Sa tantsa ko ay nasa halos isang buwan na rin kaming naka-lockdown, halos isang buwan na rin akong naghihirap.
"Bumangon ka na diyan, Hanae!" sigaw ng aking asawa habang pinagsisipa niya ang likurang bahagi ng aking katawan.
Dahan-dahan lamang ako sa paggalaw dahil sa sumasakit ang bawat bahagi ng aking katawan na araw-araw kong iniinda.
"Napakabagal naman! Ano ba, Hanae? Nagugutom na ako!" sigaw niyang muli.
"Saglit lang, Aito. Masakit kasi ang katawan ko," sagot ko sa kanya habang pilit pa rin na tumatayo mula sa pagkakahiga. "Aray," dagdag na daing ko ng masagi ng daliri ko ang kanto ng mesa sa aking gilid.
"Napaka-arte naman. Nagsasakit-sakitan ka lang d'yan eh!"
Isang sipa pa ang nakuha ko mula sa kanya. Natamaan nito ang aking kanang kamay na ginagamit kong pangtukod kaya naman napahiga akong muli.
"Aray," daing ko. "Huwag mo naman akong sipain."
"Paanong hindi kita sisipain? Eh napakabagal mo! Magluto ka na!" sigaw niya.
"Bakit hindi nalang ikaw ang magluto para sa sarili mo?" pabulong kong sambit para hindi niya ito marinig. Pero mukhang narinig niya pa rin ito.
Mabilis niya akong inumbayan ng suntok at tumama ang kanyang kamao sa aking kaliwang dibdib. Masyado itong malakas at hindi na ako nakadaing pa. Biglang may umuugong na tunog sa loob ng aking tainga at hindi ako makapagsalita dahil sa sakit.
Gigil na gigil niyang hinawakan ang aking magkabilang pisngi gamit ang dalawa niyang kamay. Dahil sa kanyang gigil, naiipit ang aking labi.
"Akala mo ba hindi kita maririnig, ha? Anong akala ko sa akin, bingi?" nanggigigil na sigaw niya sa aking mukha. Naramdaman ko pa na tumatalsik ang kanyang laway dahil sa pagsigaw.
"Bubulong-bulong ka pa!"
Isang sampal ang inabot ko mula sa kanya. Malakas ang pwersa ng pagkakasampal niya sa akin at tila matatanggal ang aking panga.
"Pasensya na," mahinang sabi ko sa kanya. Halos mawalan ako ng lakas dahil sa pagsuntok at pagsampal niya sa akin.
Tumawa ito napakalakas. Mukha na siyang nababaliw.
"Pasensya na," panggagaya niya sa sinabi ko kanina. Hindi lang ang mga salita ang ginaya niya, kundi pati ang tono ng aking boses.
"Anong akala mo sa akin, Hanae? T*ng*?" tanong niya habang tinuturo ang kanyang sarili. "Lalaban-laban ka, tapos kapag hindi mo kaya, hihingi ka ng tawad? Aba magaling!"
Hindi na lamang ako sumagot. Hindi dahil sa wala na akong lakas para magsalita, ito ay dahil baka may lumabas sa bibig ko na hindi niya magustuhan. Kapag nagkataon, mabubugbog na naman ako.
"Kailangan pagkatapos ko, nakahain na ang pagkain. Dalian mo."
Ilang segundo lamang ay narinig ko ang padabog na pagsarado sa pinto.
Pinilit ko pa rin na makatayo. Nakakatiyak ako na kapag wala pang nakahaing pagkain mamaya ay sasaktan na naman niya ako ulit.
-
"Mabuti naman at nakapaghain ka na."
Napaharap ako sa likuran nang marinig ko ang boses ni Aito. Nakita ko siya na kalalabas lang mula sa palikuran ng aming bahay.
Basa pa ang kanyang buhok. Tumutulo pa ang tubig mula dito, tanda na hindi niya pa ito napupunasan. Nakadamit na siya ng lumabas kaya ang ibang bahagi ng kanyang damit ay basa na rin.
BINABASA MO ANG
Adan Hits Eva (Deep Trouble Series #1)
General Fiction(COMPLETE) Since the pandemic started, lockdown was implemented in the whole city of Shukesa. People are not allowed to go outside their houses. The government said that people are safe as long as they're inside their houses, but how can Hanae be s...