Chapter 5: A small misunderstanding

3 0 0
                                    

Lianne's POV

"Paaaaattt!!~" Angel exclaimed then tried to reach me with her hands na para bang magpapakarga nanaman siya sa akin.


"Oh! Ikaw yung kinuwento ni Tupe! Lianne right...?" Tanong ng Ina nilang Angel.


Napatango naman ako sa tanong ng Mama niya. Napangiti naman siya then offered her hand for a handshake. "Valeria. Nice to meet you dear!" She exclaimed.


Napakurap naman ako. Napalingon naman ako sa direction ni Karen. Well... base sa mukha niya ngayon, pareho kaming walang alam kung ano ang nangyayari.


"Nasan na nga ba si Tupe? Ibibigay ko sana ito. Naiwan niya kasi sa bahay kanina." sambit niya tsaka kinuha yung isang selophane na may lamang lunchbox.


"Uh... Miss Valeria... umalis po kasi si---"


"Hmm? Miss Valeria ka jan! Tita Valeri nalang yung itawag mo sa akin ija!" Pagpuputol ni 'Tita Valery' sa akin. May nag ring na phone. Napalingon naman kami ni Karen sa mga bulsa namin. 


"Ma? Ay oo. Pabalik na ako. Oo, sure ka na ok lang na dyan ko muna iiwan si Angel? Ahh... sige ho! Salamat!" She stated talking to the person on the other line of the call. I assume lola siya nila Tupe at Angel. Napalingon naman siya sa akin.


"Ija, paki bigay nalang ito kay Tupe ahh? Ihahatid ko pa si Angge sa Lola nila. Salamat!" Sabi ni Tita tsaka binigay sa akin yung baunan ni Tupe at nagsimula nangg maglakad paalis.


I heaved a sigh then looked at Karen's direction. "So~ kilala mo na yung future mother-in-law mo?" Tanong niya na para bang nagbibiro. Hinigpitan ko ang paghawak ko sa lunchbox ni Tupe tsaka humarap na kay Karen.


"Hoi! Mother-in-law ka jan! Mahirap ngang maghanap ng jowa... pano na kaya yang asawa..." Sambit ko nang nagsimula na kaming mag lakad ni Karen pabalik sa mga classroom namin.


"Point well taken... basta sabihan mo lang ako kung anong balita sa lab layp mo okie?~" Paninigurado niya.


Napalingon naman siya sa bubong ng building kung saan nakalagay yung classroom namin. "We both know that after junior high hindi na tayo masyadong magkikita... tapos this school year hindi na tayo classmates. So pagtyagaan mo ako! Dapat balitaan mo ako palagi!" She said then pouted.


"Oo naman! Ikaw pa nga yung magiging maid of honor ko! Pano kita ma iinvite sa kasal kung wala kang alam sa love life ko?" natatawa kong sabi sa kanya.


"Yaaaz!~ Oh sya, pasok ka na." Sabi niya nang nasa harap na ako nang pinto ng classroom namin.


"Bye!~" Sabay namin sabi nang pumasok na ako habang siya naman ay nagpatuloy nang maglakad. 

"Oh yeah,"  sambit ni Karen nang bumalik siya sa pinto namin tsaka hinila niya yung kamay ko. "Go find new friends okie?" she said. I blinked twice then nodded.

Let Them FallWhere stories live. Discover now