Chapter 7: Breaking News (Part 2)
Lianne's POV
Napa upo nalang ako sa sofa at napatingin kay Nurse Anne. "So, I came here for this." Sabi niya sabay pinakita sa akin ang flyer.
'wanted katulong sa bahay...?'
"So will you..?" Tanong ko sakanya. She quickly shook her head then smiled. "No not me." Sagot niya sa akin.
"My... cousin. Bago lang namatay yung parents niya and he wants to work para magkaroon naman siya ng pera." Dagdag niya.
"I see..." Sambit ko. Napayuko muna ako ng sandali since meron akong iniisip.
'hmm... so lalake yung pinsan niya...'
"Ah-ehh meron ba akong nasabing mali?" Parang nagp-panic na tanong sa akin ni Nurse Anne. Napalingon naman ako sakanya; for some reason she looked like she saw a ghost.
I smirked na para bang may alam ako. "Are you sure na yan lang yung dahilan...?" tanong ko sakanya.
She turned red all of a sudden. Sasagot na sana siya ng bigla siyang hinawakan ni Nathan sa balikat niya. "Awee!~ Since when ka naging imbestigador?" Nathan said in a teasing tone.
"Ngayon lang." Pabiro kong sagot sa kanya. Napalingon naman ako kay Nurse Anne na naka yuko na ngayon.
"You ok Miss Anne...? I was just joking." Sambit ko. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Oo, ano, sa susunod nalang ako babalik ah? Bigla kasing sumakit yung tiyan ko." Sabi niya sabay tayo tsaka lakad na palayo.
Few seconds after, narinig ko nalang ang pagsara ng pinto nila. Napalingon naman ako kay Nathan na naka upo ngayon sa sofa na nasa harapan ko. "...sorry...?" Sabi ko. Napailing nalang siya.
"You did nothing wrong naman. It's just that you're annoying at some point Fatty." Panimula niya. "And that's unusual." Dagdag niya.
"Hmm...? You think so?" Tanong ko. napatango naman siya nang biglang nag ring ang phone ko.
"Pauwi na ako. Wait for me." Sabi ni Karen nang sinagot ko yung tawag niya. Napalingon naman ako kay Nathan na nagpa alam na lalabas muna siya.
Tumango naman ako sakanya kaya umalis na siya. "So, nasan kana? Pupuntahan kita." Tanong ko sa kanya.
"No need, malapit narin naman ako." Sagot niya. "Just wait there. You need to talk to someone when I'm back." Sabi niya tsaka binaba ang tawag.
I heaved a sigh then hugged my bag. 'Talk to who exactly....?'
YOU ARE READING
Let Them Fall
Teen Fiction'Love is in the air, I wanna hit you with a chair...' -Lianne Remualez