Chapter 6: The twins, the prince and the terror teacher
Lianne's POV
"Clean this room immediately!!!" galit na utos ni Miss R. sa aming lahat.
"Well, that was fun to watch..." Sabi ng lalake at tumayo na. Nagtulungan na rin kaming lahat sa pag ayos ng mga upuan.
'This room is a mess... para kaming binagyuhan dito...'
"Sige, away pa kayo! Nadamay yung mga walang ginawang mali." Sambit ng isang babae. Kaklase ko rin siguro siya.
"Oh shut it Lorraine. It's not like any of you stopped us anyways." Sambit ni Sander na para bang napipikon na talaga siya.
"Yeah right! If I tried to stop you two, titigil ba kayo?!?!!" Nang gigigil na tanong ni Lorraine sa kanya. I heard Sander talk about something pero may tumapik sa likod ko.
"Excuse me, uh... pwede mag patulong?" Tanong ng babaeng tumapik sa akin. I looked at her I.D. 'Ellie'. Napatango naman ako at tinulungan siyang buhatin ang mga upuan. To be honest, she seemed to be weak based on her physical appearance. Hindi naman siya masyadong payat pero, mas maliit yung katawan niya kaysa sa akin. Medyo maputla rin siya.
'Baka anemic siya...?'
Nang mai ayos na namin ang mg upuan na nasa likod nginitian niya ako. "Thank you... Lianne right...?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
"I see... you're really strong!" Sambit niya sa akin.
Wala naman akong masabi kaya napatawa ako. I didn't expect her to compliment me in any way. "Well... salamat sa aking mus-cl-es!~" Pagbibiro ko sabay pinakita ang sobrang malaki kong braso. Napatawa naman rin siya ng mahina.
"Hayst... Kung magkasing lakas lang tayo, siguro hindi na kita pinatulong..." Sambit niya.
"Ok lang oipp! Kung ako ang malakas, ikaw ang mahinhin. That sounds good too..." Sabi ko sakanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Thank you... My name is Ellie..." Pagpapakilala niya sa sarili niya. "Nice too meet you Lianne..!" Sambit niya na para siyang bumubulong. I guess ganyan na talaga yung boses niya.
"Nice to meet you too..." Sambit ko sakanya. "Ay, oo nga pala... pano nyo nalaman ang pangalan ko? Hindi naman tayo magkakilala dati?" Tanong ko sakanya. I mean, kahit sila Sander at Andres, alam yung pangalan ko.
"Oh? Hindi mo alam-- ay oo nga pala nasa clinic ka nga pala 'nun..." Sabi niya. "So, 'nung nasa clinic ka pa, nagmadaling lumabas si Miss Renny nang may tumawag sa kanya while may diniduscuss siya sa amin." Panimula niya. "Nasigaw niya yung pangalan mo tsaka sabi niya tanga ka raw tapos marami pa siyang sinabi bago siya lumabas sa classroom." Sabi niya.
YOU ARE READING
Let Them Fall
Genç Kurgu'Love is in the air, I wanna hit you with a chair...' -Lianne Remualez