Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha ng biglang hatakin ni Aito ang aking buhok. Naabutan kasi niya ako na nahandusay sa sahig. Akala niya ay natutulog lamang ako ngunit ang totoo ay nawalan ako ng malay buhat ng mag-away kami kanina.
"Nasasaktan ako," daing ko dito habang hinahatak niya ako palabas.
Ngunit tila hindi niya ako naririnig. Tuloy-tuloy siya sa paglakad hanggang sa makarating kami sa pinto ng bahay.
Tinulak ako nito palabas. Kahit na nakararamdam ako ng kaunting pagkahilo ay nagawa ko pa ring isiksik ang katawan ko sa pinto habang sinasara ito ni Aito.
"Papasukin mo 'ko, Aito," sambit ko dito habang pilit na ipinapasok ang sarili ko sa loob ng bahay.
"Hindi ka papasok dito hangga't wala kang dalang pera. Kung gusto mong hindi maabutan ng gabi, mag-umpisa ka na ngayon," walang-awang sabi niya akin at patuloy pa rin sa pagsasara ng pinto.
Hindi ako nagpatinag. Lumaban ako upang makapasok sa loob. Sigurado ako na kapag nasara na niya ang pinto ay hindi ako makakapasok muli ng walang dalang pera para sa kanyang bisyo.
"Papasukin mo ko!" sigaw ko. Tanging ang aking braso na lamang ang nasa pinto at kaunting dulas na lamang ay makakabitaw na ako.
"Matigas ka ah," madiing tinig ng aking asawa.
"Aray!"
Napasigaw ako sa sakit ng biglang lakasan ni Aito ang pagtulak sa pinto, dahilan upang maipit ang aking mga daliri.
"Aray ko! Aito!"
Ginagalaw-galaw ko ang aking daliri, senyas na tanggalin ng ang pagkakaipit ng aking mga daliri, ngunit hindi ganoon ang nangyari.
Mas tinulak niya pa ang pinto papunta sa akin. Pakiramdam ko ay mapuputol ang aking mga daliri dahil sa pagtulak niya na parang mas lalo pang lumalakas habang lumilipas ang nga segundo.
"Umalis ka na kasi at maghanap ng pera para hindi ka nasasaktan!" sigaw nito sa akin at bigla akong dinuraan sa mukha.
Kahit na dinuraan niya ako ay wala lang ito sa akin. Mas nananaig pa rin ang sakit na nararamdaman ng aking mga daliri.
Ilang segundo pa ang lumipas at nagsisigawan na ang mga tao sa aking likuran. Mukhang nakita na kami ng mga kapitbahay.
"Hoy! Aito! Sinasaktan mo na naman ang asawa mo!" sigaw ng isa naming kapitbahay.
"Manahimik ka, gurang! Wala ka ng pakialam dito!" sigaw ni Aito pabalik.
"Tulungan niyo ko!" paghingi ko ng tulong at lumingon sa mga tao.
Nakatingin lamang sila sa akin. Nakatayo at nanonood lamang. Natawa na lamang ako sa aking isipan. Ganito naman talaga palagi. Hindi na ako magugulat.
Namanhid na ang aking mga daliri.
"Bitaw na, Aito. Hahanap na ako ng pera," pagsuko ko. Nang magkaroon ng kaunting awang, hinatak ko na ang aking kamay at naalis na nga ito mula sa pagkakaipit. Nang tingnan ko ito ay napansin kong nagkulay-lila na ang aking mga daliri.
"Ano pang hinihintay mo diyan? Alis na! Magmadali ka!" pasigaw na utos ni Aito.
Nang masarado na ni Aito ang pinto, nagtakbuhan papunta sa akin ang aming mga kapitbahay.
"Ayos ka lang ba, Hanae?"
"Naku! Ang daliri mo halos mapigtas na."
"Napakahayop naman ng asawa mo."
BINABASA MO ANG
Adan Hits Eva (Deep Trouble Series #1)
Fiction générale(COMPLETE) Since the pandemic started, lockdown was implemented in the whole city of Shukesa. People are not allowed to go outside their houses. The government said that people are safe as long as they're inside their houses, but how can Hanae be s...