko na rin natatanggap. Mas masaya magpatawad kesa magtanim ng galit. Ayan napahaba na tuloy, namiss ko magrant sayo. Ilan taon ko rin di nakwentuhan ang human diary ko hahahaha ito na siguro ang huling kwentong ikekwento ko sayo. Maari mo nang saraduhan ang librong binuksan mo para sa akin. Salamat sa pagmamahal Raiven. Mahalin mo si Rose ha! Mumultuhin kita pag nagloko ka!

Minsang mong minahal,
Shane

"Sir mag start na po ang mee---"

"cancel it" wika ko habang nakatungo.

"but si-"

"Di kaba nakakaintindi, I said Cancel uit!" Kita ko ang pagkagulat sa mata ng secretary ko. Agad rin itong umalis nang sabihin ko iyon.

Di ko na napigilan ang luha na kanina pang gustong kumawala sa aking ata. F*ck Shane, bakit?! Sinipa ko ang lamesa ko sa inis dahilan para malaglag ang pen holder.


Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at dali-daling bumaba. Di ko na pinansin ang mga empleyado ko na yumuyuko sa tuwing nakikita akong nadaan.

Isabel's POV

"Hon you have a mail"

"from whom?" nagkibit balikat lang ito, siguro dahil hindi nya alam kung kanino galing. Kaya binuksan ko na lang ito. Napakunot ang noo ko nang makita kung kanino galing.



Dear Isabel,

How's your baby? Sayang hindi ko sya makikita. Ang nag-iisang anghel nang taong mahal ko. Ingatan mo si baby nyo ha? Ibinigay ko ang puso ko para lumaki syang may buong pamilya. Di ko alam kung bakit pati ikaw ay kasali sa bibigyan ko ng sulat gayong kinuha mo ang buhay ko. Si Kurt na nga lang ang nagiging lakas ko sa tuwing nanghihina ako, kinuha mo. Pero naiintindihan ko naman kaya nga nagparaya na ako. Gusto ko na lang maging masaya ang lahat. Salamat sa mga alaala kahit na hindi ito ganoon kaganda.  Natatawa nga ako eh kasi akala ko noon ako ang nauna kay Kurt, mali pala ako dahil ikaw. Ako pala yung nakikihati at hindi ikaw. Ingatan mo si Kurt ha? Mahal na mahal ko yan.

The Great PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon